09/05/2026
๐๐ค๐ฉ๐๐๐ง'๐จ ๐ฟ๐๐ฎ | ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐
Ala-singko ng umaga, tulog ang lahat, walang ingay o kung ano man, bastaโt hilik lamang ni itay ang aking naririnig mula sa kaniyang kwarto habang ako rin ay mahimbing na natutulog.
Ngunit sa kusina, may kaluskos, mahinang kalampog ng kawali, sandok, at kung ano pa mang metal. Kasama nito ay ang aroma ng nakasalang na sinangag, pritong itlog, hotdog, at sabaw na noodles.
At sa gitna ng malamig na umagang iyon, naroon si nanayโnakapuyod ang buhok, may bakas pa ng antok sa kaniyang mga mata, at suot ang kupas niyang apron na tila matagal nang kabisado ang pagod ng kaniyang katawan. Habang akoโy mahimbing na nakabalot sa kumot, siya namaโy abala sa paghahanda ng almusal, pagplantsa ng aking uniporme, at pagsisiguradong maayos ang lahat bago pa man tuluyang magising ang buong bahay.
Noong bata ako, akala ko may mahika ang mundo. Akala ko kusa na lamang napupuno ang hapag-kainan tuwing umaga, kusa na lamang natitiklop ang aking mga damit, at tila may kung sinong diwata na nag-aayos ng lahat habang akoโy natutulog. Sa murang isip ko noon, para bang may mahiwagang kamay na tahimik na kumikilos sa tuwing madaling-araw.
Ngunit habang akoโy lumalaki, unti-unti kong napagtanto na walang diwata sa aming tahanan. Walang engkantadang nagwawalis ng sahig o salamangkero na kayang gawing maayos ang lahat sa isang kumpas lamang ng kamay. Ang mahikero pala sa likod ng bawat maayos kong umaga ay si mama.
Siya ang gumigising bago sumikat ang araw. Siya ang tahimik na nakikipaglaban sa antok at pagod habang kamiโy payapang nagpapahinga. Siya ang tila may kapangyarihang pagaanin ang mabibigat na problema kahit siya mismo ay unti-unti nang napapagod. At tulad ng isang mahikero, tinatago niya ang tunay na hirap sa likod ng mga ngiti at simpleng โokay lang ako.โ
Hindi ko kailanman narinig si mama na magreklamo. Kahit masakit na ang likod niya sa buong araw na pagtatrabaho, nagagawa pa rin niyang ngumiti sa tuwing tinatanong ko kung kumain na ba siya. Kahit madalas ay malamig na ang kaniyang kape, inuuna niya pa rin kaming pakainin bago ang sarili niya. Habang abala akong habulin ang mga pangarap ko, siya naman ang tahimik na nagsasakripisyo upang maabot ko ang mga iyon.
Ngunit habang lumalaki ako, mas lalo kong nauunawaan na hindi lahat ng ina ay may pagkakataong marinig nang personal ang โingat poโ ng kanilang mga anak tuwing umaga. May mga inang pinipiling mangibang-bansa, hindi dahil gusto nilang lumayo, kundi dahil kailangan.
Isa ako sa mga anak na minsang nasanay sa presensya ng isang inang nasa loob lamang ng cellphone screen. Sa halip na yakap bago matulog, tunog ng video call notification ang naging pahinga ko. Sa bawat โkumain ka na ba?โ ni mama mula sa kabilang bansa, ramdam ko ang pilit niyang pagtatago ng lungkot at pangungulila.
Habang akoโy natutulog nang mahimbing dito, siya namaโy pagod na pagod mula sa trabaho sa banyagang lugar. Habang ipinagdiriwang ko ang mga simpleng okasyon sa paaralan, siya namaโy tahimik na umiiyak dahil hindi niya ako mayakap sa mga tagumpay at pagkatalo ko. Ngunit kahit malayo siya, hindi kailanman nawala ang pagiging ina niya sa akin.
Doon ko napagtanto na ang pagiging ina ay hindi lamang nasusukat sa presensya. Nasusukat ito sa dami ng sakripisyong kaya nilang tiisin para sa kanilang pamilya. Sa bawat overtime, sa bawat gabing hindi sila makauwi, sa bawat luhang pinipili nilang ikubli sa likod ng tawag, naroon ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit.
Kayaโt sa pamamagitan ng isang simpleng selebrasyon ng Araw ng mga Ina, nawaโy isipin at balikan natin ang kanilang mga sakripisyoโmga sakripisyong tumulong sa ating lumaki nang maayos, lumaki mula sa pagiging makulit na bata hanggang sa pagiging responsableng estudyante. At nawaโy kahit sa isang araw lamang, maramdaman nila ang pagmamahal at pagpapahalagang matagal na nilang ibinibigay nang walang hinihinging kapalit.
Sapagkat ang mga ina ay hindi habang-buhay mananatiling malakas. Darating ang panahong ang mga kamay na dating abala sa pag-aalaga ay manghihina rin, at ang mga matang dating gising para sa atin ay mapapagod din sa paglipas ng panahon. Kaya habang naririyan pa sila, yakapin natin sila nang mas mahigpit, pakinggan natin ang kanilang mga kwento, at iparamdam natin ang pagmamahal na matagal na nilang ibinibigay nang walang hinihinging kapalit.
Nawaโy huwag nating kalimutan na ang mahika ni mama ay hindi kailanman salamangka na naglalahoโito ay pagmamahal na patuloy nating nadarama sa bawat hapag-kainan, sa bawat tahimik na umaga, at sa bawat sakripisyong hindi man natin lubos na nakikita, ay habang-buhay nating iingatan sa ating puso bilang paalala ng isang inang minahal tayo nang buong-buo.
LITERARY | Mark Joseph DC. Fajardo - Layout Artist
LAYOUT | Riley Jash Garcia - Layout Artist