CNHS CHEST Club

CNHS CHEST Club Circle of HUMSS Empowered Students (CHEST) Club Official Page

Ano update sainyo ng crush mo? first move kana ulit, this time “Happy New Year” naman‎‎Marami na ba kayong nakuhang ampa...
01/01/2026

Ano update sainyo ng crush mo? first move kana ulit, this time “Happy New Year” naman

‎Marami na ba kayong nakuhang ampaw kay ninong at ninang? PALDO na naman! 🧧✨

‎Happy New Year, everyone! 🎆
‎Bagong taon na, baka gusto mong magbago? MAGBAGO NG SARILI AT HINDI MAGBAGO NANG INIIBIG!

Kidding aside.. New Year isn’t just about changing the year.
It’s a chance to start again.
For us in the Circle of HUMSS Empowered Students, this means new goals, new projects, and more chances to grow together.

As we welcome 2026, let’s leave behind the struggles of last year and move forward with a better mindset the one who's ready to learn, speak up, and support each other.

New Year, New Goals, STILL CHEST.
Happy New Year, everyone! 🤍



🖋️ : Jean Villamin & Keona Jae Sampedro
🖼️ : Ivan Delos Santos Lagmay

December 30 marks Rizal Day—a day to remember Dr. José Rizal, whose courage, intellect, and love for the country ignited...
30/12/2025

December 30 marks Rizal Day—a day to remember Dr. José Rizal, whose courage, intellect, and love for the country ignited the spirit of Filipino nationalism. Through his words and sacrifices, he awakened a nation and reminded us that true freedom begins with awareness, integrity, and love for the people. May his legacy continue to inspire us to stand for truth and serve the country with purpose and compassion.

Mabuhay ka, Dakilang anak ng Bayan 🫡





🖼️: Mark Ivan Lagmay
✍️: Alicia Ashanti Amor Dalisaymo

Congratulations to our 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐫 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐧𝐞 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐓𝐚𝐝𝐞𝐧𝐚 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐬 for passing the Psychometrician Licensure Exam! We’re...
24/11/2025

Congratulations to our 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐫 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐧𝐞 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐓𝐚𝐝𝐞𝐧𝐚 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐬 for passing the Psychometrician Licensure Exam! We’re honestly so proud of you, Ma’am. We know how busy you were, yet you still managed to balance everything. You never stop guiding us you're preparing for your exam. Your hard work and determination really inspire all of us. You showed that with determination you can go far, you've shown us that with hard work and a positive attitude, anything is possible. You're a great role model for all of us, and we're so grateful for your guidance. This achievement is a testament to your dedication and passion. You truly deserve this achievement. We’re excited to see all the new opportunities coming your way. We know you'll use your new skills and knowledge to make a positive impact on so many people. This is a huge accomplishment, and we're honored to celebrate it with you. Once again, congratulations, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐧𝐞 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐓𝐚𝐝𝐞𝐧𝐚

🖋️ : Kristine Sarmiento & Keona Sampedro
🖼️ : Dhevi'anne Dinoso

Oh, zonal meet na pala! Syempre, hindi lang magaling sa pakikisama at pakikipagkapwa ang HUMANISTA, magaling din sila sa...
19/11/2025

Oh, zonal meet na pala! Syempre, hindi lang magaling sa pakikisama at pakikipagkapwa ang HUMANISTA, magaling din sila sa larangan ng sports!

SABAY-SABAY NATIN ITAAS ANG BANDERA NG HUMANISTA!

Wishing all the HUMSS students from 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 the best of luck as they represent our school and municipality, Cabangan, in the Zonal Meet 2025. May your dedication, teamwork, and spirit shine throughout the competition.

Ating suportahan ang ating kapwa Humanista sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong suporta at paghihikayat sa kanila sa bawat laban! Sabay-sabay na humiyaw at pumalakpak para sa mga 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀 na manlalaro!

𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐒 𝐓𝐇𝐄 𝐊𝐄𝐘! 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐊𝐀𝐌𝐈!


Happy Teacher’s Day to all our wonderful teachers! 💐Thank you for your patience, dedication, and the love you put into e...
05/10/2025

Happy Teacher’s Day to all our wonderful teachers! 💐

Thank you for your patience, dedication, and the love you put into everything you do. Every lesson you teach and every word of encouragement you give makes a big difference in our lives.

You inspire us to dream bigger, work harder, and believe in ourselves.
We truly appreciate your efforts and sacrifices, even the ones we sometimes fail to notice.
Today, we celebrate you, not just as teachers, but as our second parents, supporters, and everyday heroes.



🖋️ : Keona Jae D. Sampedro
🖼️ : Caroline Dasig

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐫𝐨! 📚✨Maraming salamat sa lahat ng g**o na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at nagsisilbing...
06/09/2025

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐫𝐨! 📚✨

Maraming salamat sa lahat ng g**o na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at nagsisilbing pangalawang magulang sa amin. Hindi lang kaalaman ang ibinabahagi ninyo, kundi puso at malasakit na nagbibigay inspirasyon sa bawat kabataan. 💐❤️ 𝐊𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧—𝐢𝐥𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐝𝐚𝐬 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐥. 👩‍🏫👨‍🏫



🖋️ : Brandon Cabactulan
🖼️ : Keona Jae Sampedro

Your story isn’t over — keep writing it. 💛This Su***de Prevention Month, let’s remind each other:It’s okay to ask for he...
02/09/2025

Your story isn’t over — keep writing it. 💛

This Su***de Prevention Month, let’s remind each other:
It’s okay to ask for help. It’s okay to not be okay.
You are seen, you are loved, and you matter more than you know. 🌻


🖋️ : Keona Jae Sampedro
🖼️ : Alicia Ashanti Dalisaymo

"Sa Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at ipagdiwang ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong ...
24/08/2025

"Sa Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at ipagdiwang ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Hindi lang sila mga pangalan sa kasaysayan — sila ang paalala na ang tunay na kabayanihan ay nasusukat hindi lang sa digmaan, kundi sa araw-araw na pagkilos para sa kapwa at bayan.

