Aksyon Kabataan

Aksyon Kabataan AKSYON KABATAAN

MASDAN MULI:Nagprisinta ang Aksyon Kabataan sa nakaraang "Submission of Requirements" na para sa mga makakatanggap Educa...
26/09/2022

MASDAN MULI:
Nagprisinta ang Aksyon Kabataan sa nakaraang "Submission of Requirements" na para sa mga makakatanggap Educational Assistance. Ito ay pinangunahan ni SK Councilor John Paulo Llarena Alforja kasama ang kanyang KKM o Kilos Kabataan Movement officers at pati ang mga STK Mamatid Nayon volunteers.

Taos pusong pasasalamat ang ating ibinigay sa Duterte Youth Partylist at maging kay Kuya Mike Suarez Cardema dahil sa magandang proyektong ito.

Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng tumulong at nakibahagi para maging matagumpay ang programa.

Buong pusong pasasalamat
Gov. Ramil L. Hernandez
Gong. Ruth Mariano Hernandez
Sir. Richard Mariano
Hon. Wanda Alimagno
Ma'am Theresa Ramos - MES Principal

PAALALA: Dahil sa Bagyong Karding, sumasailalim ang mga bayan ng AURORA, NUEVA ECIJA, BULACAN, RIZAL, PAMPANGA, MANILA, ...
25/09/2022

PAALALA:
Dahil sa Bagyong Karding, sumasailalim ang mga bayan ng AURORA, NUEVA ECIJA, BULACAN, RIZAL, PAMPANGA, MANILA, at LAGUNA sa TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL no. 4.

Magdudulot ito ng malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Pinapayuhan ang lahat na magingat, magimbak ng pagkain, at malinis na tubig. I-charge ang mga di-kuryenteng kagamitan dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng power interuption.

Bantayan ang sarili, pamilya, kaibigan, at mga minamahal. Sama-sama po tayong manalangin na malagpasan po natin ito ng ligtas. Salamat po.

For more updates, visit:
www.pagasa.dost.gov.ph/
www.ndrrmc.gov.ph/
www.gmanews.tv/

TINGNAN: "Yung kahit alam naten na walang wala den tayo, pero sa mga gantong maliit na bagay nakatulong tayo" - John Dip...
24/09/2022

TINGNAN:
"Yung kahit alam naten na walang wala den tayo, pero sa mga gantong maliit na bagay nakatulong tayo" - John Dipalac

Hinangaan ang kabayanihang pinakita ni Jhon Dipalac matapos ang kanyang pamimigay ng libreng mga Kuwaderno/Notebook sa mga bata ng Mamatid. Sari-sari ang magagandang kumento at papuri ang kanyang natanggap mula sa mga nakatanggap ng mga notebooks. Maging ang kanyang mga kaibigan ay humanga at nagbigay ng pagbati at mga magagandang kumento.

Napukaw din ng naturang post ang pansin ng dating Konsehala ng Calamba na si Ms. Gigi Alcasid, Kon Fritz Pastolero Antioquia ng barangay Mamatid, at Mamatid SK Councilor Hon. John Paulo Llarena Alforja. Sila rin ay napahanga at nagabot ng kanya kanyang pagbati.

Masdan muli ang pinairal na bolunterismo ng lupon ng mga kabataan sa pangunguna ni John O. Dipalac at kanyang mga kabali...
21/09/2022

Masdan muli ang pinairal na bolunterismo ng lupon ng mga kabataan sa pangunguna ni John O. Dipalac at kanyang mga kabalikat na sina Frederick Cabrera, Jhuna Delle Sanchez, Rozz Asriel Abordo, Wilson Perdon, Jholo Tubillo, Angel Dela cruz, Jonathan Alabanza, at Jessie Vhoy Plata sa nakaraang Brigada Eskwela 2022 "Tugon sa hamon ng ligtas balik-aral" ng Mamatid Elementary School.

Kaisa ang samahang STK o Serbisyong Tama Kababaihan ng Mamatid Nayon na pinangunahan ni Mrs. Mercy Alforja at maging ang opisyales ng KKM o Kilos Kabataan Movement na pinamunuan ng kanilang pangulo at Mamatid SK Councilor Hon. John Paulo Llarena Alforja.

Muli, taos pusong pasasalamat at naniniwalang lagi't lagi para sa kabataan at Barangay Mamatid.



Address

Brgy Mamatid
Cabuyao
4025

Telephone

+639925159240

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aksyon Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share