04/06/2026
🌈✨ Barangay Lecheria Pride Month 2026 ✨🌈
Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang natin ang Pride Month—isang panahon ng pagkilala, paggalang, at pagmamahal para sa lahat.
Sa temang “For All of Us”, ipinapahayag ng Barangay Lecheria ang ating paninindigan para sa pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at inklusibong komunidad. Ang Pride ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa ating lahat—dahil ang bawat isa ay may karapatang magmahal, maging totoo sa sarili, at mamuhay nang may dignidad. 💖
🤝 Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga aktibidad ngayong darating na June 21, 2026 upang ipakita ang ating suporta sa LGBTQI+ community at sa adhikain ng mas makatarungan at mas mapagmahal na lipunan.
📌 Barangay Lecheria – Sama-sama, Para sa Lahat.