First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development

Directions

First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development, Non-Governmental Organization (NGO), 3rd Street, Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City.

Monitoring of operations of the beneficiaries of Kabuhayan Program of the First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Dev...
16/10/2026

Monitoring of operations of the beneficiaries of Kabuhayan Program of the First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development...

The monitoring is being done by the Cabanatuan City Livelihood and Cooperatives Development Office. The purpose of which is to ensure that the conditions under the signed Pledge of Commitment are met by the associations. Once the conditions are met within the set period, the Deed of Donation and Acceptance for the sewing machines will be executed.

https://www.facebook.com/100063468083996/posts/1376735261118730/?app=fbl

Handog na Proyektong Pangkabuhayan sa isang asosasyon sa Brgy. Macatbong, Cabanatuan CityNoong ika-6 ng Setyembre 2024, ...
16/10/2026

Handog na Proyektong Pangkabuhayan sa isang asosasyon sa Brgy. Macatbong, Cabanatuan City

Noong ika-6 ng Setyembre 2024, bumisita at nakipagpulong ang mga opisyal at miembro ng Macatbong Livelihood Association kasama si Ginang Rose Abay, isang opisyal ng Cabanatuan City Livelihood and Cooperatives Office (CCLCO), sa presidente ng First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (First Nueva Ecija NGO). Sila ay humiling ng mga makina sa pananahi.

Sa pagpupulong na naganap, ang rekomendasyon ng CCLCDO ang nagpatibay upang maaprubahan agad ang nasabing hiling at makasama ang Macatbong Livelihood Association sa mga benipisaryo ng Kabuhayan Program ng First Nueva Ecija NGO.

Ang pagbigay ng tatlong makina sa asosasyon ay itinaon sa okasyon ng graduation, noong ika-19 ng Setyembre 2024, ng mga miembro ng asosasyon na nakatapos ng dressmaking course. At sa pagkatapos ng seremonya ay pumirma sa Pledge of Commitment ang presidente ng asosasyon. Ang Pledge of Commitment ay nagsasaad ng isang kondisyon na mapapasa-asosasyon ang pag-aari ng mga makina kung mapapakita nito na tuluy-tuloy ang operasyon ng asosasyon sa pananahi. Ang CCLCDO naman ang may obligasyon na mag-monitor sa operasyon ng asosasyon at ang magsasabi kung ang mga makina ay dapat ng kunin sa asosasyon sa dahilan na hindi nakatupad ang asosasyon sa kondisyon.

Narito ang mga larawan na kuha sa mga naganap na pagpupulong, graduation, at pirmahan ng Pledge of Commitment.

Nakatugon sa kondisyon ang asosasyon ng mga mananahi sa Magsaysay Sur.Napakita at napatunayan ng Makabagong Modista ng M...
14/10/2026

Nakatugon sa kondisyon ang asosasyon ng mga mananahi sa Magsaysay Sur.

Napakita at napatunayan ng Makabagong Modista ng Magsaysay Sur Association na seryoso sila na magpatuloy at magpalago ng kanilang kabuhayan sa pananahi. Dahil sa natugunan ang kondisyon na nakasaad sa "Pledge of Commitment" na pinirmahan noong Huno 2023, nagpasya ang presidente ng First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (First Nueva Ecija NGO) na mapaaga ang pagbigay o paglipat ng pag-ari ng mga makina.

Noong ika-13 ng Disyembre 2024, dinaos ang pirmahan ng "Deed of Donation and Acceptance" sa pagitan ng presidente ng First Nueva Ecija NGO at ng presidente ng asosasyon. Ang mga saksi sa pirmahan ay ang taga-ingat yaman ng First Nueva Ecija NGO at isang opisyal mula sa Cabanatuan City Livelihood and Cooperatives Development Office.

Link to related write up:
https://www.facebook.com/share/p/1CTcuAQvTc/

AMDG / For the Greater Glory of God




Go ORGANIC Kabukiran:  Ang unang proyekto sa ilalim ng Kalikasan ProgramIka-3 ng Pebrero 2024 nang naghatid ng shedder m...
13/10/2026

Go ORGANIC Kabukiran: Ang unang proyekto sa ilalim ng Kalikasan Program

Ika-3 ng Pebrero 2024 nang naghatid ng shedder machines ang pamunuan at taga-ingat yaman ng Angat Nueva Ecija NGO (ANE NGO) at ng First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (First Nueva Ecija NGO) sa Talavera upang ipamigay sa tatlong asosasyon ng mga magsasaka na napiling benepisaryo ng proyektong "Go ORGANIC Kabukiran".

