27/08/2026
Walang nasawing Pilipino sa nangyaring malawakang mudslide sa border ng Nepal at Tibet, China nitong Miyerkules, Agosto 26, ayon sa Malacañang.
Ayon sa mga ulat, isang malaking tipak ng putik at bato ang gumuho patungo sa ilog sa Himalayan border ng Nepal at Tibet, na nagdulot ng flash flood sa bahagi ng Nepal.
Batay sa ulat ng Al Jazeera ngayong Huwebes, lagpas 160 katao na ang kumpirmadong nasawi sa insidente habang 800 pa ang nawawala.
Pinaniniwalaang maaaring may naganap na lindol sa lugar na nag-trigger sa ice-rock avalanche sa Lhende Khola River.