Quirinian Students' Organization - QSU Cabarroguis Chapter

Directions

Quirinian Students' Organization - QSU Cabarroguis Chapter The Official page of Quirinian Students' Organization - QSU Cabarroguis Chapter β€” A YORP-Registered Organization

Ating Kilalanin ang mga Lider ng CABataan!Ipinapakilala natin ang Quirinian Students’ Organization – Quirino State Unive...
08/09/2026

Ating Kilalanin ang mga Lider ng CABataan!

Ipinapakilala natin ang Quirinian Students’ Organization – Quirino State University Cabarroguis Chapter Officers para sa Academic Year 2026–2027β€”isang pangkat ng mga CAbataang handang manguna, makinig, makiisa, at higit sa lahat, maglingkod para sa kapwa CABataan.

Chapter Officers
Adviser: Princess Reinadel Alejandro
Student Adviser: Blessie Zywrel Gurat
President: Kyrth Justine Laitan
Vice President: Cristan Bagay
Secretary: Karen Mae Gagarin
Treasurer: Julianne Bay-an
Auditor: Gidalyn Evangelista
Public Relations Officer: Ryza Laitan
Business Managers: Klyne Vincent Macato & Danilo Bondoc
Multimedia Creatives: Franklin Yarcia & Janna Claudine Flores

College Representatives
BSCE: Rodalyn Balledo
BSBA: Vanessa Abar
BSMATH: Leoby Santos
BEED: Lyka Aguinaldo
BAELS: A***n Barba
BSHM: Joel Mendoza
BSCS: Lady Rhicksy Heart CariΓ±o

Sa bagong yugto ng pamumuno, bitbit ng bawat opisyal ang isang malinaw na paninindigan: ang tunay na lider ay hindi lamang nauunaβ€”siya ay nakikinig, kumikilos, at nagsisilbi.

Katuwang ang bawat CABataan, layunin nating maisulong ang makabuluhan, inklusibo, at makabuluhang mga proyekto, programa, at aktibidad na tutugon sa pangangailangan at potensyal ng mga CABataang Quirinians.

Isang bagong liderato. Isang mas matibay na pagkakaisa. Isang layuninβ€”para sa CABataan, kasama ang CABataan.

Magandang balita para sa ating CABataang Quirinians!  Opisyal nang BUKAS ang registration para sa First Semester Educati...
08/09/2026

Magandang balita para sa ating CABataang Quirinians!

Opisyal nang BUKAS ang registration para sa First Semester Educational Assistance sa ilalim ng I Love Quirino Cares: Bantay Edukasyon Program, para sa mga mag-aaral ng Quirino State University – Cabarroguis Campus.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mabigyan ng suporta ang mga kabataang Quirinian sa kanilang pag-aaral at makatulong sa kanilang pagpapatuloy tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

MAHALAGANG PAALALA:
Bago sagutan ang registration form, mangyaring basahin at unawaing mabuti ang lahat ng panuto. Huwag magmadali sa pagsagot upang maiwasan ang pagkakamali at pagkaantala sa proseso.

β€”LAHAT NG SAGOT AY DAPAT NASA UPPERCASE.
β€”Piliin ang iyong tamang kurso/programa.
β€”Sa YEAR LEVEL, ilagay ang iyong kasalukuyang year standing para sa Academic Year.
β€”Ang PCN ay tumutukoy sa iyong National ID Number.
β€”HUWAG MAG-ABBREVIATE. Isulat nang buo at kumpleto ang kinakailangang impormasyon.

PAALALA: Ang incomplete, mali, o hindi wastong pagkakakumpletong impormasyon ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa validation at processing ng application.

Mag-register dito:
https://forms.gle/v7UTK2jLnhywVkqv7
https://forms.gle/v7UTK2jLnhywVkqv7
https://forms.gle/v7UTK2jLnhywVkqv7

The Quirinian Students’ Organization – Quirino State University Cabarroguis Chapter (QSO-QSUC) successfully conducted Pr...
05/09/2026

The Quirinian Students’ Organization – Quirino State University Cabarroguis Chapter (QSO-QSUC) successfully conducted Project HERO at the Capitol Plaza Hotel & Restaurant, Capitol Hills, bringing together young people in a meaningful day of fitness, environmental action, leadership development, and youth empowerment.

