Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Calamba City, Laguna

Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Calamba City, Laguna This page is created for Cardinal Village residents. Announcements and other informations with regar

Following the successful Homeowners Association election held on April 18, 2026, we extend our heartfelt thanks to all h...
18/04/2026

Following the successful Homeowners Association election held on April 18, 2026, we extend our heartfelt thanks to all homeowners for your participation and support. Your involvement plays a vital role in building a stronger and more united community.

We would also like to express our sincere appreciation to the Electoral Committee, to Chairwoman Adora Erasga and Electoral Committee members Angel Logo Domingo and John Howell Marcelino for their dedication, hard work, and commitment in ensuring a fair, orderly, and successful election.

To our new leaders, may you serve with integrity, transparency, and dedication as we move forward together toward a better CVHAI.

Thank you once again to everyone who made this possible! ๐Ÿ’™

Mapagpalang araw po sa ating lahat.๐Ÿ™Nais pong ipabatid ng pamunuan ng Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Cala...
09/04/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat.๐Ÿ™

Nais pong ipabatid ng pamunuan ng Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Calamba City, Laguna na ang botohan po ng mga bagong officers ay gaganapin sa APRIL 18,2026 mula 8am hanggang 3pm sa Cardinal Covered Court..

Inaanyayahan po natin ang isang miyembro ng bawat bahay na bumoto.. Maging matalino po tayo sa pag boto.. Bumoto po ng tama..

Maraming Salamat po.. ๐Ÿ’š

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™Kahit po Biyernes Santo ay hindi po tumitigil ang ating Presidente "Mr.Action Man"...
03/04/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™

Kahit po Biyernes Santo ay hindi po tumitigil ang ating Presidente "Mr.Action Man" JR Bravo na kausapin ang mga nagmamay ari ng mga sasakyan na nakaparada sa main road ng ating village.

Maraming Salamat po sa pakikiisa sa ikakaayos ng daloy ng trapiko sa ating lugar.. Nakikiusap din po ang pamunuan sa mga nagmamay ari ng mga sasakyan na iparada ng ayos ang ating mga sasakyan..

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™Ngayong araw po ay naging matagumpay po ang ginanap na General Assembly ng Cardina...
21/03/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™
Ngayong araw po ay naging matagumpay po ang ginanap na General Assembly ng Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Calamba City, Laguna sa Pangunguna ng ating Presidente "Mr.Action Man" JR Bravo ..

Napagusapan po ang gaganapin na election sa April 18,2026 mula 8am to 3pm ..
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng cardinal village na makilahok ang isang miyembro ng bawat bahay sa gaganaping eleksyon..

Nagpapasalamat po ang buong CVHAI sa ating Mahal na Mayor Ross Rizal sa mga food packs at mga pa premyong inyo pong ibinigay at sa buong puso na suporta.๐Ÿ’™โœŒ

Nagpapasalamat din po tayo sa mga nagbigay ng mga paraffle at sa suporta..

Gob.Sol Aragones
Vice Mayor Totie Lazaro
Kon.Rajay Lajara
Kon. Jojo Catindig
Kon. Pio Dimapilis
Kon. Gerard Teruel
Kon. Leeanne Pecho Aldabe
Kon. Carlo Lazaro

Nagpapasalamat din po tayo sa lahat ng Officers sa pagaasikaso at pagtulong upang maging matagumpay ang General Assembly. . Maraming Salamat po.. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™Sa pangunguna po ng ating Presidente "Mr.Action Man" Jr. JR Bravo ay nagpapasalama...
28/02/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™

Sa pangunguna po ng ating Presidente "Mr.Action Man" Jr. JR Bravo ay nagpapasalamat tayo sa pagdalo nina UHAC BOD Mr.Flor Enciso at Mr.Ariel Tortie sa ating matagumpay na pagpupulong na ginanap sa bahay ni Pres. Jr. Bravo.

Nais rin pong ipabatid ng Pamunuan ng CVHAI na sa darating na March 21,2026 ay magkakaroon tayo ng General Assembly at inaanyayahan po ang lahat na dumalo..

Maraming Salamat po.. ๐Ÿ’š๐Ÿ‘Œ

Nagpapasalamat po ang pamunuan ng CVHAI sa pangunguna ng ating Presidente "Mr.Action Man"  JR Bravo sa ating Kapitan JP ...
08/02/2026

Nagpapasalamat po ang pamunuan ng CVHAI sa pangunguna ng ating Presidente "Mr.Action Man" JR Bravo sa ating Kapitan JP Dumalaon sa pagbibigay ng solar street light sa isang madilim na bahagi ng cardinal village.. ๐Ÿซก๐Ÿซก๐Ÿซก

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™Bilang Head ng UHAC Cluster 5, ang ating Presidente "Mr.Action Man" Jr Bravo kasam...
08/02/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. ๐Ÿ™

Bilang Head ng UHAC Cluster 5, ang ating Presidente "Mr.Action Man" Jr Bravo kasama ang ating BOD Nestor Esguerra ay pinatawag lahat ng Presidente ng HOA sa buong Sampiruhan at nakipag meeting sa ating Kapitan JP Dumalaon at Konsehal Wilmer Seรฑerez upang mapag usapan ang bawat concern lalo na sa Peace and Order at Cleanliness sa buong Sampiruhan.

