17/05/2026
Good day everyone!
Ang Triskelion Council of Cainta ay magsasagawa ng Blood Letting Donation Project ngayong June 7 sa Cainta Hospital, katuwang ang One Cainta
Kami ay lubos na natutuwa na maipagpatuloy muli ang makabuluhan at makataong proyektong ito na naging isa sa mga matatag at tuloy-tuloy na programa ng aming konseho sa paglipas ng mga taon. Ang gawaing ito ay sumasalamin sa aming patuloy na adhikain ng paglilingkod, pagkakaisa, at kapatiran sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo upang makatulong makapagligtas ng buhay.
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at suportahan ang adhikaing ito. Sama-sama nating patunayan na sa simpleng pagbibigay, marami tayong buhay na maaaring matulungan.