CFC Single for Christ Jansenville Chapter

CFC Single for Christ Jansenville Chapter Matthew 21:22
"If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer."

Something's brewing in the EAST ☕️In a world that constantly tells us we need more, God reminds us that true completenes...
08/06/2026

Something's brewing in the EAST ☕️

In a world that constantly tells us we need more, God reminds us that true completeness is found in Him.

Join us for an afternoon of learning, reflection, and meaningful conversations as we gather around the table to discover how God's love, grace, and purpose make us whole.

CFC Singles For Christ Metro Manila
East A Sector ICON Echo Teaching

☕ MADE COMPLETE ☕

📅 June 28, 2026
🕗 8:00 AM
📌 Youngstown Village Multipurpose Hall, Cainta, Rizal

Pre-registration deadline on June 20, 2026. Registration fee is at 200.00PhP

Tara, Kape?

Hindi lang ito pagtatapos… ito ay isang bagong simula.Sa bawat luha, pagod, at sakripisyo sa ating CLP, napatunayan nati...
25/05/2026

Hindi lang ito pagtatapos… ito ay isang bagong simula.
Sa bawat luha, pagod, at sakripisyo sa ating CLP, napatunayan natin na may Diyos na kumikilos sa bawat puso—tahimik pero makapangyarihan.

Congratulations at welcome sa ating pamilya sa CFC-Single for Christ!

Bagamat natapos na ang CLP, dito pa lang tunay na nagsisimula ang ating paglalakbay kasama ang Panginoon. Ipagpatuloy niyo lang ang apoy na sinindihan sa inyong mga puso—huwag hayaang mamatay, kundi palaguin pa sa pananampalataya at pagmamahal.
Sa likod ng matagumpay na mission na ito ay ang mga pusong handang maglingkod at sumuporta.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nagdasal, at nagbigay ng oras at lakas—nawa’y mas pagpalain pa kayo ng Panginoon at ingatan sa bawat araw.

Sa huli, ang lahat ng ito ay para sa Kanya.

At sa Kanya rin natin iaalay ang bawat susunod pang hakbang.

🙏 To God be all the glory.


17/05/2026

“Sa bawat awit, hindi lang tinig ang iniaalay… kundi puso na buong nagpapasakop sa Iyo, Panginoon. 💙
Ikaw ang dahilan ng bawat nota, ng bawat luha, at ng bawat papuri. 🎶🙏”

“Hindi naging madali ang lahat—may delays, may pagod, may mga kulang…pero hindi natitinag ang mission dahil kasama natin...
17/05/2026

“Hindi naging madali ang lahat—may delays, may pagod, may mga kulang…
pero hindi natitinag ang mission dahil kasama natin ang Diyos. 🙏

Sa Talk 7: Growing in the Spirit, mas nakita natin kung paano Siya kumilos sa gitna ng lahat.

03/05/2026
Isa na namang mission ang nataposTalk 6: Pray Over Session 🙏Sa kabila ng maraming delays at pagkukulang, hindi natin hin...
03/05/2026

Isa na namang mission ang natapos
Talk 6: Pray Over Session 🙏

Sa kabila ng maraming delays at pagkukulang, hindi natin hinayaang matitinag ang mission na ipinagkatiwala sa atin. Dahil alam natin hindi tayo nag-iisa. Nandiyan ang Diyos, patuloy na gumagabay, sumusuporta, at nagbibigay lakas sa bawat hakbang natin empowered by the Holy Spirit.

Isang gabi ng tunay na pagbabago, kung saan ang bawat puso ay hinipo at pinalakas. Sa bawat panalangin at pagpatong ng kamay, ramdam ang kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa gitna ng ating kahinaan.

Maraming salamat sa ating service team na hindi sumuko sa kabila ng pagod, sa mga kapatid mula sa ibang SFC chapters na nagbigay suporta, at sa ating speaker na naging instrumento ng biyaya.

Pinatunayan lang natin na kapag ang Diyos ang sentro ng ating mission, lahat ng hadlang ay nalalampasan. Tuloy-tuloy Lang para sa Kanya at para sa Kanyang kaluwalhatian 🙏❤️

Isang araw, dalawang gawain—at parehong punô ng biyaya! 🙌Sa Cluster 2 SFC, naranasan namin ang walang sawang pagpapala n...
26/04/2026

Isang araw, dalawang gawain—at parehong punô ng biyaya! 🙌

Sa Cluster 2 SFC, naranasan namin ang walang sawang pagpapala ni Lord sa aming Household at Music Ministry practice. Sa bawat kwentuhan, awitan, at sama-samang panalangin, lalo kaming pinagtibay bilang isang pamilya kay Kristo. 💛

Tunay ngang kapag inuuna si Lord, sobra-sobra ang Kanyang ibinibigay—higit pa sa inaasahan.
All glory and honor to God! ✨


Isa na namang misyon ang ating natapos CLP Session 2, Talk 5. Pero higit pa sa pagtatapos, ito ay kwento ng bawat pusong...
26/04/2026

Isa na namang misyon ang ating natapos CLP Session 2, Talk 5. Pero higit pa sa pagtatapos, ito ay kwento ng bawat pusong unti-unting binabago ng Diyos.

Hindi naging madali ang bawat hakbang may pagod, may duda, may mga panahong gusto nang sumuko. Pero sa kabila ng lahat, pinili pa rin nating magpatuloy—dahil may Diyos tayong pinanghahawakan at pamilyang umaalalay sa isa’t isa.

Dito mo mararamdaman na hindi ka nag-iisa. Na sa bawat luha, may kapatid na handang umunawa. Sa bawat kahinaan, may Diyos na patuloy na nagmamahal at nagpapalakas.

Ang Christian family ay hindi lang basta samahan ito ay tahanan ng pagtanggap, pagpapatawad, at tunay na pagmamahal.

Salamat, Lord sa bawat pusong hinipo Mo, sa bawat buhay na unti-unting nagbabago. Hindi pa dito nagtatapos mas marami ka pang gagawin sa amin.
Patuloy kaming lalaban, patuloy kaming magtitiwala… kasama Ka. 🙏

Address

3207 Street Luke Jansenville Subd
Cainta

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CFC Single for Christ Jansenville Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share