The activity opened with a Fun Run and Walkathon cm Project SINOP+, held at the Quirino Tourism Sports Complex, where participating CABataan took part in a community-centered initiative that combined physical wellness with environmental responsibility. Participants traversed the designated route from the Sports Complex through the Provincial Government’s Office area, Barangay San Marcos Hall, Cabarroguis Public Market, and Petron Cabarroguis, while contributing to the collection of waste along the route.

The organization extends its deepest gratitude to the Barangay Local Government Unit of San Marcos, through the leadership of Hon. Lorna D. Gurat, for its assistance, cooperation, and full support in ensuring the safe and successful conduct of the Fun Run cm Project SINOP+. Their partnership demonstrated the importance of strong local government–youth collaboration in advancing community-based initiatives.

Following the morning activities, Project HERO proceeded with its opening program and afternoon forum, which featured relevant discussions on pressing issues affecting the youth and the community.

Among the highlights was the session β€œFrom Conflict to Community: Addressing Youth Violence in Schools,” facilitated by PMAJ Joel P. Guinobang, Chief of the Cabarroguis Police Station. The discussion emphasized the role of young people in promoting peaceful and safe school communities.

The forum also tackled youth leadership and mental health through the session β€œBreaking the Silence: Youth Leadership and Mental Health,” facilitated by Chariz Lionor Bangi, RPM, a Guidance Advocate from Quirino State University. The session encouraged participants to recognize the importance of mental well-being, responsible leadership, and creating supportive spaces where young people can speak, listen, and seek appropriate support.

Adding creativity and healthy competition to the program were the Pagkilala sa Cahusayan ng CABataan, Poster and Slogan Making Contest, and Tagisan ng Talino, which provided participants with avenues to showcase their knowledge, creativity, teamwork, and leadership potential.

Project HERO served not merely as a one-day gathering but as a platform for the CABataan to recognize their role in building safer, more responsible, environmentally conscious, and empowered communities. Through its integrated approach to health, environmental stewardship, peace, leadership, and youth development, the project demonstrated that meaningful youth participation can translate into concrete community action.

The successful conduct of Project HERO was made possible through the collective efforts of the QSO-QSUC Chapter Officers, partners, volunteers, resource persons, participating CABataan, and supporting institutions whose commitment helped turn the initiative into a meaningful and impactful undertaking.

Project HERO reminds us that being a CABataan means more than being heardβ€”it means standing up, taking action, serving the community, and becoming a hero in ways that create lasting change.

04/09/2026

POV: Random CABataan dancing infront waiting for Educational Assistance

Stay tuned for more updates!

01/09/2026

Project HERO | August 31

In full support of the Provincial Government of Quirino under the leadership of Gov. Dakila Carlo E. Cua & Congw. Midy N. Cua

In partnership with:
UNO Roverino Community Rover Scouting Circle 906
Barangay Local Government Unit of San Marcos under the leadership of Hon. Lorna Gurat
Philippine National Police - Cabarroguis Police Station
QSU Cabarroguis Campus Guidance Office
Supreme Student Council Society of the Philippines - Quirino Chapter
Boy Scouts of the Philippines - Quirino Council
Girl Scouts of the Philippines - Quirino Council
Partner Organizations from Diffun National High School, Cabarroguis National School of Arts & Trades, Quirino General High School
QSO-QSUC Chapter Members

Disclaimer: No copyright infringement intended. Music used belong to its rightful owner.

31/08/2026

Project HERO Fun Run: Wrong Outfit Challenge | August 31

25/08/2026

CABataang Quirinian, Address Check!

POV: Biglang naging residente ka kasi may educational assistance.

CABataan, make sure na tama at updated ang iyong information para smooth ang processing ng educational assistance requirements.

At baka mamaya, ikaw na ang palitan niya.

