06/07/2026
Sa lahat ng manlalaro at mga residente ng Barangay Bagong Silang,
Ipinababatid po namin na ang Bagong Silang Inter-Purok Basketball League 2026 ay opisyal nang kinansela dahil sa pagtutol ng ilang miyembro ng Sangguniang Barangay (Barangay Kagawad).
Ayon sa kanilang naging dahilan, may pasok na ang mga estudyante at panahon na rin ng tag-ulan. Sa kabila nito, nais sana ng mga organizers na maituloy ang liga dahil naniniwala silang maaari pa rin itong maisagawa nang maayos.
Lubos naming nauunawaan ang inyong pagkadismaya at panghihinayang, lalo na sa lahat ng naglaan ng oras, pagod, at suporta para sa liga. Hindi naging madali ang desisyong ito, ngunit minabuti naming igalang ang kasalukuyang sitwasyon.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta. Umaasa kaming muling maidaos ang liga sa tamang panahon at may buong pagkakaisa ng ating komunidad.