The Lokal PH

Directions

The Lokal PH Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Lokal PH, Cabuyao.

27/06/2026

3 SUSPEK, SUGATAN SA BARILAN SA NLEX TOLL PLAZA SA BOCAUE, BULACAN

Tatlong hinihinalang sangkot sa robbery ang sugatan matapos ang engkwentro ng mga pulis at mga suspek sa NLEX toll plaza sa Bocaue, Bulacan noong Biyernes, Hunyo 26, 2026.

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad matapos iugnay ang mga suspek sa sunod-sunod na insidente ng nakawan. Nagpaputok umano ang mga suspek sa mga pulis na rumesponde kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

🎥 Dhessarie Tirona Lacia

27/06/2026

Dalawang kuya, inilikas ang mga nakababatang kapatid matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Gensan

Makikita sa CCTV footage sa General Santos City ang mabilis na pag-aksyon ng dalawang magkapatid na lalaki nang maramdaman ang magnitude 6.6 na lindol nitong Biyernes, Hunyo 26, 2026.
Sa video, agad nilang inakay palabas ng bahay ang kanilang mga nakababatang kapatid habang yumanig ang paligid dahil sa pagyanig.
Ayon sa ulat, ang lindol ay naitala malapit sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental at naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao.

📹 Honey Jean Alterado Banse

07/06/2026

Anihan @ 40 : A milestone of harvesting dreams.
A benefit lunch and thanksgiving celebration

MGA SENADOR AT CONGRESSMAN NA TUMANGGAP NG MALETA, PINANGALANAN‼️Ayon sa 18 ex-Marines sa ginawang Senate Blue Ribbon he...
04/06/2026

MGA SENADOR AT CONGRESSMAN NA TUMANGGAP NG MALETA, PINANGALANAN‼️

Ayon sa 18 ex-Marines sa ginawang Senate Blue Ribbon hearing ng Cayetano Bloc, kabilang sa diumanoy mga Senador at Congressman na pinadalhan ng male-maleta at paper bag na pera ay ang mga sumusunod

Sen. Tito Sotto
Sen. Erwin Tulfo
Sen. Loren Legarda

Rep. Sandro Marcos
Rep. Terry Ridon
Rep. Gerville Luistro
Rep. Benny Abante
Rep. Zia Adiong
Rep. Jose Alvarez
Former Rep. Ace Barbers
Rep. Joel Chua
Former Rep. Dan Fernandez
Former Rep. Arlene Brosas
Rep. Janette Garin
Former Rep. Raoul Manuel
Former Rep. Stella Quimbo
Rep. Leila Delima
Rep. Jayjay Suarez

Binanggit din nila si Fr. Flavie Villanueva bilang isa sa mga pinadalhan ng naturang maleta.

📷 Sen. Alan Peter Cayetano

The Sandiganbayan 5th Division has issued a warrant of arrest against Jinggoy Estrada over a plunder case involving alle...
01/06/2026

The Sandiganbayan 5th Division has issued a warrant of arrest against Jinggoy Estrada over a plunder case involving alleged kickbacks amounting to ₱573 million from government flood control projects.
The charge was filed by the Office of the Ombudsman, which accused Estrada and several co-respondents of receiving illegal commissions from Department of Public Works and Highways (DPWH) projects.
Plunder is a non-bailable offense when evidence of guilt is deemed strong. Further details are expected as court proceedings continue.

28/05/2026
22/05/2026

PANOORIN : Sumabog ang isang umano’y pagawaan ng paputok sa Purok 1, Brgy. Butong, Cabuyao nitong Biyernes ng hapon, Mayo 22, 2026.

Ayon sa mga residente, naramdaman umano ang malakas na pagyanig sa mga kalapit na lugar dahil sa lakas ng pagsabog.

Idineklara namang fire out ng Bureau of Fire Protection - Cabuyao ang sunog bandang 7:08 ng gabi. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na ulat hinggil sa posibleng bilang ng mga nasawi o nasugatan.

Personal ding nagtungo sa lugar si Mayor Dennis Denha Hain upang alamin ang sitwasyon kasunod ng insidente.

Video Credit: German Jerry via 929 Fire & Rescue Volunteer

08/05/2026

: BINI kinantahan si Aquino sa kanyang kaarawan

Binigyan ng birthday serenade ng P-pop group na BINI si Senador Bam Aquino sa kanilang pagbisita sa Senado nitong Miyerkules, kasabay ng courtesy call at pagkilala sa kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival.

Sa simpleng programa sa loob ng Senado, inawitan ng grupo ang senador ng birthday song habang nakisayaw ito bilang bahagi ng selebrasyon. Ang courtesy visit ay isinagawa kasabay ng pagbibigay-pugay sa kanilang international milestone bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa naturang music festival.

Dumalo rin ang grupo sa plenary session kung saan pormal nilang tinanggap ang kopya ng Senate Resolution No. 370 na inakda ni Aquino bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa international stage matapos ang kanilang performance sa Coachella.

Ang BINI ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.

07/05/2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 chemo treatment at 25 kilo ng bigas kada buwan para sa cancer patients! 🎗️
Pinasinayaan ni Gob Sol Aragones ang pangatlong libreng Chemotherapy Center sa Laguna sa Bay District Hospital na may 20 machines at kayang magsilbi ng 40–60 pasyente kada araw.

07/05/2026

MODERNO AT MAS MALAKING PASSENGER TERMINAL NG Port of Lucena, MALAPIT NANG BUKSAN

LUCENA CITY — Malapit nang pormal na buksan ang bagong passenger terminal building (PTB) ng Port of Lucena sa Quezon, na inaasahang magpapagaan at magpapaganda ng karanasan ng mga pasahero at turista sa pantalan.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, ang bagong pasilidad ay idinisenyo upang maging mas moderno at mas maluwag, na may tinatayang 1,000 seating capacity para kayang tumanggap ng mas maraming pasahero.

Layunin ng proyekto na mapahusay ang serbisyo sa transportasyon sa rehiyon at suportahan ang paglago ng turismo hindi lamang sa Lucena kundi pati na rin sa mga karatig-bayan sa Quezon province.

Sa pamamagitan ng mas maayos at makabagong pasilidad, inaasahang mas magiging episyente ang daloy ng mga pasahero at mas mapapalakas ang konektibidad ng mga pantalan sa Southern Luzon.

📹 DOTR / FACEBOOK PAGE

Address

Cabuyao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Lokal PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share