GABRIELA Southern Tagalog

Directions Contact the organization

GABRIELA Southern Tagalog GAB ST is a network of organizations advocating women's rights and welfare in the region.

📢 MAY SARILING ULAT ANG MAMAMAYAN! DALHIN NATIN ITO SA LANSANGAN NGAYONG HULYO 27! 📢Bawat taon, inihaharap sa taumbayan ...
25/07/2026

📢 MAY SARILING ULAT ANG MAMAMAYAN! DALHIN NATIN ITO SA LANSANGAN NGAYONG HULYO 27! 📢

Bawat taon, inihaharap sa taumbayan ang ulat ng kalagayan ng bansa. Ngunit hindi kailangang hintayin ang talumpati ng sinumang nasa kapangyarihan upang malaman ang tunay na kalagayan ng bayan. Araw-araw itong nasasaksihan sa hapag na kulang ang pagkain, sa sahod na hindi nakasasapat, sa kawalan ng seguridad sa kabuhayan, at sa patuloy na pagkakait sa lupa, batayang serbisyo, at mga demokratikong karapatan. Pinakaramdam ng kababaihan ang bigat ng krisis na ito habang pasan ang hindi kinikilala at hindi bayad na gawaing pangangalaga at patuloy na humaharap sa iba’t ibang anyo ng karahasan, diskriminasyon, at pagsasamantala.

Ngunit hindi kailanman naging tahimik ang mamamayan. Kasama ang kababaihan, manggagawa, magsasaka, kabataan, katutubo, maralitang lungsod, LGBTQIA+, at iba pang demokratikong sektor, patuloy nating ipinaglalaban ang nakabubuhay na sahod, tunay na reporma sa lupa, pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, at ang pagtatanggol sa ating mga demokratikong karapatan. Ang ating pakikibaka ay para sa hustisyang panlipunan, pambansang demokrasya, at tunay na paglaya ng sambayanan.

Sa Hulyo 27, dalhin natin sa lansangan ang ulat na hindi kailanman mabubura ng anumang talumpati. Ang katotohanan ay hindi isinusulat sa entablado ng kapangyarihan kundi sa buhay at pakikibaka ng mamamayan. Sumama sa SONA ng Bayan at sama-sama nating palakasin ang paniningil, paglaban, at pagkilos ng sambayanan.

Sa mga nais sumama ay mag-message lamang sa aming page.


ICYMI: MAYO UNO | Buong sikhay na nakiisa at pinagpugayan ng GABRIELA Southern Tagalog ang mga manggagawa sa nakaraang p...
12/05/2026

ICYMI: MAYO UNO | Buong sikhay na nakiisa at pinagpugayan ng GABRIELA Southern Tagalog ang mga manggagawa sa nakaraang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa; Calamba Crossing, bitbit ang mga panawagan para sa nakabubuhay na sahod, pagwawakas ng kontraktwalisasyon, pagtatanggal sa VAT at Excise tax, at pagpapatalsik sa pahirap, korap, at pasistang US-Marcos II at Duterte.

Danas ng masang kababaihan ang tindi ng kahirapan dulot ng patuloy na pagkatali ng ating panlipunang sistema sa kontrol ng imperyalistang Estados Unidos sa pamamagitan ng tuta nitong mga lokal na burukrata kapitalista—bunga nito ay nasasadlak ang mamamayan sa barat na pasahod habang matindi ang kondisyon sa paggawa at may krisis sa trabaho. Krisis ang kawalan ng kasiguraduhan sa trabaho dulot ng kontraktwalisasyon na 70% ng apektado sa buong Pilipinas ay kababaihan.

Kaya naman ang sistemang ito na nagsisilbi sa dayuhan habang pinagsasamantalahan ang mamamayang Pilipino ay lubos ding sinusuka ng hanay ng kababaihan. Ito ang nararanasan ng mamamayan habang tila ginagawa lang teyatro ng drama ng mga trapo ang gobyerno.

TULOY-TULOY TAYONG MAKIBAKA PARA SA NAKABUBUHAY NA SAHOD, TRABAHO, AT MABABANG PRESYO NG BILIHIN AT MGA SERBISYO!

PATALSIKIN ANG US-MARCOS II AT SI SARA DUTERTE! IBAGSAK ANG IMPERYALISMO!

🗣️ KABABAIHAN, MAGKAISA AT KUMILOS SA PAPARATING NA MAYO UNO!Sa gitna ng krisis na nararanasan natin ngayon, patuloy ang...
30/04/2026

🗣️ KABABAIHAN, MAGKAISA AT KUMILOS SA PAPARATING NA MAYO UNO!