24/08/2026
𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’ˆπ’•π’‚π’•π’‚π’π’Šπ’Ž π’π’ˆ 𝑷𝒖𝒏𝒍𝒂 π’‰π’‚π’π’ˆπ’ˆπ’‚π’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆπ’‰π’‚π’‰π’‚π’•π’Šπ’… π’π’ˆ π‘΄π’‚π’π’‚π’”π’‚π’Œπ’Šπ’•: 𝑸𝑺𝑢𝑸𝑺𝑼π‘ͺ π‘°π’”π’Šπ’π’–π’π’π’π’ˆ π’‚π’π’ˆ π‘΄π’‚π’Œπ’‚π’ƒπ’–π’π’–π’‰π’‚π’π’ˆ 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 π‘Ίπ’†π’“π’—π’Šπ’„π’† 𝒔𝒂 π‘©π’‚π’šπ’‚π’ ...
23/08/2026

𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’ˆπ’•π’‚π’•π’‚π’π’Šπ’Ž π’π’ˆ 𝑷𝒖𝒏𝒍𝒂 π’‰π’‚π’π’ˆπ’ˆπ’‚π’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆπ’‰π’‚π’‰π’‚π’•π’Šπ’… π’π’ˆ π‘΄π’‚π’π’‚π’”π’‚π’Œπ’Šπ’•: 𝑸𝑺𝑢𝑸𝑺𝑼π‘ͺ π‘°π’”π’Šπ’π’–π’π’π’π’ˆ π’‚π’π’ˆ π‘΄π’‚π’Œπ’‚π’ƒπ’–π’π’–π’‰π’‚π’π’ˆ 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 π‘Ίπ’†π’“π’—π’Šπ’„π’† 𝒔𝒂 π‘©π’‚π’šπ’‚π’ π’π’ˆ π‘ͺπ’‚π’ƒπ’‚π’“π’“π’π’ˆπ’–π’Šπ’”

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng makabuluhang pakikilahok ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan at paglilingkod sa komunidad, nakiisa ang Quirinian Students’ Organization – Quirino State University Cabarroguis Chapter (QSO-QSUC) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Banuar Eco Park, Banuar, Cabarroguis, Quirino noong Agosto 22, 2026.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Municipal Youth Development Office, sa pamumuno nina Ma’am Karen Mae Paras, YDO III, at Hon. Ivy O. Inhumang, PPSK/LYDC President, na naglalayong hikayatin ang kabataan na maging aktibong katuwang sa pangangalaga ng kapaligiran at pagsusulong ng mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng luntiang kinabukasan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga Chapter Officers ng QSO-QSUC, naipamalas ang diwa ng bolunterismo at responsableng pamumuno ng kabataan. Ang simpleng pagtatanim ng mga punla ay nagsilbing konkretong pagpapakita na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang sama-samang pananagutan na nangangailangan ng patuloy na pagkilos at pakikilahok.

Kasabay ng kanilang pakikiisa sa environmental initiative, isinagawa rin ng Chapter Officers ang Lingap sa CABataan+ sa Bahay Kalinga, Cabarroguis, bilang bahagi ng kanilang commitment sa community service at youth-led volunteerism.

Sa naturang inisyatiba, naghatid ang organisasyon ng school supplies at mga damit para sa mga kabataan at benepisyaryo ng Bahay Kalinga. Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng mga pangunahing pangangailangan, naipakita ng QSO-QSUC ang kahalagahan ng malasakit at pagkilos para sa kapakanan ng kapwa.

Mula sa pagtatanim para sa kalikasan hanggang sa pagbabahagi para sa kapwa, pinatunayan ng QSO-QSUC na ang tunay na diwa ng pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa mga posisyong hawak, kundi sa mga gawaing may konkretong epekto sa komunidad.

Ang magkatuwang na mga inisyatiba ay sumasalamin sa patuloy na paninindigan ng QSO-QSUC na maging kabataang aktibo, responsable, at handang maglingkodβ€”sa pangangalaga ng kalikasan, pagsusulong ng kapakanan ng kabataan, at pagbuo ng isang mas maunlad at malasakit na komunidad.

π‘³π’Šπ’π’ˆπ’‚π’‘ 𝒔𝒂 π‘ͺ𝑨𝑩𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏+ π‘·π’Šπ’π’‚π’π’ˆπ’–π’π’‚π’‰π’‚π’ π’π’ˆ 𝑸𝑺𝑢𝑸𝑺𝑼π‘ͺ, π‘΄π’‚π’•π’‚π’ˆπ’–π’Žπ’‘π’‚π’š 𝒏𝒂 π‘°π’…π’Šπ’π’‚π’π’” 𝒔𝒂 π‘«π’Šπ’”π’”π’Šπ’Žπ’–π’π’ˆπ’‚π’, π‘΅π’‚π’ˆπ’•π’Šπ’‘π’–π’π’‚π’; 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕 𝑩𝑨𝑺𝑨 𝒂𝒕 π’Šπ‘Ίπ‘―π‘¨π‘Ήπ‘¬, 𝑡...
23/08/2026