Ang tatlong asosasyon ng mga magsasaka ay: 1) BAGSIK Farmers Association; 2) San Ricardo United Farmers Association; at 3) KAISAKA Farmers Association.

Kinailangan ang training ng mga representante ng tatlong asosasyon kaya naman noong ika-7 ng Pebrero ito ay dinaos sa tulong ng mga taga Municipal Agriculture ng Talavera. Ang paglunsad naman ng proyekto ay tinakda sa ika-28 ng Pebrero 2024.

Ang Go ORGANIC Kabukiran ay inisyatibo ng First Nueva Ecija NGO sa ilalim ng Kalikasan Program nito, at katuwang nito ay ang ANE NGO. Ang proyekto ay isang pangkabuhayan ng ANE NGO sa ilalim ng Livelihood Program nito. Ito ay isang ng Angat Buhay/Angat Pinas, ANE NGO, First Nueva Ecija NGO (Donor) at ng Peace and Equity Foundation (PEF, ang benefactor). Salamat sa programang Angat Buhay - Angat Bayanihan, nagkaroon ng pag-uugnayan ang mga organisasyon sa PEF upang maisakatuparan ang "pilot project" na "Go ORGANIC Kabukiran".


Pangkabuhayan sa Magsaysay Sur, Cabanatuan CityNoong taong 2023, sa pagpatuloy na pakikipag-ugnayan ng First Nueva Ecija...
13/10/2026

Pangkabuhayan sa Magsaysay Sur, Cabanatuan City

Noong taong 2023, sa pagpatuloy na pakikipag-ugnayan ng First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (First Nueva Ecija NGO) sa Cabanatuan City Livelihood Office upang makahanap ng mga asosasyon o kooperatiba na nangangailangan ng pangkabuhayan, ang isa sa inirekomenda ng Cabanatuan City Livelihood Office ay ang isang asosasyon sa Barangay Magsaysay Sur: ang Makabagong Modista ng Magsaysay Sur. Ang mga miembro ng asosasyon ay nakatapos at marunong ng pananahe, at nangangailangan ng mga makina.

Sa mabilis na pagtugon namin, ng First Nueva Ecija NGO, nagkaroon ng pagpupulong agad-agad at sabay nagpirmahan ng "Pledge of Commitment" noong ika-6 ng Hunyo 2023 sa NGO Center ng aming organisasyon. Sa dokumento ay nagsaad ng kondisyon na kung hindi maipapakita ng asosasyon ang tuluyang paggamit ng mga makina ay ito ay kukunin ng o ibabalik sa First Nueva Ecija NGO upang maibigay ang mga makina sa ibang nangangailangan na mas seryoso sa kabuhayan ng pananahi. Itinalaga ng aming organisasyon ang City Livelihood Office na taga monitor sa operasyon ng asosasyon. Kapag nakapasa sa patuloy na operasyon ng pananahi ang asosasyon, magkakapirmahan na ng "Deed of Donation" upang ang pag-aari ng mga makina ay malipat na sa asosasyon.

Naganap ang pagdala ng mga makina sa lugar ng patahian ng asosasyon noong ika-23 ng Hunyo. At, sa araw din na iyon ay dumaan sa Values Formation and Leaderdhip Training, called Metanoia https://www.facebook.com/share/p/1BtTfYQomr/ , ang mga opisyal at miembro ng asosasyon.

AMDG / For the Greater Glory of God




๐Œ๐„๐“๐€๐๐Ž๐ˆ๐€ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐–๐๐€๐‚๐Š  #14Balik sa Lunsod ng Cabanatuan para sa ika-14 lakbay ng METANOIA noong ika-23 ng Hunyo 2023.Isang ...
13/10/2026

๐Œ๐„๐“๐€๐๐Ž๐ˆ๐€ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐–๐๐€๐‚๐Š #14

Balik sa Lunsod ng Cabanatuan para sa ika-14 lakbay ng METANOIA noong ika-23 ng Hunyo 2023.

