09/02/2025
(Posted Year 2020)
ANG TGP GLOBAL AT ANG CONSTITUTION.
ANG TANONG NG NAKAKARAMI AY BAKIT NGAYON ISINUSULONG ANG TGP GLOBAL CONSTITUTION.
Ito ay napapanahon bilang pag tugon ng TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng napakarami natin mga kapatid. Kailangan maisayos ang tamang istraktura, ang TGP Global, upang magampanan at masimulan ang mga proyektong pang ekonomiya katulong ang politikang sangay nito, ang TGP Partylist.
BAKIT KAILANGAN MAG BALANGKAS NG BAGO?
Ang panukalang TGP Global Constitution ay mula sa kaisipan ng mga mismong nag bigay sa atin ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity Tenets and Code of Conduct. Ito ay idadaan pa sa ratipikasyon, kaya ito may lagda ng tatlong founding fathers upang ipag bigay alam sa lahat na ito ay aprubado nila at pormal na isinusumite sa lahat upang pag aralan at ratipikahin.
BAKIT KAILANGAN MAISAAYOS ANG ISTRAKTURA NG TGP GLOBAL?
Ito ang katuparan sa pangako ni Founder Roy nuon pa man 2016 TGP Partylist Campaign, na aayusin nila ang Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity kung ang ating Partylist ay mabibigyan ng pagkakataon.
ANG TGP GLOBAL BA AY GAGAMITIN SA USAPIN NG POLITIKA?
Hindi. Ang kapatiran ay may pang politikang sangay na sa katauhan ng TGP Partylist. Kaya kinakailangan maitatag ang TGP Global agad upang maging maayos ang daloy ng mga proyekto at higit sa lahat ang pangkalahatang pamunuan at mga sangay nito sa buong daigdig, samakatuwid ang dalawang mga pangunahing institusyon ay magkatuwang para sa ikakaunlad ng kapatiran Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity.
ANO BA ANG PANGUNAHIN NA LAYUNIN NG TGP GLOBAL?
Pagkaisahin ang lahat ng mga naka paloob sa ilalim ng iisang pamamahala. Magkaroon ng isang "clearing house" kung saan sistemado ang daloy ng mga proyekto at pag tulong sa mga kapatid. Ang pag babalik ng pamunuan sa mga GTs alinsunod sa isinasaad ng ating Tenet 7.
SINO BA ANG NASA LIKOD NG INISYATIBA NG TGP GLOBAL?
Dapat malaman ng nakakarami na ang planong ito ay hindi biglaan, katunayan ito ay mababasa sa coffee book na inilabas ng UP nuong 50th Anniversary. Nagsimula ang pag babalangkas ng tatlong founding fathers at isinaayos ang pagkakasulat ng panukalang Constitution, katulong ang ilang mga kapatid sa larangan ng abogasya bago pa man ang 2019 Partylist Election.
NAIS BA PALITAN NG TGP GLOBAL ANG TGP FRATERNITY?
Hindi. Walang nais na palitan ang mga founding fathers. SA KATUNAYAN MALINAW SA TGP GLOBAL CONSITUTION NA ITO AY PARA SA MGA TRISKELION, para sa iyo Brod, para sa iyo Sis. Maituturing na ito ay pagpapalakas pa sa kanilang nasimulan may 50 taon na ang nakakaraan.
MAY GAGAWIN BA NA PAGBABAGO SA ORIHINAL NA SEAL NG TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY?
Ang kapatiran ng TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY AT ANG ORIHINAL NA SEAL AY MANANATILI. WALANG BABAGUHIN, WALANG AALISIN.
Ang tinutukoy na seal sa TGP Global Constitution ay para sa sarili nitong representasyon, katulad ng mga chapters, city councils, provincial councils at mga grupo ng mga triskelion sa larangan ng iba't ibang propesyon, sila din ang may mga eksklusibong seal, logo na pagkakakilanlan.
MAY KARAPATAN BA SINA KAPATID NA ROD CONFESSOR, TALEK PABLO AT ROY ORDINARIO NA AYUSIN ANG TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY?
Oo Brod. Habang sila ay nabubuhay pa, karapatan nila PAGMALASAKITAN ANG KANILANG SINIMULAN! Huwag natin bigyan ng malisya ang malasakit na ginagawa nila. Sa mga nag daan taon, napa sa kamay ng ibang mga elders ang pag titimon, ngunit nagkawatak watak lamang tayo. Maraming pag tatangka na ayusin at pagkaisahin ang mga paksyon ang lahat ay napunta sa wala.
Sila ay nasa kanilang huling yugto na ng kanilang mga buhay, sa tingin nyo ba ay pagkawasak ng kapatiran ang kanilang nais idulot? Kasiraan sa kanilang pamana sa bawat triskelion ang nais? Hindi brods, walang matinong magulang ang gagawa nuon, at walang magalang na anak ang babastos sa mga magulang!
Nais ko ibahagi ang mga konting panahon ng aking pakikipanayam kay Brod Roy, Tatay Roy sa ating lahat! Nawa'y maliwanagan ang mga may agam agam.
Bro. Mike Ravago, MDG
Aquinas School '85 Triskelion Council of Quezon City (TCQC) Former Chairman βοΈ