07/09/2026
Alamin ang Komposisyon at Paraan ng Pagboto sa Kauna-unahang BARMM Parliamentary Election
Binubuo ng 80 puwesto ang BARMM Parliament na kumakatawan sa iba’t ibang partido, distrito, at sektor upang mas mapalawak ang representasyon ng mamamayan ng Bangsamoro.
50% o 40 MPs ay mula sa Regional Parliamentary Political Parties, habang 40% o 32 MPs ay mula sa District Representatives, at 10% o 8 MPs ay mula sa Sectoral Representatives.
🗳️ Paraan ng pagboto:
✅ 1 Regional Parliamentary Political Party
➡️ Pumili ng isang Regional Parliamentary Political Party (party vote).
✅ 1 District Representative
➡️ Pumili ng isang kandidato para sa inyong Parliamentary District.
✅ 6 Sectoral Representatives
➡️ Pumili ng anim (6) na Sectoral Representatives:
• 2 Settler Communities
• 1 Women
• 1 Youth
• 1 Ulama
• 1 Traditional Leaders
Note: Ang 2 Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) Representatives ay hindi kasama sa direktang pagboto ng lahat ng botante; sila ay pipiliin sa pamamagitan ng proseso ng kanilang sektor.
Kabuuan: 8 boto
✅ 1 Regional Parliamentary Political Party
✅ 1 District Representative
✅ 6 Sectoral Representatives
Sa pamamagitan ng ating boto, naipapahayag natin ang ating boses at nakikibahagi tayo sa paghubog ng kinabukasan ng Bangsamoro.