SiKlab Palo-Alto

Directions

SiKlab Palo-Alto SIKLAB: Samahan ng Inklusibong Kabataan para sa Liderato, Aksyon, at Bagong Bukas

💼 NAGAGANAP NGAYON | JOB FAIR 2026📍 Palo Alto Barangay Hall📅 Hulyo 16, 2026Nagaganap ngayong araw ang 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa P...
16/07/2026

💼 NAGAGANAP NGAYON | JOB FAIR 2026

📍 Palo Alto Barangay Hall
📅 Hulyo 16, 2026

Nagaganap ngayong araw ang 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa Palo Alto Barangay Hall, na dinaluhan ng iba't ibang kumpanya at employer na nag-aalok ng mga oportunidad sa trabaho.

Bilang suporta sa programa, nagboboluntaryo ang SIKLAB upang tumulong sa daloy ng aktibidad at makiisa sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ating komunidad.

🩷🔥

🍲 FEEDING PROGRAM 🍲Noong Hulyo 5, 2026, nagsagawa ang SIKLAB ng 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 sa Kalye Onse, bilang bahagi ng patuloy ...
15/07/2026

🍲 FEEDING PROGRAM 🍲

Noong Hulyo 5, 2026, nagsagawa ang SIKLAB ng 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 sa Kalye Onse, bilang bahagi ng patuloy nitong layunin na makapagbigay ng malasakit at suporta sa komunidad.

Sa pamamagitan ng inisyatiba na ito, nakapagbahagi ang SIKLAB ng kabuuang 90 cups ng sopas sa mga kabataan ng Kalye Onse, na nagsilbing munting handog ng pag-aaruga at pagkakaisa.

🩷🔥

📢 JOB FAIR | Hulyo 16, 2026Naghahanap ka ba ng trabaho? Baka ito na ang pagkakataon mo!Inaanyayahan ang lahat na dumalo ...
15/07/2026

📢 JOB FAIR | Hulyo 16, 2026

Naghahanap ka ba ng trabaho? Baka ito na ang pagkakataon mo!

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Job Fair na gaganapin sa Palo Alto Barangay Hall sa Hulyo 16, 2026 (Huwebes), simula 8:00 AM.

Mga dapat dalhin:
📄 Updated Résumé
🪪 Valid ID
🖊️ Ballpen

Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng bagong oportunidad!

Calamba City Iipeso
Calambagong Trabaho

JOB FAIR 2026!

Date: JULY 16, 2026 (THURSDAY)
Time: 8:00 AM ONWARDS
Venue: PALO ALTO BRGY. HALL (CALAMBA CITY, LAGUNA)

MGA KALAHOK NA KUMPANYA:

DIRECT HIRING:

• ACBEL POLYTECH PHILIPPINES, INC.
• ATLANTIC GRAINS INC.
• BENBY ENTERPRISES, INC.
• EPSON PRECISION (PHILIPPINES), INC.
• GRAND ALPHATECH INTERNATIONAL CORPORATION (GALINCO)
• LESLIE CORPORATION
• MEGA PACKAGING CORPORATION
• NYK TDG PHILIPPINES INC.
• PRU LIFE INSURANCE CORPORATION OF U.K. (PRU LIFE U.K.)
• PUREGOLD PRICE CLUB, INC.
• SPI CORPORATION
• SUNPACK CONTAINER AND PACKAGING CORP.

LOCAL MANPOWER AGENCIES:
• CEBU GENERAL SERVICES, INC.
• PKI MANUFACTURING AND TECHNOLOGY, INC. (PKIMT)
• ROMAC SERVICES & TRADING CO., INC.
• STAFF SEARCH ASIA SERVICE COOPERATIVE

Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magdala ng maraming kopya ng kanilang updated resume, ballpen at valid ID.





🤝 ENHANCED COMMUNITY IMMERSION PROGRAM 👮Sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, dumalo ang SIKLAB sa 𝐄𝐧𝐡𝐚𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢...
03/07/2026

🤝 ENHANCED COMMUNITY IMMERSION PROGRAM 👮

Sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, dumalo ang SIKLAB sa 𝐄𝐧𝐡𝐚𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 na may temang "Serbisyong Nagkakaisa: Palakasin ang Mapayapang Ugnayan ng Komunidad at Pulisya.” Ito ay ginanap sa Barangay Hall ng Palo Alto at pinangunahan ng Batch 2026-01 Bravo Company.

Higit pa sa isang seminar, naging makabuluhang pagkakataon ang programa upang mabigyan ang mga kalahok ng napapanahon at mahahalagang kaalaman sa iba't ibang usaping may kaugnayan sa kaligtasan, responsibilidad bilang mamamayan, paghahanda sa mga hindi inaasahang sitwasyon, at pagpapanatili ng isang mapayapa at ligtas na komunidad.

Bilang pagpapahalaga sa pakikiisa ng mga dumalo, nagbahagi rin ang Batch 2026-01 Bravo Company ng food packs bilang munting handog ng pasasalamat sa kanilang oras at pakikilahok.