Sa gitna ng krisis na nararanasan natin ngayon, patuloy ang pasakit sa mga manggagawang Pilipino ng mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod, at pagiging kontraktwal ng mga manggagawa; 70% ng mga kontraktwal ay mga kababaihan at dagdag dito ay kalakhan ng mga nagttrabaho sa informal sector ay mga babae din.

Kaya naman, sa paparating na Mayo Uno patuloy natin patambulin ang ating mga panawagan:

🚩Isulong ang P1,200 family living wage kasabay ng pagsuporta sa fare hike ng mga tsuper!
🚩I-rollback ang presyo ng langis sa P55!
🚩Ibasura ang Oil Deregulation Law at ipatupad ang price control sa langis!
🚩Tanggalin ang excise tax at VAT sa lahat ng batayang bilihin at serbisyo!
🚩Isabansa ang industriya ng langis!
🚩Itigil ang gerang agresyon ng US!

Sa lahat ng interesado sumama ay maaring magmensahe sa aming page.




Mamayang 5pm na ito! Tara na! 💜
31/03/2026

Mamayang 5pm na ito! Tara na! 💜

Top 20 sa Mundo, No. 1 sa Asya 🤔🤔🤔Pero kumusta na nga ba talaga ang Kababaihang Filipino? 📊🇵🇭

Ayon sa 2025 Global Gender Gap Report, umakyat ang Pilipinas sa ika-20 na puwesto sa buong mundo! Totoo nga ba ito? Bilang pagtatapos ng National Women’s Month, himayin natin ang katotoong sitwasyon na hinaharap ng kababaihang Filipino sa loob at labas ng ating bansa.

Samahan niyo kami sa aming talakayan ng ULAT LILA 2026 (mula sa Center for Women's Resources)

📅 Kailan: Marso 31 | 5-7pm

📍 Saan: Online

🔗 Magpadala ng mensahe sa aming page para mapadalhan ng link

Top 20 sa Mundo, No. 1 sa Asya 🤔🤔🤔Pero kumusta na nga ba talaga ang Kababaihang Filipino? 📊🇵🇭Ayon sa 2025 Global Gender ...
30/03/2026

Top 20 sa Mundo, No. 1 sa Asya 🤔🤔🤔Pero kumusta na nga ba talaga ang Kababaihang Filipino? 📊🇵🇭

Ayon sa 2025 Global Gender Gap Report, umakyat ang Pilipinas sa ika-20 na puwesto sa buong mundo! Totoo nga ba ito? Bilang pagtatapos ng National Women’s Month, himayin natin ang katotoong sitwasyon na hinaharap ng kababaihang Filipino sa loob at labas ng ating bansa.

Samahan niyo kami sa aming talakayan ng ULAT LILA 2026 (mula sa Center for Women's Resources)

📅 Kailan: Marso 31 | 5-7pm

📍 Saan: Online

🔗 Magpadala ng mensahe sa aming page para mapadalhan ng link

Pagkilos ng kababaihan sa Timog Katagalugan para sa International Working Women's Day! Matagumpay na nilunsad ang panreh...
09/03/2026

Pagkilos ng kababaihan sa Timog Katagalugan para sa International Working Women's Day!

Matagumpay na nilunsad ang panrehiyunal na pagkilos noong ika-8 ng Marso sa pangunguna ng GABRIELA Southern Tagalog, kasama ang iba't ibang pangkababaihan at multisektoral na organisasyon sa Timog Katagalugan. Bitbit ang mga krisis at daing ng masang kababaihan sa rehiyon dulot ng korap, pahirap, at pasistang rehimeng US-Marcos II at Duterte.

Sa kabila ng pang-iintimida at pagtatangka ng PNP-Bacoor na patigilin ang pagkilos, militanteng ipinanawagan ang pagpapabasura ng Value Added Tax (VAT), pagkundina sa redtagging at paniniktik sa mga aktibista, pagwawakas ng pananamantala sa kababaihan at bata, at pagpapatalsik kina B**g B**g Marcos at Sara Duterte na mga malalaking isda sa likod ng kasalukuyang korapsyong nagaganap sa bansa.

Naninindigan ang GABRIELA Southern Tagalog na patuloy na kolektibong kikilos ang masa at progresibong kababaihan sa rehiyon kasama ang malawak na bilang ng uring pinagsasamantalahan para isulong ang demokratikong interes ng mamamayan para sa sahod, trabaho, lupa, edukasyon, serbisyong panlipunan, at karapatang pantao. Walang lugar ang mga kurakot, pahirap, pasista, at bastos at manyak sa ating lipunan.