π‘³π’Šπ’π’ˆπ’‚π’‘ 𝒔𝒂 π‘ͺ𝑨𝑩𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏+ π‘·π’Šπ’π’‚π’π’ˆπ’–π’π’‚π’‰π’‚π’ π’π’ˆ 𝑸𝑺𝑢𝑸𝑺𝑼π‘ͺ, π‘΄π’‚π’•π’‚π’ˆπ’–π’Žπ’‘π’‚π’š 𝒏𝒂 π‘°π’…π’Šπ’π’‚π’π’” 𝒔𝒂 π‘«π’Šπ’”π’”π’Šπ’Žπ’–π’π’ˆπ’‚π’, π‘΅π’‚π’ˆπ’•π’Šπ’‘π’–π’π’‚π’; 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕 𝑩𝑨𝑺𝑨 𝒂𝒕 π’Šπ‘Ίπ‘―π‘¨π‘Ήπ‘¬, π‘΅π’‚π’ˆπ’‰π’‚π’•π’Šπ’… π’π’ˆ π‘¬π’…π’–π’Œπ’‚π’”π’šπ’π’ 𝒂𝒕 π‘Ίπ’†π’“π’ƒπ’Šπ’”π’šπ’π’π’ˆ π‘·π’‚π’π’ˆπ‘ͺ𝑨𝑩𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏

Matagumpay na isinagawa ang Lingap sa CABataan+, tampok ang Project BASA (Numeracy & Literacy Training) at Project iSHARE, noong Agosto 21, 2026 sa Dioryong Integrated School, Dissimungal, Nagtipunan, Quirino.

Isinagawa ang programa sa pangunguna ng Quirinian Students’ Organization – Quirino State University (QSO-QSUC) Cabarroguis Chapter, katuwang ang iba’t ibang partner organizations sa Lalawigan ng Quirino. Layunin nitong maisulong ang makabuluhang community engagement at pagbibigay ng suporta sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga gawaing nakatuon sa pagkatuto, pagbabahagi, at paglilingkod.

Tampok sa programa ang Project BASA, isang Numeracy and Literacy Training na naglalayong makatulong sa pagpapaunlad ng mga pangunahing kasanayan ng mga batang kalahok sa pagbasa, pag-unawa, at numeracy. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na angkop sa kanilang edad at antas ng pagkatuto, naging mas makabuluhan at masigla ang kanilang pagkatuto.

Kasabay nito, isinagawa rin ang Project iSHARE, na nagsilbing daluyan ng pagbabahagi at paglilingkod sa komunidad. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, naipakita ng mga student leaders at partner organizations na ang simpleng pagbibigay ng oras, talento, at suporta ay maaaring maging makabuluhang ambag sa paghubog at pag-unlad ng kabataan.

Naging posible ang matagumpay na pagpapatupad ng programa sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan ng mga stakeholders at partner organizations, na nagkaisa sa adhikaing mailapit ang mga oportunidad at serbisyong makatutulong sa mga kabataan, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta.

Lubos ding kinikilala ang Provincial Government of Quirino, sa buong suporta sa ilalim ng pamumuno nina Gov. Dakila Carlo E. Cua at Congw. Midy N. Cua. Nagpasalamat din ang mga organizers sa patnubay at suporta nina Mr. Jun Vincent M. Alay-ay, Focal Person of YDP and Executive Assistant I, PGO; Mr. Mark Kevein De Asis, QSO Coordinator; Dr. Wilyn S. Marzo, Campus Director, Student Affairs and Services; at Ms. Princess Reinadel Alejandro, Chapter Adviser.

Ang Lingap sa CABataan+ ay patunay na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pagkilos at pakikipagkaisa. Sa pamamagitan ng Project BASA at Project iSHARE, naipakita na ang kabataan ay hindi lamang benepisyaryo ng pagbabagoβ€”sila rin ay mga katuwang at aktibong tagapagtaguyod nito.

Sama-sama para sa edukasyon, malasakit, at makabuluhang paglilingkod sa kabataan.

I Love Quirino!🫰🏻🧑

Address

Cabarroguis

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quirinian Students' Organization - QSU Cabarroguis Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share