Bilang kabataan, manggagawa, g**o, o mamamayan — bayani ka rin sa bawat makabuluhang gawa. Maging tapat, maging makabayan, at ipagmalaki mong ikaw ay Pilipino. Buhay ang diwa ng ating mga bayani sa puso ng bawat isa sa atin!" 🇵🇭💪




🖋️ : Brandon Cabactulan
🖼️ : Ivan Delos Santos Lagmay & Caroline Dasig

Ipinagdiriwang natin ngayon ang 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨'𝐬 𝐃𝐚𝐲 August, 21-2025Ang kabayanihan ni 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 ay hindi makakalimutan...
21/08/2025

Ipinagdiriwang natin ngayon ang 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨'𝐬 𝐃𝐚𝐲 August, 21-2025

Ang kabayanihan ni 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 ay hindi makakalimutan. Patuloy nating ipaglaban ang demokrasya at katotohanan. Ang pag-alala kay Ninoy Aquino ay hindi lang paggunita sa nakaraan, kundi pagtindig para sa kinabukasan ng ating bayan.



🖋️: Rich Anne Sugue
🖼️ : Ferlyn C. Aguilar & Dhevi'anne Dinoso

Sa alaala ng Ama ng Wikang Pambansa — na hanggang ngayon ay tinig ng ating pagkakaisa.Balikan natin at alalahanin ang na...
19/08/2025

Sa alaala ng Ama ng Wikang Pambansa — na hanggang ngayon ay tinig ng ating pagkakaisa.

Balikan natin at alalahanin ang nagtaguyod sa ating mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa na nakabatay sa Tagalog na kalaunan ay naging Filipino. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa.”

Sa ika-147 na kaarawan ng ating Pangulo na si Manuel L. Quezon, bigyan natin siya ng papuri para sa kanyang kahusayan at sa pagsisikap niya rin para sa kasarinlan ng Pilipinas. Sa kanyang pamumuno, idineklara ang ating sariling wika na siyang nagbigay-kaunawaan sa atin, at kanyang sinabi:

"Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan." —Manuel L. Quezon

Nawa’y ating pahalagahan at mahalin ang ating sariling wika. Ang Filipino ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

At muli, isang papugay kay Manuel L. Quezon — ang ating dating Pangulo at ang Ama ng Wikang Pambansa.





🖋️: Jean Villamin
🖼️: Caroline Dasig

PLAYKASAYSAYAN: Huwag Kalimutan, Ipagpatuloy ang Laban! 🇵🇭Sa likod ng ating kalayaan ay ang dugo, pawis, at buhay na ina...
16/08/2025

PLAYKASAYSAYAN: Huwag Kalimutan, Ipagpatuloy ang Laban! 🇵🇭

Sa likod ng ating kalayaan ay ang dugo, pawis, at buhay na inalay ng ating mga bayani.

Sa darating na Araw ng mga Bayani, matagumpay na ginising ng C.H.E.S.T. Club ang apoy ng nakaraan sa puso ng kabataan sa pamamagitan ng Playkasaysayan. 🎬✨

Hindi lang ito panonood ng pelikula—ito ay panawagan: alamin ang pinagmulan, pahalagahan ang kasalukuyan, at ipaglaban ang kinabukasan.

Kabataan, tayo ang susunod na kabanata ng ating bayan. Sa atin nakasalalay kung mananatiling buhay ang kanilang sinimulan.



🖋️: Alicia Ashanti Dalisaymo
🖼️: Devianne Diñoso

𝐏𝐋𝐀𝐘𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍 2Magandang magandang buhay mga ka 𝐒𝐇𝐒 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭!!Ngayong araw ng 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬 ay ating masasaksihan nanaman ang...
14/08/2025

𝐏𝐋𝐀𝐘𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍 2

Magandang magandang buhay mga ka 𝐒𝐇𝐒 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭!!

Ngayong araw ng 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬 ay ating masasaksihan nanaman ang mga palabas na patungkol sa mga 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧.

Kami ay naririto upang mang anyaya sainyong lahat na makisama sa ating gaganaping 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍 ngayong 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 15! Tayo'y makinig, manood, at mag enjoy sa ating mapapanood, alamin natin kung papaano tayo iniligtas ng ating 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 at 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧.

ang mga nakatakdang manood para sa film viewing:

1. ABM 11
2. ABM 12
3. EIM 12
4. STEM 11
5. STEM 12
6. CAREGIVING 12
7. CAREGIVING 11

Wag mong hayaan na maistorbo ka nang iyong katabi, hampasin mo agad pag inistorbo ka haha este sabihin mo sakanya intindihin niyo pareho ang ating pinapanood.




🖋️ : Keith Ramos
🖼️ : Keona Jae Sampedro

Address

Sta. Rita
Cabangan
2203

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CNHS CHEST Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share