08/10/2026
MAAM/SIR PARA SAAN PO ANG BASURAHAN DOON? - iyan ang tatanungin niyo pag nakita ninyo ang mga bagong collection sacks sa inyong mga classroom this school year. Aminin man, minsan ang tingin natin sa basura ay basura lang talaga. Pero hindi po pala! 👀😱♻️
Ngayong school year na ito, ang mga simpleng papel at PET bottle na madalas nating iwan o itapon nang basta-basta ay may bagong misyon at kailangan namin ng inyong tulong para dito! 🌱
Say hello sa ating 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 3𝙎: 𝙋𝘼𝙋𝙀𝙍 & 𝙋𝙀𝙏 𝘽𝙊𝙏𝙏𝙇𝙀 𝙍𝙀𝘾𝙊𝙑𝙀𝙍𝙔 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 ng YES-O ng Cabuyao Integrated National High School! 🏫✨
𝙎𝙤𝙧𝙩 𝙏𝙤𝙙𝙖𝙮, 𝙎𝙖𝙫𝙚 𝙏𝙤𝙢𝙤𝙧𝙧𝙤𝙬 yan ang tema, at bawat classroom ay may pagkakataong makiisa!
Simple lang po ang mechanics natin: tuwing Biyernes, titimbangin at itatala ng ating mga YES-O officers ang naipong papel at PET bottles ng bawat classroom. Ang klaseng may pinakamataas na naitalang kokeksyon buwan-buwan ay makakatanggap ng Certificate of Recognition, at sa katapusan ng proyekto, ang pinakamataas sa lahat ay bibigyan pa ng mga gamit na makakatulong sa pag-aaral! 🏆📚
Isang maliit na hakbang ninyo, malaking tulong na para sa kalikasan. 🌍💚 Kaya't sa susunod na makakita kayo ng basurang papel o bote ay huwag nang magdalawang-isip pa, 𝒔𝒐𝒓𝒕 𝒎𝒖𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒕𝒂𝒑𝒐𝒏!
✍️Vaughn Kelvin Bismonte
🎨Lara Ysabelle Refrea