Tanglaw - Kabyaw

Tanglaw - Kabyaw Tanglaw (tang·láw), a derived Filipino term for illuminate, to serve light to one’s path.

Sa gitna ng init at sakripisyo ngayong Semana Santa, sama-sama tayong magbigay ginhawa sa bawat naglalakbay. 🙏💙Ang Tangl...
03/04/2026

Sa gitna ng init at sakripisyo ngayong Semana Santa, sama-sama tayong magbigay ginhawa sa bawat naglalakbay. 🙏💙

Ang Tanglaw Kabyaw Volunteers ay nag-aalok ng LIBRENG TUBIG para sa ating mga kapatid na deboto at manlalakbay. Isang simpleng handog na may malaking malasakit. 💧✨

Tara, makiisa at magbahagi ng kabutihan ngayong Semana Santa. Dahil sa bawat patak ng tubig, may kasamang pag-asa at pagmamahal. 🤍

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng TANGLAW-KABYAW sa lahat ng indibidwal, organisasyon, at institusyong naging ba...
21/01/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng TANGLAW-KABYAW sa lahat ng indibidwal, organisasyon, at institusyong naging bahagi ng matagumpay na pagsasakatuparan ng Outreach Program 2025: Pamaskong Saya para sa mga Magsasaka. 🌾

Ang programang ito ay isinagawa bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga magsasaka sa patuloy na pag-unlad ng komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at diwa ng bayanihan, naihatid natin hindi lamang ang mga pamaskong handog, kundi pati ang mensahe ng malasakit, paggalang, at pagkakaisa.

Lubos naming pinahahalagahan ang tiwala at suportang ipinagkaloob ng aming mga sponsors, donors, volunteers, at partners. Nananatili ang aming paninindigan sa maayos, responsable, at malinaw na pamamahala ng mga pondong ipinagkatiwala sa amin. Ito ay bahagi ng aming layuning mapanatili ang kredibilidad ng organisasyon at ang patuloy na tiwala ng komunidad na aming pinaglilingkuran.✨

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

Sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, dala natin ang pag-asa, pagkakaisa, at liwanag. Nawa’y patuloy tayong maging tangla...
31/12/2025

Sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, dala natin ang pag-asa, pagkakaisa, at liwanag. Nawa’y patuloy tayong maging tanglaw sa isa’t isa.

Maligayang Bagong Taon mula sa Tanglaw Kabyaw ✨

Isang maagang Pasko para sa ating mga bayani ng bukid! 🎄🚜Sa ilalim ng programang Tanglaw Kabyaw: Paskong Saya para sa mg...
22/12/2025

Isang maagang Pasko para sa ating mga bayani ng bukid! 🎄🚜

Sa ilalim ng programang Tanglaw Kabyaw: Paskong Saya para sa mga Magsasaka, muli tayong nagbuklod upang maghatid ng ngiti at pag-asa. Walang hanggang pasasalamat sa ating mga sponsors at volunteers na nagsilbing instrumento ng biyaya.

Higit sa lahat, salamat sa ating mga magsasaka na patuloy na nagpapakain sa bansa. Kayo ang tunay na liwanag ng ating komunidad. 🌟

Sama-sama tayo sa bawat hakbang, sa bawat anihan, at sa bawat pagdiriwang.

As of 4:00 PM, December 19, your generosity has helped us raise ₱64,579 in cash donations and provide 30 health kits con...
19/12/2025

As of 4:00 PM, December 19, your generosity has helped us raise ₱64,579 in cash donations and provide 30 health kits containing essential medicines and supplies. Each contribution brings us closer to delivering comfort, care, and joy to our hardworking farmers this Christmas season.

Thank you for being our tanglaw, a true light of hope and compassion. Together, we are making this Kapaskuhan more meaningful for our local farmers. 💚

Maging Tanglaw ngayong Kapaskuhan. ✨🌾Sa diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa, inilulunsad namin ang Pamaskong Saya para sa...
19/12/2025

Maging Tanglaw ngayong Kapaskuhan. ✨🌾

Sa diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa, inilulunsad namin ang Pamaskong Saya para sa mga Magsasaka, isang munting handog ng pasasalamat at pag-asa para sa ating mga magsasakang patuloy na nagbubungkal ng lupang pinanggagalingan ng ating kabuhayan.

