27/09/2025
Fraternity at Sorority.
Ano nga ba ang inaasahan mo sa isang Fraternity at Sorority na iyong sasalihan.
Karamihan sa atin na sumasali sa isang Frat ay hindi nalalaman ng ating mga magulang. Kung tayo man ay magpapaalam sa kanila na tayo ay magpapamiyembro sa isang Frat. Kadalasan, takot ang ating mga magulang lalo na at may mga negatibong nababalita tungkol sa mga Fraternity. Kaya naman hindi maiwasan na sila ay magalala o di kaya ay magalit sa atin.
Sa totoo lang, kung ikaw ay maging miyembro ng Frat doon mo malalaman na hindi ka lang isang pangkaraniwang sibilyan sa isang komunidad.
Ang Frat ay maraming extra curricular activities. Iyong tipong nagaaral ka sa iyong academics. Tapos ay may isa ka pang tungkuling dapat gampanan para sa iyong Fraternity o Sorority.
Ang Fraternity at Sorority ay may mga activities din na sinasagawa at hindi ito maisasakatuparan kung ikaw bilang miyembro ay hindi magiging aktibo rito. Isang responsibilidad ang pagpasok sa Frat. Gagawing makahulugan ang buhay mo habang ikaw ay nasa kolehiyo at dadalhin mo ito hanggang sa iyong pagtanda.
Tuturuan ka ng Frat kung paano mo balansehin ang pagiging estudyante at isang mapagkawang gawa sa komunidad. Didisiplinahin ka ng Frat, lalo na ang iyong ugali.
Matututo kang makisalamuha at kumilos ng may pagsisikap sa iyong pagaaral. Ang bagsak na marka ay may kapalit na disiplina. Sa Frat hindi kailangan na matapang lang, nasa kolehiyo tayo para makamit ang ating pangarap. At pangarap ng ating magulang na tayo ay magtapos.
Kaya naman sa Frat ikaw ay tuturuan na maging responsable sa iyong academics. Nandyan din ang iyong mga kapatid upang tulungan ka na matuto. Ayaw nang frat na may bumabagsak, tanging gusto nito ay umaangat tayo at nagsisilbing ehemplo sa karamihan.
Kaya ang Frat ay nandyan bilang gabay. At dapat bilang isang miyembro ng Frat ay magkaroon ka rin ng interes sa iyong layunin.
Sa Frat matututo kang magalay ng oras sa pagaaral at sa organisasyon.
Sa Frat matututo kang makiramay sa kapatid mo at maging sa kapwa mo.
Sa Frat ipaparamdam sa sarili mo na magpursigi ka na matupad ang lahat ng pangarap mo at gusto mong makamit sa iyong buhay.
Dahil ang gusto ng Frat ay marating mo ang tagumpay.
Ang sarap sabihing...
"I am a proud member of this orgazination."
Kaya ang Frat nandyan upang hubugin ka at laging nasa likod mo upang umalalay sayo.
Ikaw ano maitutulong mo sa Frat?
Obligasyon mo ang Organisasyong kinabibilangan mo.