16/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ฆ๐ช๐๐
Kilala mo ba talaga si San Roque?
Si San Roque ay kilala rin bilang Tata Roque sa lungsod ng Marikina na isinilang sa Montpellier, Pransiya. Anak siya ng gobernador ng nasabing bayan. Ayon sa tradisyon at paniniwala, hiningi siya ng kaniyang mga magulang sa Mahal na Birhen at nang siya ay maisilang, isang mapulang Krus ang nakita sa kaniyang dibdib na ikinahuli ng mga kabanalang gagawin niya sa kaniyang buhay. Maaga siyang naulila sa magulang ngunit dito nagsimula ang kaniyang pagmimisyon sa pamamagitan ng pamamahagi kaniyang yaman sa mga dukha at nangangailangan. Nagdamit siya ng pamperegrino at naglakbay patungong Roma. Sa panahon ng kaniyang paglalakbay, talamak ang ibaโt ibang karamdaman na pumupuksa sa tao. Ginamot niya ang bawat isa sa pamamagitan ng pagkukrus sa mga tinamaan na agad namang gumaling. Sa pagtahak ni San Roque sa Roma, nakahalik siya sa mga paa ng dating Papa Benedicto XI. Sa pagtahak naman niya sa Bayan ng Placencia, sinubok ng Diyos ang kaniyang katatagan at pananalig sapagkat dito ay nahawa siya ng sakit at ipinatapon sa kagubatan. Sa malungkot na bahagi ng buhay niyang ito, isang maituturing na anghel ang a*o na nagdadala sa kaniya ng tinapay sa kagubatan upang punan ang kaniyang nagugutom at nanghihinang katawan. Sa kaniyang paggaling ay bumalik siya sa kaniyang bayan ngunit sa halip na makilala at tanggapin ay inakusahan siyang espiya. Hinatulan siya ng habambuhay na pagkakakulong ng kaniya pa mismong kamag-anak at noong ika-16 ng Agosto 1327, pumanaw ang butihing si San Roque at nakita ang tablang kinasusulatan ng โ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ข๐ธ๐ข๐จ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ช ๐๐ฐ๐ฒ๐ถ๐ฆ ๐ข๐บ ๐ช๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฅ๐บ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ด๐ข๐ญ๐ฐ๐ต, ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ-๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐บ๐ข.โ
Simula noon, ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-16 ng Agosto.
Siya ang patron ng mga may sakit, mga tinamaan ng salot, mga a*o, at mga manlalakbay.
Ang buhay ni San Roque ay tunay ngang huwaran hindi lamang sa kabanalan, pati na rin sa kababaang loob. Tulad niya, tahimik nating isapuso at isabuhay ang Salita ng Diyos para sa ikauunlad ng ating makabuluhang pamumuhay.
๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ผ๐พ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ป,
๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐๐ผ๐, ๐๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐๐ผ๐ป.
๐๐ป๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป,
๐๐น๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป
๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป.
!