Unspoken poetry

Unspoken poetry Always be positive!!!

23/06/2023

"Panandalian"
By: Jen Villaluz

Nakakatawang isipin na yung taong pinangarap kong makasama hanggang dulo ay hanggang panandalian lang pala
Panandaliang saya habang kasama ko siya , panandaliang kilig habang binabasa ang mga mensahe na galing sa kanya at panandaliang pagmamahal na naramdaman kong inialay niya
Bakit nga ba laging sa una lang masaya? bakit ba sa tuwing may saya ay may lungkot na kapalit?
Mga katanungan na sa utak ko ay tumatakbo pa rin, mga katanungan na ang hirap hanapan ng sagot.
Pero ayoko rin itanggi na sa panandaliang iyon ako'y iyong napasaya , saya na akala ko'y magtatagal ngunit pansamantala lang pala.
Mga dating ngiti sa labi na ngayon ay hindi na magawa dahil sa iyong iniwang masasakit na alaala
Mga alaalang ang hirap ng burahin pinipilit ko namang ito'y tanggalin pero bakit ba ako nahihirapan na ito'y gawin?
Siguro sa alaalang iyon ako din ay sumaya , kahit panandalian lang diba? Pero salamat pa din sa aral na iyong iniwan , natutunan kong wag basta magtiwala at wag umasa sa mga salitang katulad ng "Hindi kita iiwan"
Dahil ngayon alam ko ng lahat ng bagay ay may katapusan , lahat ng umpisa ay may hangganan at hindi lahat nagtatagal dahil may mga bagay lang na hanggang PANANDALIAN.

Kay lungkot na gabipuso ay dumadaan sa pighatisana naman sa tulang ito'y maibsanlabis na aking nararamdamanmga tala ay s...
23/06/2023

Kay lungkot na gabi
puso ay dumadaan sa pighati
sana naman sa tulang ito'y maibsan
labis na aking nararamdaman

mga tala ay sawa ng makinig
mula sa kwentong paulit ukit na tinitinig
kung bakit puso ay laging naaantig
sa mapanlinlang niyang titig

ngunit sa tala ako ay hihiling
sa huling pagkakataon ay inyong dinggin
na sanay di na pag tagpuin ang aming mata
upang isip at puso'y di na umasa pa.

23/06/2023

"PAGHANGA"

Sa klassroom palagi kang nakikita,
Tipong pagtitig ko lang nasagip mo na,
Paano ba kaya kung ako'y mahulog na?
Masasalo mo kaya.

Siguro'y nagsimula sa kaunting paghanga,
Ngunit habang tumatagal lumalala na,
Tipong kung late ka lang hinahanap na kita,
Pero ang mas malala pagsinabing nagkasakit ka
Heto ako nag-aalala kung okay ka lang ba.

Paghanga lang kaya?
Paano kung sobra na?
Paano na kaya?
Masusuklian mo ba?

Isa pa sa nagustuhan ko'y magaling ka,
Sa acads may pake ka,
Sino ba naman ang 'di hahanga sa'yo 'di ba?
Napagtanto ko ngang marami akong
kakompetensya.

Bakit ba kasi ganyan ka?
Sana naman naging pangit ka,
Nakakadagdag pa yang singkit mong mata,
Na minsa'y tila gusto kong ukitin dahil
nakaka-inis na.

Address

SA PUSO NYA
Cadiz City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unspoken poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share