🩷🔥

📌 KK ASSEMBLY & EDUCATIONAL ASSISTANCE 🏫Tunghayan ang pakikiisa ng SIKLAB sa 𝐊𝐊 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 at 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬...
03/07/2026

📌 KK ASSEMBLY & EDUCATIONAL ASSISTANCE 🏫

Tunghayan ang pakikiisa ng SIKLAB sa 𝐊𝐊 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 at 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞, ilan sa mga programang isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Palo Alto, na ginanap noong Hunyo 14, 2026, sa Palo Alto Barangay Hall.

Dinaluhan ito ng mga kabataan ng barangay upang makiisa sa pagpupulong at maging benepisyaryo ng educational assistance na naglalayong suportahan ang kanilang pag-aaral.

Bilang mga kalahok at boluntaryo, naging katuwang ang SIKLAB sa maayos na daloy ng programa at sa patuloy na pagsusulong ng aktibong pakikilahok at pag-unlad ng kabataan.

🩷🔥

🏀 Inter Tropa Championship 🏆Noong Hunyo 12, 2026, nakiisa ang SIKLAB sa ginanap na 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 sa Barangay ...
29/06/2026

🏀 Inter Tropa Championship 🏆

Noong Hunyo 12, 2026, nakiisa ang SIKLAB sa ginanap na 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 sa Barangay Hall ng Palo Alto, na inorganisa ng mga kabataan ng Purok 2.

Bilang pakikiisa sa programa, naging bahagi ang SIKLAB sa pagbibigay ng mga tropeo at medalya sa mga nagwaging koponan bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at sportsmanship.

🎉 Binabati namin ang mga nagwagi!

🥇 1st Place – TEAM MOKS
🥈 2nd Place – TEAM KERVIE
🥉 3rd Place – TEAM CHOLOY

🩷🔥

⚕️ LIBRENG X-RAY 🩺Noong Hunyo 10, 2026, nagboluntaryo ang SIKLAB sa 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐗-𝐑𝐚𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, isa sa mga programang pinangu...
29/06/2026

⚕️ LIBRENG X-RAY 🩺

Noong Hunyo 10, 2026, nagboluntaryo ang SIKLAB sa 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐗-𝐑𝐚𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, isa sa mga programang pinangunahan ni Kapitan Toto Unico, na ginanap sa Palo Alto Barangay Hall.

Dinaluhan ito ng maraming nakatatandang residente ng barangay upang mapagkalooban ng libreng serbisyong pangkalusugan, na naglalayong isulong ang maagang pagsusuri at pangangalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan.

🩷🔥

🌿 CLEAN-UP DRIVE 🧹Bilang suporta sa mga programang pangkomunidad, lumahok ang SIKLAB sa 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 noong Hunyo 6, 20...
29/06/2026

🌿 CLEAN-UP DRIVE 🧹

Bilang suporta sa mga programang pangkomunidad, lumahok ang SIKLAB sa 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 noong Hunyo 6, 2026, na ginanap sa Sitio Manggahan. Ito ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng Palo Alto, katuwang ang Barangay Palo Alto Children's Association.

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng kapaligiran, muling naipakita ng mga kabataan ang kahalagahan ng bayanihan, disiplina, at malasakit sa pagpapanatili ng isang malinis at maayos na komunidad.

🩷🔥

✂️ LIBRENG GUPIT | DAY 3 ✂️Noong Hunyo 6, 2026, nagtapos ang tatlong araw na 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐩𝐢𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 ng Sangguniang Barang...
28/06/2026

✂️ LIBRENG GUPIT | DAY 3 ✂️

Noong Hunyo 6, 2026, nagtapos ang tatlong araw na 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐩𝐢𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 ng Sangguniang Barangay ng Palo Alto sa paninirahan ni Konsehal Jovi Manguiat, kung saan muling nakilahok ang SIKLAB kasama ang iba pang mga boluntaryo.

Patuloy na ipinakita ng programa ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa ating komunidad.

🩷🔥

✂️ LIBRENG GUPIT AT TSINELAS | DAY 2 🩴Noong Hunyo 5, 2026, ipinagpatuloy ng Sangguniang Barangay ng Palo Alto ang 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧...
28/06/2026

✂️ LIBRENG GUPIT AT TSINELAS | DAY 2 🩴

Noong Hunyo 5, 2026, ipinagpatuloy ng Sangguniang Barangay ng Palo Alto ang 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐩𝐢𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 sa tahanan ni Konsehal Nicca Hernandez, sa Sitio Manggahan, at Palm Hill Subdivision, kung saan naglaan din ng oras ang SIKLAB upang tumulong sa programa.

Bukod sa libreng gupit, namahagi rin ng libreng tsinelas ang Sangguniang Barangay sa mga kabataan ng Sitio Bubugan, bilang karagdagang suporta at serbisyo para sa komunidad.

🩷🔥

Address

Palo Alto, Calamba City, Laguna
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SiKlab Palo-Alto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share