ABANTE BABAE! PALABAN MILITANTE!
SULONG GABRIELA! LUMABAN MAKIBAKA!

VAT TANGGALIN!
US-MARCOS II AT DUTERTE PATALSIKIN!

PRESS RELEASEMarch 8, 2026Southern Tagalog activists celebrate International Working Women's Day despite disruption from...
09/03/2026

PRESS RELEASE
March 8, 2026

Southern Tagalog activists celebrate International Working Women's Day despite disruption from provincial police.

Organizations across the Southern Tagalog region took part in a protest action led by Gabriela Southern Tagalog to celebrate International Working Women's Day (IWWD) at Kalinisan, Bacoor City, Cavite on March 8.

The mobilization saturated with calls to end gender-based abuse and discrimination, and state-sponsored attacks against women and LGBTQIA+ activists, as well as the removal of the 12% Value Added Tax (VAT).

Women are forced to bear the weight of skyrocketing oil prices that exponentially increase the cost of basic necessities while also being on the receiving end of gender-based violence.

"Gender-based issues do not exist in a vaccuum. They magnify and are magnified by pressing national issues that inch their way to livelihood and the fragile dynamics of a household. Marcos Jr. and Duterte are responsible for instensifying the economic crisis and fostering an administrative environment that protects the likes of B**g Suntay and Ferdinand Topacio that pervert recognized women figures and policymakers," Cirujano said.

Women and LGBTQ+ leaders in the region namely Jeverlyn Seguin, Aries Soledad, Paolo Tarra, and Jpeg Garcia, who are victims of terror-tagging and proposed persona non grata declarations were one of the highlights of the mobilization.

"It comes to no surprise that women and members of the LGBTQ+ community are quick to serve the Filipino people and unite with their call for genuine social change. To try to declare these honorable leader activists as persona non grata in the province of Cavite is not only shameful, but it leaves no space for accountability from the military that continues to terrorize the Southern Tagalog region. If anyone should be declared persona non grata in the province of Cavite, it should be the AFP and Task Force Ugnay given their long history of harassment in the form of red-tagging, surveillance, and terrorizing communities," Cirujano added.

Gabriela ST, sectoral organizations, and women advocates stand in solidarity with oppressed women across the globe, especially those who fell victim to the US-Israel's wars of aggression on West Asia.

Meanwhile, police forces saught to disrupt the peaceful demonstration by sounding their sirens and playing loud distracting music over the program.

"We will not allow police interference and disturbance to silence our calls. The economic crisis that plagues the nation is caused by imperialist greed that multiplies the hardships of women globally," Cirujano said.

The program concluded with the dancing of One Billion Rising (OBR) that symbolizes women's continuing fight to dismantle macho-feudal and patriarchal system that exploits women. Furthermore, a skit was executed which depicts everyday economic challenges and harassment experienced by Filipino women under the Marcos administration.

"The fascist state and its police and military forces will never silence women and the LGBTQ+ community in our struggle to dismantle the broken system that exploits the people. So long as the fight for land, justice, and freedom continues, women will continue to build a better society that is truly governed by the people for the people," Cirujano concluded.

Reference:
Krizia Cirujano, Secretary-General
GABRIELA Southern Tagalog
# # #




Sa gitna ng laganap na katiwalian, ang kababaihan ay sagad na pinapahirapan - sa kawalan trabaho, kawalan ng pabahay, at...
06/03/2026

Sa gitna ng laganap na katiwalian, ang kababaihan ay sagad na pinapahirapan - sa kawalan trabaho, kawalan ng pabahay, at nagtataas na presyo ng mga bilihin. Araw-araw, pinagkakasya at binabanat ang budget habang pinapasan natin ang pabigat na VAT - at para sa manggagawang kababaihan, mababang sahod. Dagdag pa dito, ang kaliwa't kanan na kabastusan mula sa mga komentong atrasado at sa pagkawalan ng respeto sa dignidad ng mamayang Pilipino habang patuloy na ninanakawan ang kaban ng bayan.

Ngayong Marso 8, magkaisa ang kababaihan. Sama-sama nating isigaw ang pagwawakas sa pang-aapi at kabastusan mula sa katiwalian at mga patakarang nagpapabigat sa buhay ng mamamayan.

