01/05/2026
Sa araw na ito, kinikilala at pinaparangalan ng ating church ang dedikasyon, sipag, at sakripisyo ng bawat isa sa inyo. Ang inyong tapat na paghahanapbuhay ay hindi lamang nagtataguyod sa inyong mga pamilya, kundi isang mahalagang bahagi rin sa patuloy na pag-unlad at katatagan ng ating lipunan. Anuman ang inyong propesyon o industriya, kayo ay mga mahahalagang haligi ng ating bayan.
Bilang mga mananampalataya, tayo ay tinatawag na gawin ang ating mga tungkulin nang may kahusayan, integridad, at katapatan, na iniaalay ang bunga ng ating paggawa bilang paglilingkod sa Diyos.
"Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men,"
โ Colossians 3:23 (ESV)
Dalangin namin na patuloy na pagpalain ng Panginoon ang inyong mga kamay, pagkalooban kayo ng lakas at kalusugan, at ingatan kayo sa inyong mga pinagtatrabahuhan. Nawa'y makita ninyo ang biyaya at layunin ng Diyos sa bawat araw ng inyong paggawa.
Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!