United Uwisan

Directions

United Uwisan BARANGAY UWISAN, CALAMBA CITY, LAGUNA

Pinagkaisang Pangarap para sa Makabagong Barangay ng Uwisan

Serbisyong MadaLINA, may masisilungan para sa kaligtasan!Umaga pa lamang ay sama-sama nang naghahanda ang ating BQRT, BP...
29/08/2026

Serbisyong MadaLINA, may masisilungan para sa kaligtasan!

Umaga pa lamang ay sama-sama nang naghahanda ang ating BQRT, BPSO, at buong Sangguniang Barangay Uwisan para matiyak na may ligtas na masisilungan ang ating mga kabarangay sakaling tumaas ang tubig. ๐Ÿ™

๐Ÿ“ข Bukas po ito para sa lahat ng ating kabarangay na maaapektuhan ng pagbaha.

Sa oras ng panganib, walang iwanan. Sama-sama, handa at ligtas ang United Uwisan!

๐Ÿ™ Patuloy po tayong manalangin para sa kaligtasan ng ating bansa at ng bawat pamilya.

๐Ÿซก
๐Ÿ’–

Tatlong Termino. Isang Patunay ng Serbisyo. ๐Ÿ†โค๏ธBilang inyong maliit na lingkod at Ina ng ating barangay, masaya at proud...
23/08/2026

Tatlong Termino. Isang Patunay ng Serbisyo. ๐Ÿ†โค๏ธ

Bilang inyong maliit na lingkod at Ina ng ating barangay, masaya at proud po akong makasama kayo sa patuloy nating paglilingkod para sa ating mahal na Barangay Uwisan.

Lubos din po tayong nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Roseller H. Rizal at sa tanggapan ng DILG ng sa pangunguna ni CLGOO Ms. Jennifer S. Quirante, sa pagbibigay ng pagkilala sa ating mga 3rd Termer na Kagawad.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng tiwala, dedikasyon at serbisyong patuloy ninyong iniaalay sa ating mga kabarangay.

Congratulations, mga Kagawad! ๐Ÿ‘๐Ÿ†
Isang karangalan ko pong makasama kayo sa paglilingkod. Patuloy tayong magkaisa para sa United Uwisan! โค๏ธ๐Ÿ’š

๐Ÿซก
๐Ÿ’–

Serbisyong MadaLINA, Ramdam na Ramdam sa United Uwisan! ๐Ÿ’–๐Ÿ†Limang parangal. Isang nagkakaisang barangay. Isang layunin an...
22/08/2026

Serbisyong MadaLINA, Ramdam na Ramdam sa United Uwisan! ๐Ÿ’–๐Ÿ†

Limang parangal. Isang nagkakaisang barangay. Isang layunin ang patuloy na paghahatid ng mahusay, tapat na serbisyo para sa ating buong kabarangay.

Ang mga pagkilalang ito ay bunga ng sipag, dedikasyon, pagtutulungan at malasakit ng buong Sangguniang Barangay, mga kawani ng Barangay Uwisan, at ng ating mga kabarangay na patuloy na nakikiisa sa bawat programa at gawain ng ating pamahalaang barangay.

Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Barangay Catalina P. Aldabe, buong puso nating tinatanggap ang mga parangal na ito bilang inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating mga programa at responsibilidad para sa kapakanan ng buong pamayanan.

Bilang inyong Ina sa Barangay, ito po ang aming ipinangako sa inyo ang ilaan ang aming puso, oras, lakas at kakayahan para sa ikabubuti ng bawat pamilya at ng ating barangay. Kaya naman, patuloy naming ginagawa ang lahat ng aming makakaya upang maibigay ang serbisyong nararapat at mapanatili ang tiwala na ipinagkaloob ninyo sa amin. ๐Ÿ’™

๐Ÿ† HIGHLY FUNCTIONAL
โ€ข Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)
โ€ข Barangay Peace and Order Committee (BPOC)

๐Ÿ† IDEALLY FUNCTIONAL
โ€ข Barangay Development Council (BDC)
โ€ข Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)
โ€ข Barangay Violence Against Women Desk (VAW Desk)

