Calaca City ERPAT Federation

Directions

Calaca City ERPAT Federation Samahan ng mga Matatag na Ama sa Lungsod ng Calaca

๐ŸŒฟ ERPAT, KABALIKAT SA PAGBANGON NG PAMAYANAN! ๐ŸคSa kabila ng pinsalang iniwan ng bagyo, ipinakita ng mga miyembro ng Empo...
11/08/2026

๐ŸŒฟ ERPAT, KABALIKAT SA PAGBANGON NG PAMAYANAN! ๐Ÿค

Sa kabila ng pinsalang iniwan ng bagyo, ipinakita ng mga miyembro ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) ang diwa ng bayanihan, malasakit, at boluntaryong paglilingkod sa pamamagitan ng pakikiisa sa paglilinis ng kanilang barangay.

Sama-sama nilang nilinis ang mga kalsada at paligid na naapektuhan ng bagyo bilang ambag sa agarang pagbangon at pagpapanumbalik ng kalinisan at kaayusan ng komunidad.

Ang kanilang inisyatiba ay patunay na ang mga ERPAT ay hindi lamang aktibong katuwang sa kanilang pamilya, kundi maging responsableng ama at maaasahang katuwang sa pagpapaunlad at pagbangon ng pamayanan.



Ang ilang miyembro ng ERPAT ng Sitio Pusao, Barangay Tamayo ay nagsagawa ng pagkukumpuni ng nasirang waiting shed bilang...
03/08/2026

Ang ilang miyembro ng ERPAT ng Sitio Pusao, Barangay Tamayo ay nagsagawa ng pagkukumpuni ng nasirang waiting shed bilang bahagi ng kanilang boluntaryong paglilingkod sa komunidad. Ipinakita nila ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit upang mapanatiling ligtas at maayos ang pasilidad na ginagamit ng mga residente.

Sama-samang pagkilos para sa mas maunlad at mas maayos na pamayanan. ๐Ÿ’™๐Ÿ’ช



Pakikiisa ng mga kasapi ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) sa pagpapanatili ng kalinisan, ka...
24/07/2026

Pakikiisa ng mga kasapi ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kahusayan sa kani-kanilang mga barangay. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at boluntaryong paglilingkod, patuloy nilang isinusulong ang responsableng pagkamamamayan at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad tungo sa isang mas maayos, malinis, at ligtas na pamayanan.



21/06/2026

Isang pagbati sa mga haligi ng tahanan!๐Ÿ’™๐Ÿงก๐Ÿ’™

Ngayong pagdiriwang ng Araw ng mga Ama, taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng mga ama at tatay na nagsisilbing haligi ng tahanan. Ang inyong sipag, sakripisyo, pagmamahal, at patuloy na paggabay ay nagsisilbing inspirasyon at lakas ng bawat pamilya.

Nawaโ€™y patuloy kayong maging huwaran ng responsableng pagiging ama, tagapagtaguyod ng kapayapaan, at katuwang sa pagbuo ng ligtas at matatag na komunidad.

Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng mga haligi ng tahanan! ๐Ÿ’™๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ

๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌ: ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—บ๐—ฎSa pamamagitan ng ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ (๐—˜๐—ฅ...
01/06/2026

๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌ: ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ

Sa pamamagitan ng ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ (๐—˜๐—ฅ๐—ฃ๐—”๐—ง), ating pinagtitibay ang papel ng bawat ama bilang responsableng magulang, huwarang mamamayan, at katuwang sa paghubog ng isang matatag at maunlad na pamilya.

โ€œAng integridad ng ama ay nagiging gabay ng anak at lakas ng pamilya.โ€

Sama-sama nating itaguyod ang kultura ng katapatan, pananagutan, at pagmamahal sa tahanan at sa pamayanan.


PATULOY ANG PAG-UNLAD: Ikalawang Cycle ng Hog Raising Program, Simula Na!Muli nating binubuksan ang pinto ng oportunidad...
26/05/2026

PATULOY ANG PAG-UNLAD: Ikalawang Cycle ng Hog Raising Program, Simula Na!

Muli nating binubuksan ang pinto ng oportunidad para sa ating mga kasapi ng ERPAT! Sa pamamagitan ng Tanggapan ng City Social Welfare and Development ay matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng mga biik para sa ikalawang cycle ng ating Hog Raising Program.

Layunin ng programang ito na lalong mapalakas ang pangkabuhayan ng ating mga ama ng tahanan sa mga sumusunod na barangay:

๐Ÿ“ Barangay Talisay

๐Ÿ“ Barangay Balimbing

Asahan ang ating patuloy na pag-agapay para sa masaganang ani at matatag na kita para sa bawat pamilyang Pilipino. Kayang-kaya bastaโ€™t sama-sama! ๐Ÿท๐Ÿ’ช



Bilang bahagi ng adbokasiya para sa kalinisan at kaayusan, ang samahan ng ERPAT, sa pangangasiwa ng City Social Welfare ...
12/05/2026

Bilang bahagi ng adbokasiya para sa kalinisan at kaayusan, ang samahan ng ERPAT, sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ay muling nagsagawa ng malawakang Clean-Up Drive.

Ang aktibidad ay naging matagumpay sa mga sumusunod na lokasyon:

Brgy. Makina

Brgy. Lumbang na Matanda

Brgy. Talisay

Brgy. Munting Coral

Ang inisyatibong ito ay patunay ng aktibong pakikiisa ng mga ama ng tahanan sa pagpapanatili ng kagandahan ng ating lungsod. Patuloy ang City Social Welfare and Development Office sa paggabay sa mga samahang gaya ng ERPAT upang matiyak ang tamang paggawa at malasakit sa bawat barangay.



PATULOY ANG PAG-UNLAD: Ikalawang Cycle ng Hog Raising Program, Simula Na!Muli nating binubuksan ang pinto ng oportunidad...
05/05/2026

PATULOY ANG PAG-UNLAD: Ikalawang Cycle ng Hog Raising Program, Simula Na!

Muli nating binubuksan ang pinto ng oportunidad para sa ating mga kasapi ng ERPAT! Sa pamamagitan ng Tanggapan ng City Social Welfare and Development ay matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng mga biik para sa ikalawang cycle ng ating Hog Raising Program.

Layunin ng programang ito na lalong mapalakas ang pangkabuhayan ng ating mga ama ng tahanan sa mga sumusunod na barangay:

๐Ÿ“ Barangay Makina

๐Ÿ“ Lumbang Calzada

๐Ÿ“ Niyugan

๐Ÿ“ Lumbang na Bata

Asahan ang ating patuloy na pag-agapay para sa masaganang ani at matatag na kita para sa bawat pamilyang Pilipino. Kayang-kaya bastaโ€™t sama-sama! ๐Ÿท๐Ÿ’ช



Address

Calaca City, Batangas
Calaca
4212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calaca City ERPAT Federation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share