21/07/2026
๐๐๐๐๐๐ | Reporma sa Pasada, Ordinansa na!
Matapos ang ilang taong panawagan, patuloy na pakikipag-ugnayan, at sama-samang paninindigan, mula noong 2022 nang simulan ang panawagan at ngayon, July 20, 2026, Reporma sa Pasada, ordinansa na.
Isang malaking tagumpay para sa mga araw-araw na komyuter, at drayber, na matagal nang nanindigan para sa makatarungan, malinaw, at pare-parehong sistema ng pamasahe sa Lungsod ng Cabanatuan.
Ang bagong ordinansa ay nagsasaad ng opisyal na fare matrix na magsisilbing gabay sa parehong mga pasahero at mga tricycle driver sa Cabanatuan. Layunin nitong wakasan ang hindi magkaka-parehong singil sa pamasahe at palakasin ang pananagutan, transparency, at pagiging patas sa pampublikong transportasyon.
Para sa Cabanatuan City Student Congress, ang pagpapatibay at pagpapatupad ng ordinansa ay patunay na ang boses ng kabataan at ng mamamayan ay may kakayahang magbunsod ng tunay na pagbabago.
Sa pagsisimula ng implementasyon ng bagong fare matrix, hinihikayat ang lahat ng komyuter at transport operators na sundin ang mga itinakdang pamasahe at makiisa sa pagpapanatili ng isang patas, responsable, at makataong sistema ng pampublikong transportasyon.
Mula sa panawagan, naging ordinansa. Mula sa adbokasiya, naging reporma. Ang laban para sa makatarungang pasada ay hindi na lamang panawagan โ isa na itong ganap na ordinansa para sa ating mamamayan.