22/02/2026
. Banlic Senior Citizen Association Inc
Second Floor Bgy. Hall Annex Bldg Banlic Calamba City
Mga Tuntunin at Patakaran.
A. Sino ang pwedeng sumali?
a. Mga nakakatanda o senior citizen, 60 taong gulang o higit pa na naninirahan sa Bgy Banlic Calamba City.
B. Paano ang pagsali?
Punan lamang ang membership form na ipagkakaloob sa inyo na magpapatunay ng inyong pagnanais na sumali sa grupo at ganap na pagpapasailalim ng sarili sa mga patakaran at tuntunin na ipinatutupad ng samahan.
C. Obligasyong financial ng mga kasapi sa samahan:
a. Pagbabayad ng buwanang butaw na P80 bawat buwan o P960 bawat taon.
1. P30 bawat buwan o P360 taon-taon para sa mga gugulin sa pangangasiwa ng samahan, serbisyo ng mga nanunungkulan at pangangailangan sa tanggapan.
2. P50 bawat buwan o P600 bawat taon tangi para lamang sa hospitalization ng mga macoconfined na mga miembro at burial ng mga papanaw.
D. Mga benepisyo:
a. Ang mga benepisyo ay nakasalig lamang sa bilang ng mga buwanang kontribusyon na nabayaran ng miyembro sa loob ng magkakasunod na 36 na buwan ng benepisyo ( huling 2 taong nakaraan (2024/2025) at kasalukuyan (2026)
b. Tulong pinansyal na ₱8000 isang beses bawat taon sa mga miembrong kumpletong nakabayad ng 36 na buwang kontribusyon sa panahon ng confinement at P222 naman bawat buwan mula Isa hanggang ika 35 sa mga hindi nakakumpleto. Magsumite lamang po ng medical abstract o hospital billing ang mga may kahilingang tulong bilang katunayan ng pagkakonconfined sa ospital.
c. Tulong pinansyal na ₱16,000 sa pagpapalibing sa pamilya ng miembrong kumpletong nakabayad ng 36 na buwanang kontribusyon sa panahon ng pagpanaw at P444 bawat buwan mula Isa hanggang ika-35 para sa mga hindi nakakumpleto.
d. Kung ang hospital confinement at pagpanaw ay maganap sa nilolooban ng Isang buwan, ang naipagkaloob na benepisyo sa hospitalization ay babawasin sa benepisyo ng burial.
e. Mga kuntribusyon na nabayaran lamang Isang buwan bago maconfined o pumanaw ang makakasama sa pagtutuos ng benepisyo.
Hindi tinatanggap ang alinmang bayarin na iuukol sa nagdaang mga taon, magbayad lamang ng para sa kasalukuyan at susunod pang mga buwan ng taon.
Maaaring magdagdag ng benepisyo taon- taon batay sa inilalago ng pondo ng samahan.
Kung sanhi sa giyera, pandemya o kalamidad na marami ang magkakasakjt at papanaw ay maubos ang pondo, wala tayong magiging pagbebenepisyo hanggang hindi nagnonormal ang kalagayan at nakapagpopondo tayo ng panibago. Walang pondo wala rin namang benepisyo.
Ang buwanang pagbabayad ay hindi sapilitan, magbayad lamang ng makakayanan para sa mga buwan ng taong kasalukuyan (2026) upang itambal sa bilang ng mga buwang nabayaran noong huling 2 taong nagdaan (2024 at 2025 )
Lahat na mga nabayarang butaw sa nasasakop ng bawat umiiral na 36 na buwan ng benepisyo matapos bawasin ang operational expenses fees at mga naibahaging ambag sa hospitalization at burial ay ibabalik sa kanginomang miembro na papanaw, matitiwalag o magreresign sa samahan,
1. Anuman ang inyong mga katanungan,puna o mungkahi, mangyari po lamang na magtext o tumawag sa numero ng cellphone 0916 279 4754
Table of Benefits
A. Number of paid months
B. Amount Paid
C. Hospitalization Assistance
D. Burial Assistance
A. B. .. C............D
1 month. P80. ₱222. ₱444
2 months. P160. P444. ₱888
3 months. P240. P667. ₱1334
4 months. P320 P889. ₱1778
5 months. P400 P1111. ₱2222
6 months P480. P1333. ₱2666
7 months P560. P1556. ₱3112
8 months P640. ₱1777. ₱3556
9 months .P720 P2000. ₱4000
10 months. P800 P2222. ₱4444
11 months. . P880 P2444. P4888
12 months. P960 P2667. P5334
13 months. .P1040. P2889. ₱5778
14 months. P1120 P3111. ₱6222
15 months P1200. P3333. ₱6666
16 months. P1280. P3556. ₱7112
17 months. .P1360 P3778. ₱7556
18 months. P1440 P4000. ₱8000
19 months. P1520 P4222. ₱8444
20 months P1600. P4444. ₱8888
21 months. P1680. P4667. ₱9334
22. months P1760. ₱4889. ₱9778
23 months. ₱1840 P5111. ₱10222
24 months. .P1920 ₱5333. ₱10666
25 months. .P2000. . P5556. P11112
26 months. P2080. P5778. ₱11556
27 months P2160 P6000. ₱12000
28 months P2240. P6222. ₱12444
29 months P2320 .P6444. ₱12888
30 months P2400. .₱6667. ₱13334
31 months. .P2480 P6889. ₱13778
32 months .P2560 P7111. ₱14222
33 months. .P2640 P7333. ₱14666
34 months. P2720 P7556. ₱15112
35 months. P2800 P7778. ₱15556
36 months. P2880 ₱8000. ₱16000
Note: Ang inyong benepisyo sa hospitalization at burial ay base lamang sa bilang ng mga buwang nabayaran sa loob ng 2 huling kalilipas (2024/2025)) at kasalukuyang (2026) mga taon (36 na buwan) ng benepisyo Isang buwan bago naconfined o pumanaw.