Kababaihan, isabuhay ang diwa ng makibaka! Ipanawagan ang hustisya, pananagutan, at pag-alis sa mga pabigat na buwis. Sumama sa mobilisasyon ngayong Marso 8 sa Cavite. ✊💜

SUMAMA SA PAGKILOS: https://m.me/j/Aba-fs7qUoEP-lPk/



Mamaya na ang unang kurso sa ating PRJM's Women's Month Edition! Sama-sama nating pag-aralan ang kasaysayan ng kilusang ...
05/03/2026

Mamaya na ang unang kurso sa ating PRJM's Women's Month Edition! Sama-sama nating pag-aralan ang kasaysayan ng kilusang kababaihan 💜 Tara na at mag-enroll! https://tinyurl.com/IWWMED2026

Inaanyayahan ang lahat sa muling pagbubukas ng Paaralang Rona Jane Manalo ngayong buwan ng kababaihan!

Ito ang ✨Women's Month Edition✨ ng mga piling kurso mula sa ating kurikulum na aaralin natin online.

Aalamin natin ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga kababaihan at paano nga ba nagsimula ang pagdidiwang ng Marso 8. Mula dito, tatalakayin natin ang isyu ng 12% Value Added Tax na isa sa mga kasalukuyang nagpapabigat ng buhay ng mga pamilyang Pilipino at paano ito nakaugnay sa neoliberalismo. Tatapusin natin itong edition ng online PRJM sa pagkakaron ng diskusyon ng kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihang Pilipino sa Ulat Lila.

Ano pa hinihintay natin?

📝Tara na at mag-enroll! https://tinyurl.com/IWWMED2026



REYNA NG KORAPSYON, PAHIRAP SA KABABAIHAN!SARA DUTERTE, PATALSIKIN! Kasing linaw ng mga ebidensya ng korapsyon, malinaw ...
04/03/2026

REYNA NG KORAPSYON, PAHIRAP SA KABABAIHAN!
SARA DUTERTE, PATALSIKIN!

Kasing linaw ng mga ebidensya ng korapsyon, malinaw din ang pagiging lehitimo ng panawagan ng mamamayang i-impeach ang pahirap, pasista, at korakot na si Sara Duterte.

Kaya naman lubos ang pagkadismaya ng GABRIELA Southern Tagalog sa inilabas na desisyon ng Justice Committe ng House of Representatives na ipasawalang bahala ang inihain ng mga progresibong organisasyon at indibidwal na impeachment complaint noong ika-2 ng Pebrero laban sa reyna ng korapsyong si Sara Duterte dahil diumano sa "one-year rule ban" na saklaw ng naunang impeachment complaint na inihain din natin noong nakaraang taon, ngunit batay sa Supreme Court ruling ay ika-15 ng Enero 2026 pa dapat ito tapos.

Malinaw na ang desisyong ito ay pagpoprotekta sa interes ng mga korap at kawalan ng katarungan para sa mamayang naghahangad ng pananagutan. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, naghasik ng korapsyon si Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President (OVP). Taong 2023, nalantad ang pagwawaldas ni Sara Duterte sa nasa Php125 milyon sa loob lamang ng 11 araw. Kasunod nito, taong 2024, ay nabunyag ang ninakaw niyang nasa Php612.5 milyong Confidential and Intelligence fund na nilustay sa mga ghost employee tulad ni Maria Grace Piattos at nalantad din ang overpriced na mga librong "Isang Kaibigan".

Ang kataksilan ni Sara Duterte sa bayan, ay pagtataksil sa kababaihan.

Habang nalulugmok ang taumbayan sa krisis pang-ekonomiya dulot ng mga anti-mamamayang panukala ng rehimeng US-Marcos Jr. at ni Sara Duterte na patuloy na nanggagatas ng regresibong buwis tulad ng Value Added Tax (VAT) sa maralitang mamamayan, walang kahiya-hiyang nagpapakasasa sa nakaw na pera at nakikinabang sa pinoprotektahan nilang sistematikong korapsyon sina Marcos Jr, Sara Duterte, at mga kroni nito.

Wala ni katiting sa adyenda ni Sara Duterte at kahit ni Marcos Jr. na isulong ang interes ng masang kababaihan, sapagkat ang pagkamit ng demokratikong interes ng mamamayan ay pagbagsak naman ng inaalagaan nilang kapangyarihan.

Sa ganitong punto, pinapatunayan lamang ng rehimeng US-Marcos Jr. at ni Sara Duterte na walang aasahan ang masang anakpawis sa gobyerno dahil patuloy itong pinaghaharian ng iilang gahaman na sila lang ding nagpapatupad ng kani-kanilang mga interes. Kaya't walang ibang tutunguhin ang masang kababaihan kung hindi pakikiisa sa malawak na hanay ng mamamayang nakikibaka upang magpatalsik ng korap at traydor sa taumbayan sina Marcos Jr. at Sara Duterte!



Address

Cabuyao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GABRIELA Southern Tagalog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to GABRIELA Southern Tagalog:

Shortcuts

Share