01/06/2026
Isang mapagpalang pagdiriwang ng Banal na Misa ang ating pinagsaluhan noong Mayo 31, na pinangunahan nina Brother Jemon Fabella at Brother Amon.
Sa pagtitipong ito, muli nating naranasan ang pagmamahal at paggabay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Banal na Presensya. Nawa'y ang mga aral at biyayang ating natanggap ay magsilbing liwanag at lakas sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang makibahagi sa banal na pagdiriwang na ito. Patuloy nawa tayong lumago sa pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod sa Diyos at sa ating kapwa.
"Kung saan nagkakatipon ang mga mananampalataya, naroon ang biyaya ng Diyos na nagbibigay pag-asa, kapayapaan, at lakas."
To God be all the glory! 🤍🙏✨