Hapag Kainan

Directions

Hapag Kainan Itinataguyod ang kulturang nagdadamayan. Sa pagtutuwangan at pagkakaisa, malalagpasan din natin ang dagok na dala ng pandemya.

Ang programang Hapag Kainan ay pinangunahan ng mga Lingkod Bayan Bokal Christian Nino Lajara at San Pablo Konsehala Karla Adajar-Lajara katuwang ang mga Sangguniang Kabataan (SK) at mga lokal na opisyales ng barangay. Noong 2020, nakapaghatid ang Hapag Kainan ng 70,000 mangkok ng goto sa mga naapektuhan ng mga kalamidad at mga mamamayang higit na dumaranas ng hirap. Ngayong 2021, layunin ng Hapag Kainan na makapaghatid pa sa 100,000 na kabataan at mamamayan ng tulong na may ngiti at pag-asa.

24/09/2026
05/06/2026
24/03/2026

March 23,2026 | MINORITY BLOC

Karangalan ko pong maging bahagi ng Minority Bloc, isang paninindigan para sa mas matibay na talakayan at mas makabuluhang paglilingkod sa bawat Lagunense.

18/01/2026

Bilang isang babae, hindi po ako pumapayag na bastusin ng kahit na sino. Bilang isang lingkod-bayan, mandato ko ring pangalagaan at ipagtanggol ang dangal ng kababaihan.

Ang pagtawag ko po ng salitang “pangit” sa Mayor ng Calauan na si Mayor Rosslier Caratihan ay malinaw na reaksyon lamang sa pangit na asal at ginawa niya sa social media, kung saan tinawag niya kaming “bastos”—ang opisina ng Mahal na Gobernador Sol Aragones at ang inyong lingkod—na kapwa tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Ang isinagawang inspeksyon ay mandato ng opisina ng ating Mahal na Gobernador upang alamin ang tunay na dahilan ng pagbaha at makapaglatag ng agarang solusyon. Hindi po sapat na isisi sa kakulangan ng koordinasyon ang usaping ito, sapagkat malinaw na ipinapatawag ng Gobernador ang lahat ng alkalde upang talakayin at tugunan ang mga problema sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa huli, ang ginawang pag-atake at pananalita ng Mayor ng Calauan sa social media ay hindi lamang nagbubukas ng maraming katanungan, kundi nag-iiwan din ng masamang halimbawa at pangmatagalang bakas sa isipan ng kabataang nakakasaksi nito.

Bilang isang babae, hinding-hindi po ako papayag na bastusin ako, at lalong hindi ako papayag na bastusin ang sinumang babae—kanino man at saan man.

Address

Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hapag Kainan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share