21/09/2025
๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐ฌ๐๐ก, ๐ ๐จ๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ข ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ, ๐ง๐จ๐ ๐๐ง๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก
Limampuโt tatlong taon na ang lumipas mula nang ideklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar, ngunit nananatiling buhay ang sugat at kirot na iniwan nito. Hindi lamang ito isang pahina ng kasaysayan; ito ay isang trahedya ng sambayanan na sumira sa dignidad, karapatan, at kinabukasan ng libu-libong Pilipino. Sa ilalim ng Martial Law, libo ang inaresto nang walang katarungan, tinortyur, at pinaslang. Ang mga martir ng bayan, na buong tapang na tumindig para sa kalayaan, ay nagpapaalala sa atin na ang alaala ng nakaraan ay hindi dapat malimutan, bagkus ay magsilbing gabay tungo sa mas makatarungang lipunan.
Ang ๐๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ฒ๐๐๐ผ๐ฟ๐ธ (HRYAN), isang koalisyon ng kabataang tagapagtanggol ng karapatang pantao, ay kaisa ng taumbayan, lalo na ng mga Mindanawon, sa pagbabalik-tanaw at pagbubuo ng mas makabuluhang aral mula sa mapait na nakaraan. Sa ating kolektibong alaala, malinaw ang mensahe: hindi na dapat maulit ang mga pang-aabuso at karahasang ito. Ang kasaysayan ay hindi dapat ulitin, kundi dapat maging ilaw na magtuturo sa landas ng mas progresibo at makataong kinabukasan.
Ngunit sa kasalukuyan, bagamaโt wala na tayo sa ilalim ng diktadura militar, patuloy pa rin ang pagpapahirap ng sistemang kontrolado ng iilang makapangyarihan. Nakikita ito sa walang katapusang siklo ng korapsyon, mula sa anomalya sa mga flood control projects na dapat sanaโy nagliligtas ng komunidad mula sa panganib, ngunit nauuwi sa bulsa ng iilang opisyal. Habang nagdurusa ang mga mamamayan sa pagbaha at kawalan ng disenteng serbisyong panlipunan, ang kaban ng bayan ay patuloy na nilalapa ng mga buwayang nasa kapangyarihan.
Dagdag pa rito, nananatili ang mga hamon ng red-tagging, atake sa media, at panunupil sa kabataan at mamamayan, mga taktikang kauri ng ginamit noong panahon ng Martial Law upang patahimikin ang kritikal na tinig. Ang kasaysayan ay tila inuulit sa ibang anyo, sa ilalim ng ibaโt ibang pangalan, ngunit dala ang parehong mukha ng pang-aabuso.
๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค, ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ผ๐:
โ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ค! ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ!โ
Ngunit higit pa sa panawagan, ito ay hamon at paalala: ang laban para sa karapatan at katarungan ay laban ng bawat Pilipino. Hindi sapat na alalahanin lamang ang Martial Law bilang bahagi ng kasaysayan; kailangan natin itong bigyang saysay sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng pagkilos laban sa korapsyon, pagpapalakas ng demokratikong institusyon, at pagtatanggol sa dignidad ng bawat isa.
Kasabay ng ating paggunita, nananawagan ang kabataan, mula Mindanao hanggang sa buong Pilipinas, na maging mapagmatyag, magtanong, at kumilos. Sama-sama nating igiit ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, hustisya para sa mga naaapi, at pagbabago para sa mga susunod na henerasyon.
Nawaโy ang aral ng Martial Law ay magsilbing paalala na ang kalayaan at demokrasya ay kailangang bantayan at ipaglaban. Sa pagkakaisa ng kabataan at mamamayan, naniniwala tayong posible ang isang hinaharap na nakabatay hindi sa pang-aabuso at korapsyon, kundi sa katarungan, pagkakapantay-pantay, at tunay na pag-unlad.
๐๐ฅ๐ฌ๐๐ก, ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป. ๐๐ฎ๐ด๐ถ'๐ ๐น๐ฎ๐ด๐ถ, ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป.