01/06/2026
Sharmaine and Vanessa, sorry na agad! Officially closed na ang ONLINE REGISTRATION for TELON Artista Search 2026 ngayong araw na ito. 🎭💙
Napakarami talagang gustong maging member ng TELON kaya naman ang mga nakapag-register agad at na-interview na ni Prof. Mark (TELON Director) ang aming ipaprioritize sa audition process on June 5.
Para naman sa mga qualified for audition, huwag kayong kabahan! Ito na ang pagkakataon ninyo para ipakita kung bakit kayo ang susunod na magiging "ARTISTA" ng Wesleyan University-Philippines. 🔥
✅ Be ready for the interview para mas makilala pa namin kayo.
✅ Prepare ONE talent presentation, either:
🎤 Song
💃 Dance
🎭 Acting (Monologue)
✅ At syempre, maghanda rin para sa on-the-spot acting scenario na ipapagawa ni Sir Mark, ni Pres. Owzni, at ni VP Carl sa inyo para makita namin ang inyong creativity, confidence, at ability to perform under pressure.
Pero hindi lang talento ang hinahanap namin ha. Hinahanap din namin ang passion, dedication, discipline, at puso para sa teatro. Higit sa lahat, CHARACTER.❤️🎭
Maraming salamat sa lahat ng nagpakita ng interest na maging bahagi ng TELON. Nakakatuwang makita kung gaano karaming aspiring artists ang gustong sumama sa TELON Family pero limitado lang din kasi ang scholarship slots na pwede naming maibigay sa inyo.
Kaya, sorry na Sharmaine at Vanessa!😭😂 Sa sobrang dami ng applicants, closed na ang registration. Bawi kayo next time—at mas maaga nang mag-register ha! 🤣
God bless sa lahat ng auditionees! The stage is waiting for you. See you on JUNE 5, 4:30 PM sa ating TELON Office/University Auditorium.🎭✨