Isang asosasyon sa Barangay Magsaysay Sur ang naturuan at napaliwanagan ng kahalagahan ng pagsasabuhay ng tamang-asal o pag-uugali (upholding good values) at ito ay iniugnay sa pamumuno (leadership). Ito ang "Metanoia Why upholding good values is key to great leadership" na hindi lang isang programa ng Angat Nueva Ecija NGO na katuwang ang First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (FiNENPPD), kundi ito ay isang misyon.

Makaraan ang ilang linggo, ayon kay Ginang Naty, ang pinuno ng asosasyon, "Madami po akong natutunan at puede ko magamit sa pagiging leader sa kahit anong klase ng pamumunuan. Natutunan kong makinig sa mga issues sa mga sitwasyon ng mga kasapi, kalagayan ng mga programa, proyekto o ano pang problema sa lahat ng pinag-uusapan. Malaking bagay sa buhay natin ang pagdalo na mga ganitong seminar ay lubos na makikinabang ay tayo upang ating maibahagi sa mga kaibigan, kakilala at sa pamilya. Lubos po ang aking pasasalamt sa naging speaker na si Ms. Gabs at kay Ma'am Irma, nawa'y ipagpatuloy pa ninyo ang inyong adhikain. God bless you more."

Ang asosasyon ay binunuo ng mga mananahi na nabigyan ng mga makina mula sa FiNENPPD sa kanilang pakipag-ugnayan sa Cabanatuan City Livelihood Department.

Maraming salamat FiNENPPD sa isa pang nabigyan ng kabuhayan.
Ibang mga larawan ay nagpapakita ng pirmahan ng kasunduan sa pagitan ng FiNENPPD at asosasyon. Ang pirmahan ay naganap noong ika-6 ng Hunyo at nasaksihan ng mga kinatawan ng Cabanatuan City Livelihood Department.

Posted here are the moments to be remembered from this memorable day.

4 Pillars/Programs:
https://www.facebook.com/share/1Jq1LZvBdu/

Metanoia sa ilalim na Katauhan Program ng First Nueva Ecija NGO:
https://www.facebook.com/share/p/1LfvCCoWAe/




Throwback:  Kalikasan Program - Go ORGANIC KabukiranNoong ika-28 ng Pebrero 2024, ang "Go ORGANIC Kabukiran" na inisyati...
09/10/2026

Throwback: Kalikasan Program - Go ORGANIC Kabukiran

Noong ika-28 ng Pebrero 2024, ang "Go ORGANIC Kabukiran" na inisyatibo ng First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (First Nueva Ecija NGO) ay inilunsad sa Talavera, Nueva Ecija bilang isang "pilot project" katuwang ang Angat Nueva Ecija NGO (ANE NGO). Ito ang napiling proyekto ng Peace and Equity Foundation na bigyan ng "grant".

Tatlong asosasyon ng mga magsasaka, sa tatlong barangay sa Talavera, Nueva Ecija ang naging benipisaryo: 1) BAGSIK Farmers Association; 2) San Ricardo United Farmers Association; at 3) KAISAKA Farmers Association. Ang proyekto ay patungkol sa paggawa at paggamit ng organikong pataba upang mabalik sigla ang lupa sa mga bukirin at tuloy maparami ang ani.

Ang "Go ORGANIC Kabukiran" ay isang Programang Kalikasan ng First Nueva Ecija NGO at Programang Kabuhayan naman ng ANE NGO. Sa tulong ng Peace and Equity Foundation (Benefactor) at sa Angat Bayanihan na programa ng Angat Pinas / Angat Buhay, ang proyekto ay naisakatuparan. Ang First Nueva Ecija NGO ay naging "donor" din.

Ad Majorem Dei Gloriam / For the Greater Glory of God



๐Œ๐„๐“๐€๐๐Ž๐ˆ๐€ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐–๐๐€๐‚๐Š  #13Walang kuryente? Tuloy pa din ang Metanoia! Ang kasagutan ay, may veranda at pamaypay naman.Noong...
07/10/2026

๐Œ๐„๐“๐€๐๐Ž๐ˆ๐€ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐–๐๐€๐‚๐Š #13

Walang kuryente? Tuloy pa din ang Metanoia! Ang kasagutan ay, may veranda at pamaypay naman.

