27/08/2026
Kabataang Kabyaw, naritong muli ang LINGGO NG KABATAAN!
Ngayong 2026, isang makabuluhang selebrasyon ng Kabataang Kabyaw ang muling isasagawa ngayong Setyembre 5-6 sa pangunguna ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Bayan ng Cabiao, Nueva Ecija katuwang ang Cabiao Local Youth Development Office.
Sa temang โYouth Advancing Multilateral Cooperation through Technology and Partnerships,โ bibigyang-diin ngayong taon ang mahalagang papel ng teknolohiya at kolaborasyon sa pagbuo ng mas matatag, inobatibo, at konektadong komunidad.
Magsasama-sama ang mga kabataan mula sa iba't ibang barangay, paaralan, at youth organization upang magkaisa at matuto sa paggamit ng teknolohiya nang responsable, ligtas, at etikal para sa kabutihan at pag-unlad ng ating komunidad.
Tara naโt makiisa! Sama-samang ipagdiwang ang Linggo ng Kabataang Kabyaw 2026โlinggo ng teknolohiya, ugnayan, at sama-samang pagkilos para sa makabagong bukas! ๐ช๐ต๐ญ