24/12/2025
“Ngiti ng Pasko, Handog sa Pamilyang Calambeño”
A Gift-giving Project of APEX CLUB OF CALAMBA
Ngayong Disyembre 23, matagumpay na isinagawa ng APEX CLUB OF CALAMBA sa pangunguna ni Pres Maricel Palma Lubag ang gift-giving activity na pinamagatang “Ngiti ng Pasko, Handog sa Pamilyang Calambeño”. Isang makabuluhang pagtitipon na puno ng saya, malasakit, at tunay na diwa ng Kapaskuhan.
Layunin ng proyektong ito ng APEX CLUB OF CALAMBA na maghatid ng kaunting regalo at pag-asa sa mga pamilyang Calambeño, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Sa bawat regalong aming ipinamahagi, dala namin ang mensahe na sila ay hindi nakakalimutan at may mga pusong handang magbahagi, lalo na sa panahong ito ng Pasko.
Mas lalo pang naging espesyal ang aktibidad nang handugan ng mga miyembro ng APEX CLUB OF CALAMBA ang mga benepisyaryo ng ilang Christmas songs. Kasabay ng musika ang mga ngiti, tawanan, at masasayang kwento—mga sandaling nagpapaalala na ang Pasko ay panahon ng pagkakaisa at pagmamahalan.
Ang NGITI NG PASKO ay hindi lamang simpleng pamimigay ng regalo, kundi isang simbolo ng malasakit, bayanihan, at pag-asa. Sa munting paraan, nawa’y nakapaghatid ang APEX CLUB OF CALAMBA ng liwanag at kasiyahan sa mga pamilyang aming napagsilbihan ngayong Kapaskuhan.
Maraming salamat sa lahat ng miyembro at volunteers na naging bahagi ng proyektong ito. Patuloy tayong magbahagi—dahil sa bawat ngiti, may kasamang pag-asa. 🎄✨