Taos-puso ang aming pasasalamat sa DILG City of Calamba, sa pangunguna ng ating mahusay na CLGOO Ms. Jennifer S. Quirante, at sa ating minamahal na Mayor Roseller H. Rizal, para sa mga parangal na ipinagkaloob sa Barangay Uwisan bilang resulta ng isinagawang 2026 Factuality Audit of Barangay-Based Institutions (BBIs). ๐Ÿ™

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang simbolo ng ating mga nagawa, ito ay paalala na ang bawat pagsisikap ay may bunga kapag pinagtutulungan ng buong kabarangayโ˜๏ธ

๐Ÿซก
๐Ÿ’–

MadaLINA ang Serbisyo para sa ating mga Kabarangay! Patuloy nating inilalapit ang mahahalagang serbisyo sa ating mga kab...
12/08/2026

MadaLINA ang Serbisyo para sa ating mga Kabarangay!

Patuloy nating inilalapit ang mahahalagang serbisyo sa ating mga kabarangay! ๐Ÿ“๐Ÿ†”

๐Ÿ“Œ SECOND BATCH
๐Ÿ“ Mobile Birth Registration (BRAP 2026)
๐Ÿ—“๏ธ August 13, 2026 Bukas na!

๐Ÿ†” National ID Registration
๐Ÿ—“๏ธ August 19, 2026
๐Ÿ‘ฅ First 50 applicants only

๐Ÿ“ Barangay Uwisan Covered Court
โฐ 8:00 AM onwards

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating gawing mas madali at accessible ang serbisyo para sa ating mga kabarangay. ๐Ÿ’—

Serbisyong MadaLINA: HANDA SA BAWAT ORAS, NAKAANTABAY PARA SA KALIGTASAN NG KABARANGAY! ๐Ÿšจ๐Ÿ›ก๏ธNitong nagdaang bagyo, sa git...
11/08/2026

Serbisyong MadaLINA: HANDA SA BAWAT ORAS, NAKAANTABAY PARA SA KALIGTASAN NG KABARANGAY! ๐Ÿšจ๐Ÿ›ก๏ธ

Nitong nagdaang bagyo, sa gitna ng malalakas na ulan at hangin, nakaantabay ang ating BPSO at BQRT! ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ›ก๏ธ

Hindi man natin mapigilan ang bagyo, maaari tayong maging handa sa bawat hamon na dala nito. Kaya naman, sa oras ng emergency, mabilis na aksyon ang ating maaasahan mula sa ating Barangay Quick Response Team (BQRT).

Ang kanilang kahandaan ay bunga ng tamang kaalaman, training at patuloy na paghahanda dahil ang mahusay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa bilis ng pag-aksyon, kundi sa kahandaang tumugon kapag higit na kailangan. ๐Ÿ’ช

๐Ÿ’š Kaalaman para sa tamang aksyon.
๐Ÿ›ก๏ธ Kahandaan para sa kaligtasan.
๐Ÿšจ Serbisyong laging nakaantabay.

Ito ang ating Serbisyong Pangkaalaman at Pangkaligtasan dahil sa United Uwisan, bawat segundo ay mahalaga kapag kaligtasan ang usapan. ๐Ÿค๐Ÿ’š







FROM BEFORE TO BETTER! | BARANGAY UWISAN AMBULANCENgayong Second Quarter ng taong 2026, naayos, napaganda at nairehistro...
11/08/2026

FROM BEFORE TO BETTER! | BARANGAY UWISAN AMBULANCE

Ngayong Second Quarter ng taong 2026, naayos, napaganda at nairehistro na ang ating Barangay Ambulance! ๐Ÿ™โค๏ธ

Hindi lang ito simpleng sasakyan ito ay serbisyong handa para sa kaligtasan at pangangailangan ng bawat Uwiseรฑo. ๐Ÿš‘

Aayusin natin ang mga nadatnan nating kailangang ayusin. Unti-unti nating pag-iibayuhin ang ating sistema at serbisyo para sa lahat. ๐Ÿ’ช

Tuloy-tuloy ang Serbisyong MadaLINA, kasama ang buong Sangguniang Barangay! ๐Ÿ’—

๐Ÿ“ข MAS PINALAWAK NA SERBISYO PARA SA ATING MGA KABARANGAY: Mobile Birth Registration (BRAP 2026) at National ID Registrat...
06/08/2026

๐Ÿ“ข MAS PINALAWAK NA SERBISYO PARA SA ATING MGA KABARANGAY: Mobile Birth Registration (BRAP 2026) at National ID Registration

Walang maiiwan sa serbisyong may malasakit. Sama-sama nating tiyakin na bawat kabarangay ay may legal na pagkakakilanlan at pantay na pagkakataong makamit ang mga benepisyo ng pamahalaan.