Kapag nagkakaisa, sama-sama at may pagtutulungan ang bawat isa ay magkakaroon ng magandang resulta para sa kaayusan, katahimikan, kapayapaan at malinis na pamayanan.

Nagpapasalamat po tayo sa mga Presidente ng mga HOA.

Doรฑa Petra - Pres.Ronald Lastristica
Family Village - Pres. Fortunato Calara Jr.
Doรฑa Regina Ph3 - Pres. Jocelyn Banlalay
Lazaro Compound - Pres. Lucas Mercado
Doรฑa Regina Ph1 - Pres. Sally Alca

Nagpapasalamat po tayo palagi sa ating Mayor Ross Rizal sa pagsuporta palagi sa ating mga proyekto..

Mapagpalang araw sa ating lahat. ๐Ÿ™Ang pamunuan ng CVHAI ay nagsagawa ng clean up drive sa paligid ng covered court sa pa...
07/12/2025

Mapagpalang araw sa ating lahat. ๐Ÿ™

Ang pamunuan ng CVHAI ay nagsagawa ng clean up drive sa paligid ng covered court sa pangunguna ng ating Presidente "Mr.Action Man" JR Bravo .

Nagpapasalamat po tayo sa mga nakiisa sa paglilinis, kay BOD Nestor Esguerra, Peace and order Nordie Franciso, Auditor Mariel Dumpay at sa asawa po ni Peace and Order Jhay Nevalga Mam Nova.

Maraming Salamat din po sa Presidente ng Family Village Pres. Fortunato Calara Jr. Sa pagpapahiram ng grass cutter.

Sana po mapanatili natin ang kalinisan dito sa ating covered court dahil dito po isinasagawa ang mga event sa ating barangay. At umaasa po tayo sa buong sanggunian at kabataan na naglalaro na magkaroon ng disiplina ang bawat isa, at pag tulungan na gawing malinis ang court kahit walang event na gagamit ng court.

Kahit po wala tayong sapat na pondo at Monthly dues ay naisasakatuparan natin ang pagiging malinis ng ating covered court basta sama sama at tulong tulong tayong lahat.

Muli Maraming Salamat po..

Mapagpalang araw po sa ating lahat.. Sa pangunguna po ng ating Presidente "Mr.Action Man" JR Bravo  nagpapintura po tayo...
12/10/2025

Mapagpalang araw po sa ating lahat..
Sa pangunguna po ng ating Presidente
"Mr.Action Man" JR Bravo nagpapintura po tayo ng ating mga street signages upang maging malinaw o madaling makita ang mga lugar na pupuntahan lalo na po ng ating mga bisita. Alagaan po natin sana ito.

Maraming salamat po Mayor Ross Rizal sa walang sawang suporta sa CVHAI.

๐Ÿ’™โœŒ

Mapagpalang araw po sa ating lahat.๐Ÿ™Nagkaroon po ng pagpupulong ang pamunuan ng CVHAI, mga miyembro ng TODA ng St. Cathe...
04/08/2025

Mapagpalang araw po sa ating lahat.๐Ÿ™

Nagkaroon po ng pagpupulong ang pamunuan ng CVHAI, mga miyembro ng TODA ng St. Catherine at Manggahan sa may Lanzanas compound at ang Sanggunian Brgy ng Sampiruhan sa pangunguna ng ating Kapitan JP Dumalaon kasama sina Kon. Michael Badosa at Kon. Joseph Bagtas na ginanap sa sampiruhan multi purpose bldg.

Pinag usapan ang board resolution ng CVHAI na naglalayong pagsamahin na lang ang TODA ng St.Catherine at Manggahan sapagkat marami nang reklamo sa Toda ng manggahan tungkol sa pagiging illegal parking , dahil nakakasagabal na sila sa kalsada .

Nakiusap ang pamunuan ng CVHAI sa pangunguna ni Mr.Action Man Pres. JR Bravo at si Kap. JP Dumalon sa Namumuno ng TODA sa manggahan na kung maari ay magsama-sama na lang upang maging maayos ang nasabing reklamo at problema ngunit hindi pumayag ang TODA ng manggahan bagkus iginiit nila na sila ang nauna magtayo ng TODA .

Pinaliwanag sa kanila ni Kap. JP Dumalaon na kung sakali dumating ang mga POSO upang mag clearing ay wala na siyang magagawa dahil ilang beses niyang kinumbising lumipat o magsama na ang dalawang nasabing TODA.

Ang hangad lang ng pamunuan ng CVHAI ay maaksyunan ang mga reklamo at maging maayos ang mga pasahero.

Address

Cardinal Village, Sampiruhan
Calamba
4027

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cardinal Village Homeowners Association Inc.- Calamba City, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share