23/04/2026
PAHAYAG
April 23, 2026
Mga Kababayan,
For nearly a decade, Mr. Antonio Trillanes IV has been peddling the same incredible story about alleged billions in bank accounts. From 2016 to 2026, nothing in his narrative has changed. What has changed, however, is the machinery now backing him.
Today, he is backed by a sitting President who must be compelled to submit to a simple drug test; "law-bender" members of the House of Representatives that have received “maletas” and have repeatedly disregarded constitutional limits; a Commission on Audit that appears to time its issuances in a manner that conveniently aligns with political attacks; and newly-installed AMLC officials who remain silent and refuse to clarify that there have been no findings of violations of anti-money laundering laws, and the billions of peso in bank accounts are untrue.
Hindi rin maikakaila ang timing ng lahat ng ito. Ang sunod-sunod na alegasyon at kaso laban sa akin ay nagsimula matapos akong umalis sa Gabinete, sa panahong tumanggi akong pumirma sa isang pambansang budget na hindi ko kayang ipagtanggol sa taumbayan.
Simple lang ang sagot ko sa lahat ng paninira. Malinis ang aking service record; hindi ako kailanman nagkaroon ng kaso sa paggamit ng pondo ng bayan. Lahat ng aking ari-arian at pera ay idineklara ko sa aking SALN. Ang bawat sentimo ay mula sa lehitimong pinanggalingan at may kaukulang dokumento.
Ang mga totoong magnanakaw, hindi sa bangko pinapasok ang pera—kundi sa maleta.
Mga kababayan, habang lalong lumalalim ang paggamit at pang-aabuso ng administrasyon sa ating mga institusyon para sa pulitika, lalong nahahalata ang kanilang takot na managot. Kung gaano katindi ang paninira sa akin, ganoon din katindi ang katahimikan at takot nilang managot sa bilyon-bilyong pisong ninakaw, inilagay sa maleta, at inilabas sa bansa.
Nasaan ang malinaw na sagot sa mga bilyon-bilyong piso sa flood control projects? Nasaan ang konkretong solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, sa kahirapan, at kagutuman? Nasaan ang direksyon sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao? Nasaan ang tunay na independent foreign policy? At nasaan ang agarang aksyon sa mga krimen na patuloy na nararanasan ng ating mga kababayan?
Huwag kayong magpalinlang sa ingay ng impeachment na ito. Dahil ang tunay na laban ay para sa kapakanan ng mga Pilipinong dumadanas at dumaraan sa tuminding hamon ng buhay araw-araw.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines