12/05/2025
SAN PEDRO, LAGUNA- Ang kwento o salaysay na nais ipakita ng nagsumite sa larawang ito ay ang implikasyon ng impluwensiya ni Jose Rizal sa ating kalayaan bilang Pilipino. Naniniwala siya na ang kalayaan natin ay hindi dapat ginagamit sa basta-bastang pagpili , kundi dapt maging mapanuri sa ating mga desisyon. Bilang mga mamamayan, ito ay dapat nating gawin, lalo na pagdating sa mga mahahalagang kaganapan tulad ng eleksyon.
Dahil nakapag-aral at nagkaroon ng malawak na pag-unawa si Jose Rizal, nabuksan ang kaniyang kamalayan sa pang-aabuso at katiwalian na dinanas ng kaniyang mga kababayan, na siyang ginamit niya upang ipaglaban ang bayan. Ngayon, bilang mga edukadong mamamayan, tungkulin nating maging mapanuri at responsable sa pagpili ng mga pinunong iluluklok sa puwesto, sapagkat sa kanilang mga kamay nakasalalay ang direksyon at kinabukasan ng ating bansa.