06/07/2026
๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
"Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."
Nakiisa at buong pusong sumusuporta ang Sangguniang Barangay Lawa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026.
Nakibahagi ang ating barangay sa Opening Program ng Nutrition Month, bilang pagpapakita ng ating pagkakaisa at patuloy na pagsuporta sa pagsusulong ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at malusog na pamumuhay para sa bawat pamilya sa ating komunidad.
Pinangunahan ng ating minamahal na Punong Barangay, Hon. Emmanuel "Paco" Nido, kasama ang buong Sangguniang Barangay, ang paglalagay ng opisyal na Nutrition Month 2026 tarpaulin bilang simbolo ng ating pakikiisa sa taunang pagdiriwang. Kasama rin sa aktibidad ang Barangay Nutrition Scholars (BNS) at iba pang katuwang sa programang pangkalusugan.
Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa isang mas malusog, mas masigla, at mas matatag na Barangay Lawa.