26/05/2026
DSWD FEATURE STORY: Dating Kalahok sa Programa ng DSWD, Ngayon ay Inspirasyon at Pag-asa na sa Kapwa Kabataan
Sa gitna ng mga pagsubok na kinaharap ng kaniyang pamilya, natagpuan ni Shian Andre Socorro ang pagkakataong baguhin ang direksyon ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng Immersion Outreach Program (IOP) ng Unlad Kabataan Program, nabigyan siya ng pagkakataong matuto, magsilbi, at muling buuin ang kaniyang mga pangarap. Layunin ng programa na magtalaga ng mga kabataang volunteer sa mga barangay at institusyong panlipunan upang suportahan ang Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) at makatulong sa kapwa kabataan.
Tingnan ang comments section para sa buong kwento.
โค๏ธ