Noong ika-11 ng Mayo 2023, dumaan sa Values Formation

https://www.facebook.com/share/p/1CWwJMyPvc/

ang mga pinuno ng iba't ibang sangay ng PACOWA sa mga barangay sa Lunsod ng Palayan. Nitong ika-27 ng Mayo 2023 ay bumalik kami upang talakayin naman ang Transformational Leadership.
Mainit man ang panahon at walang kuryente, lahat ay masigasig pa din sa pakikinig.

Ayon kay Ginang Jovy, "Para sa akin po importante ang values sa pagiging leader. Kailangan meron tayong kapupulutan ng aral as a leader. Hindi ibig sabihin po na kung tayo ay leader ay mataas na tayo sa kasamahan. Kailangan ilagay natin yung sarili natin sa mababa sa ganitong paraan mahalaga ang pag-uugali kahit mataas pa pinag-aralan natin. Iyan po yung isa Kong nagustuhan sa aking narinig about leadership".

Ayon naman kay Ginang Lalaine, "For me po yung sa leadership yung mga key niya po na magagaamit ay for daily lives, sa binubuo ko pong team ngayon and yun na yung magiging guide namin sa start ng aming livelihood".

Para kay Ginang Emelita, "Leadership - sa akin pong pag attend ng seminar napakalaking tulong po para sa akin ang nadagdag sa aking kaalaman, lalo't bilang president ng OFW ng barangay namin. Dapat maging mababang loob po, ma improve ang sarili para makapanilbihan ng maganda. Ang mga tao dapat marunong ding makinig sa opinyun ng iba. Dapat maka engganyo ka sa iba, maka inspire sa ibang tao, maging magandang ehemplo para sa susunod na mga taon maging maayos. Ang lahat ng mga leader may pusong mapagkumbaba at may malasakit sa kapwa. Maraming salamat kay ma'am Irma at ma'am Gabs".

Sa pagkatapos ng diskusyon ay masayang pinakita ng presidente ng PACOWA ang kanilang natahi nang raincoat mula sa mga makina na natanggap nila mula sa First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (FiNENPPD).

Masaya naman din na makita ng pamunuan ng FiNENPPD ang progreso sa kanilang kabuhayan. Ang raincoat ay isa lamang sa kanilang magiging produkto sa kabuhayan na pananahi.

Tuluy-tuloy ang paglalakbay ng METANOIA, a special program on Values Formation and Transformational Leadership of the First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development (FiNENPPD) in partnership with Angat Nueva Ecija NGO (ANE NGO).

๐˜ผ๐™™ ๐™ˆ๐™–๐™Ÿ๐™ค๐™ง๐™š๐™ข ๐˜ฟ๐™š๐™ž ๐™‚๐™ก๐™ค๐™ง๐™ž๐™–๐™ข / ๐™๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š ๐™‚๐™ง๐™š๐™–๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™‚๐™ก๐™ค๐™ง๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™‚๐™ค๐™™

Posted here are the moments to be remembered from this memorable day.

4 Pillars/Programs:
https://www.facebook.com/share/1Jq1LZvBdu/

Metanoia sa ilalim na Katauhan Program ng First Nueva Ecija NGO:
https://www.facebook.com/share/p/1LfvCCoWAe/




Congratulations to Miss Joan Angela M. Aguilar, RPm, our organization's Director for Communications and Research, on bei...
29/09/2026

Congratulations to Miss Joan Angela M. Aguilar, RPm, our organization's Director for Communications and Research, on being hired as School Counselor Associate I by the Department of Education - SDO Cabanatuan City! We are so happy that you have attained your dream job. We wish you the very best and pray for your success in your chosen profession. - From the Board of Trustees of the First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development.

Miss Aguilar graduated with a degree in Psychology in
2024 from the Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), where she was an Academic Distinction Awardee and Gold Excellence Awardee. During her Fourth Year in college, she became the President of the NEUST Psychological Society.

AMDG / For the Greater Glory of God



Address

3rd Street, Kapitan Pepe Subdivision
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when First Nueva Ecija NGOs-POs Partnership for Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share