26/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐-๐๐๐๐๐!
Ang LAkBay - Lipong Aakay sa Bayan ay buong pagmamalaking ipinagdiriwang ang mga nagtapos nitong opisyales โ mga naging haligi ng paglilingkod, pag-akay, at sama-samang paghubog ng layunin.
Hindi naging madali ang kanilang pagla-LAkBay. May mga sandaling magulo, at may mga pagsubok na humamon sa kanilang kakayahan. Ngunit sa kabila nito, nanatiling buo ang kanilang diwa, ang maglingkod nang may malasakit, mag-akay nang may layunin, at magpatuloy kahit hindi perpekto ang landas.
Ngayon, sa pagwawakas ng inyong panunungkulan, bitbit ninyo hindi lang ang mga karanasan kung hindi maging ang isang diwang hinubog ng sakripisyo, pagkakamali, at pagkatuto.
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐๐ค๐๐๐ฒ.
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐๐๐ค๐๐๐ฒ.
๐๐๐ฅ๐ก๐ข๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ฌ๐๐๐ง ๐ฆ๐๐ง ๐ฆ๐๐ฉ๐ฎ๐ง๐ญ๐. ๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง โ ๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐ง. ๐