Sa pamamagitan ng inyong monetary at in-kind donations, sama-sama nating mapaparamdam na sila ay pinahahalagahan at hindi nakakalimutan, lalo na ngayong panahon ng Pasko. Ang bawat ambag ay nagiging liwanag, saya, at lakas para sa kanilang mga pamilya.

Para sa mga nagnanais makibahagi, mag-message lamang sa aming FB Page.

Ito na po ang huling mga araw ng pagtanggap ng donasyon.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa sa pagbibigay-liwanag ngayong Kapaskuhan. 🌟

BE PART OF US! 🌟The Tanglaw – Kabyaw Outreach Program is looking for passionate volunteers ready to serve and make a dif...
15/12/2025

BE PART OF US! 🌟

The Tanglaw – Kabyaw Outreach Program is looking for passionate volunteers ready to serve and make a difference in the community. Join us as we share time, effort, and compassion through meaningful outreach activities.

🗓 Outreach Date: December 21
👥 Who can join: Ages 16–30 years old

Your willingness to help can bring hope, joy, and light to others.
Volunteer today and be a catalyst for positive change. ✨

REGISTER NOW
https://forms.gle/CFhyKzUzmdupYgtz9
https://forms.gle/CFhyKzUzmdupYgtz9
https://forms.gle/CFhyKzUzmdupYgtz9

14/12/2025

Malapit na tayo maghatid ng saya! 🎄🌾

Ngayong kapaskuhan, sama-sama nating iparamdam ang pagmamahal at pasasalamat sa ating mga magsasaka na patuloy na naglilingkod para sa ating lahat. Isang munting handog, malaking ngiti, at mas makabuluhang Pasko ang ating layunin.

💌 Para sa mga nais magbahagi at magpaabot ng biyaya, mag-message lamang po sa amin!

Pamaskong Saya para sa mga Magsasaka! 💚Sa bawat butil ng bigas ay may kwento ng sipag ng magsasaka—at ngayong Pasko, tay...
09/12/2025

Pamaskong Saya para sa mga Magsasaka! 💚

Sa bawat butil ng bigas ay may kwento ng sipag ng magsasaka—at ngayong Pasko, tayo naman ang maghahandog ng kwento ng pag-asa. Sama-sama tayong magbigay-ligaya at maghatid ng liwanag sa mga kamay na nagbibigay-buhay sa ating hapag-kainan.

Tayo na! Maging bahagi ng Pasko ng pag-asa. Isang munting donasyon mula sa’yo, malaking biyaya para sa magsasaka. Huwag palampasin ang pagkakataong magbigay-saya ngayong Kapaskuhan!

Kung nais mag-donate at magbigay, makipagunayan lamang po sa aming FB Page o kaya naman sa aming donation channel.

Maraming Salamat! Nawa'y maging tanglaw tayo ngayong pasko! 💛

Hindi nila hiningi maging iba. Pero hinihingi nilang ituring na pantay. ✊Patuloy na Makikibeki—ipasa ang SOGIE Bill ngay...
28/06/2025

Hindi nila hiningi maging iba. Pero hinihingi nilang ituring na pantay. ✊

Patuloy na Makikibeki—ipasa ang SOGIE Bill ngayon na!

🌈

Kabataan, may bilang ka!Kaya sa darating na halalan, hinihikayat ng Tanglaw Kabyaw ang bawat kabataan: bumoto tayo. Huwa...
11/05/2025

Kabataan, may bilang ka!

Kaya sa darating na halalan, hinihikayat ng Tanglaw Kabyaw ang bawat kabataan: bumoto tayo. Huwag tayong manahimik, huwag tayong magbulag-bulagan. Ang boto mo ay tinig ng pagkilos, at bawat boto ay hakbang patungo sa mas makatao, makatarungan, at makabuluhang lipunan.

Muli't muli, ikaw ang liwanag ng pagbabago. 💚

Link to Precint Finder:
https://tinyurl.com/2v7vajhm
https://tinyurl.com/2v7vajhm
https://tinyurl.com/2v7vajhm

Address

Cabiao
3107

Telephone

+639691582591

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanglaw - Kabyaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tanglaw - Kabyaw:

Share