09/06/2026
Magandang araw po sa ating lahat.
Noong Mayo 22, 2026, nadala na po natin sa junkshop ang unang batch ng mga naipong recyclable na kalakal. Dahil nasa trial phase pa lamang po ang proyektong ito, wala pa po tayong tiyak na ideya kung magkano ang maaaring malikom mula rito.
Narito po ang naging kabuuang resulta:
81 kilo ng plastic bottles at iba pang plastik × ₱8.00 = ₱648.00
19.75 kilo ng lata × ₱6.00 = ₱118.50
2 kilo ng green bottles × ₱2.00 = ₱4.00
Kabuuang nalikom: ₱770.50
Ang halagang ito ay naiabot na po sa SPTA. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa po kung ipagpapatuloy ang proyekto sa kasalukuyang pamamaraan o kung may iba pang mas epektibong paraan.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbahagi para sa gawaing ito.