Bilang inyong Ina ng Barangay, kasama ang buong Sangguniang Barangay, patuloy naming inilalapit sa inyo ang mahahalagang serbisyo para maging mas madali, mas mabilis at mas accessible para sa bawat pamilya ng ating kabarangay, Layunin naming matulungan ang ating mga kabarangay na magkaroon ng Birth Certificate at National ID, bilang mahalagang susi sa pag-access ng ibaโ€™t ibang programa at serbisyong pampamahalaan.

Dahil sa suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at ng klase sa lahat ng antas ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa anunsyo ng Malacaรฑang bunsod ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, ipinagpaliban ang nakatakdang Mobile Birth Registration (BRAP 2026) sa ating Barangay Uwisan.

Narito ang bagong iskedyul ng ating serbisyo:

Mobile Birth Registration (BRAP 2026)
๐Ÿ—“๏ธ Agosto 10 at 13, 2026
๐Ÿ“ Barangay Uwisan Covered Court
โฐ 9:00 AM onwards

๐Ÿ†” National ID Registration
๐Ÿ—“๏ธ Agosto 10, 2026 lamang
๐Ÿ“ Barangay Uwisan Covered Court
โฐ 9:00 AM onwards

โœจ Mas pinalawak ang ating serbisyo para sa ating mga kabarangay!

๐Ÿ“Œ Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kabarangay na:
โœ… Wala pang Birth Certificate o hindi pa rehistrado ang kanilang kapanganakan
โœ… Wala pang National ID

Huwag palampasin ang pagkakataong ito!

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Inaasahan namin ang inyong pakikiisa sa Agosto 10 at 13, 2026.

๐Ÿ“ข PAALALA | MOBILE BIRTH REGISTRATION (BRAP 2026)Ang City Civil Registry Office ng Calamba, sa pakikipagtulungan ng Phil...
03/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA | MOBILE BIRTH REGISTRATION (BRAP 2026)

Ang City Civil Registry Office ng Calamba, sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay magsasagawa ng Mobile Birth Registration sa Barangay Uwisan sa Agosto 6 at 13, 2026 sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) 2026.

๐Ÿ“Œ Inaanyayahan ang mga residente na walang rehistradong kapanganakan (Birth Certificate) o hindi pa nairehistro sa Local Civil Registry na makiisa sa programang ito upang magkaroon ng legal na pagkakakilanlan.

๐Ÿ“ข Open po ang Mobile Birth Registration sa lahat ng ating mga kabarangay sa Barangay Uwisan na wala pang Birth Certificate o hindi pa rehistrado ang kanilang kapanganakan. Huwag pong palampasin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng legal na pagkakakilanlan.

๐Ÿ“‹ Batay sa datos ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), may mga residente ng ating barangay na wala pang rehistrong kapanganakan. Hinihikayat po namin ang mga nasa listahan at iba pang may kaparehong sitwasyon na makipag-ugnayan sa Barangay Uwisan upang magabayan sa proseso ng pagpaparehistro.

Petsa ng Mobile Registration:
๐Ÿ—“๏ธ Agosto 6 at 13, 2026
๐Ÿ“Barangay Uwisan Covered Court
โฐ9:00 am on wards

Para sa karagdagang impormasyon at mga kinakailangang dokumento, magtungo lamang sa Barangay Hall ng Uwisan.

31/07/2026

๐Ÿ’š๐Ÿ•บ ZUMBA FRIDAY NA SA UNITED UWISAN!๐Ÿ•บ๐Ÿ’–

Ngayong 5:00 PM, tara na sa Barangay Uwisan Covered Court at sabay-sabay tayong sumayaw, magpawis at maging mas malakas! ๐Ÿ’ชโœจ

๐Ÿ‘• Dress Code: Tie-Dye

Kita-kits mamaya, mga ka-Uwisan! ๐Ÿ’ƒ๐ŸŽถ


๐Ÿ’–
๐Ÿซก

Address

Barangay Uwisan
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when United Uwisan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share