30/07/2026
Good day mga ka Oaks, please be informed of the following updates:
MEMORANDUM No. 2026-07-27
PETSA: Hulyo 27, 2026
PARA SA: Lahat ng Homeowners at Nangungupahan, ORHOAI
MULA SA: Pamunuan ng ORHOAI at Sports Committee
PAKSA: Pagtaas ng Court at Clubhouse Rental, at Karagdagang Libreng Iskedyul sa Pickleball (Epektibo: Agosto 1, 2026)
Magandang araw po. Ipinatutupad ang mga sumusunod na pagbabago sa ating mga pasilidad upang matugunan ang gastos sa maintenance at kuryente, at upang magbigay-daan sa iba pang sports:
1. MGA BAGONG RENTAL RATE
Basketball Court: P300.00 / oras (Mula sa dating P200.00)
Clubhouse (Events): P5,000.00 (Mabuti para sa 4 na oras; hanggang 9:00 PM lamang ang cutoff ng event)
2. KARAGDAGANG LIBRENG ISKEDYUL (Pickleball Only)
Kailan: Tuwing Linggo, 6:00 PM – 8:00 PM
Patakaran: Libre at first come, first served. Magpalista pa rin sa HOA Office.
Pagkatapos ng 8:00 PM: Babalik ang court sa regular rental rate (P300/oras). Kung walang nakareserbang lalaro ng basketball, pwedeng mag-extend ang Pickleball group basta't magpaalam sa HOA Office.
MGA PAALALA:
Pay Before Play / Use: Bayaran muna ang kaukulang renta sa HOA Office bago gamitin ang court o clubhouse.
Court Reservation Cutoff: Ang pagpapalista o pagpapareserba ng iskedyul sa basketball court ay hanggang 3:00 PM lamang araw-araw.
Reservation Policy: Kailangan pa ring magpa-reserve ng iskedyul sa HOA Office para sa maayos na paggamit ng mga pasilidad. [1]
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.
Lubos na gumagalang,
G. B**G CASTILLO
Sports Committee, ORHOAI
G. B**G ACHACOSO
Presidente, ORHOAI