28/10/2023
Makasaysayang sampung araw ng malaya at payapang kampanyahan! 🫰💙💙💙
Maituturing na isang makabuluhang paglalakbay ang nakalipas na sampung araw. Marami tayong nakadaumpalad, naakap, nakamayan, nakilala at nakasama. Malaya nating naipahayag ang ating pagnanais na maging bahagi ng mas progresibong Barangay Lingga. Payapa nating naisagawa ang ating mga layunin ng buong puso at walang pag-aalinlangan. 🥰
Marami rin tayong natutunan sa bawat isa; sa aking mga kasamahan sa labang ito, maraming salamat sainyong sakripisyo, pang-unawa at pagmamahal sa mga kabataan ng ating Barangay! Ang pamilyang ating nabuo ay hindi natatapos sa puntong ito. Magpapatuloy ang ating hangarin anuman ang mangyari. 💙🫰
Sa mga KABATAAN na labis ang suporta at pakikipagtulungan na muling buhayin ang ating katipunan, MARAMING SALAMAT PO SAINYONG PAGTITIWALA AT PAGMAMAHAL. 💙💙💙
Ang laban pong ito ay para sa lahat ng KABATAAN ng Barangay Lingga na naniniwalang sa pamamagitan ng agarang AKSYON at nag-aalab na DEDIKASYON sa paglilingkod, muling sisilip ang nakakubling PAG-ASA sa ating mga KABATAAN.
INAASAHAN PO NAMIN ANG INYONG LAKAS AT WALANG HUMPAY NINYONG PAGSUPORTA. Hanggang sa dulo. 💙💛❤🫰🙏🙏🙏