Sikap Kabataan - SPCY Bagong Barrio

Sikap Kabataan - SPCY Bagong Barrio “One spirit, one heart, one mission to bring Christ to life through our youth!"

Maligayang Kapistahan sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo! 🤎Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng...
15/07/2026

Maligayang Kapistahan sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo! 🤎

Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng ating mahal na Ina sa inyong misyon ng pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod. Dalangin namin ang masaganang biyaya, pagkakaisa, at kapayapaan para sa buong pamayanan ng parokya.

Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, ipanalangin ninyo po kami. 🙏🤎

Mula sa Muling Pagkabuhay Chapel ✨

Maligayang Kapistahan sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo! 🤎

Monte Carmelo - Our Lady of Mount Carmel Parish-Pulong Buhangin

Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng ating mahal na Ina sa inyong misyon ng pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod. Dalangin namin ang masaganang biyaya, pagkakaisa, at kapayapaan para sa buong pamayanan ng parokya.

Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, ipanalangin ninyo po kami. 🙏🤎

Mula sa Muling Pagkabuhay Chapel ✨

13/07/2026
DAKILANG KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG BUNDOK NG KARMELO - MISA NOBENARYONarito po ang iskedyul ng mga Misa para sa d...
06/07/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG BUNDOK NG KARMELO - MISA NOBENARYO

Narito po ang iskedyul ng mga Misa para sa darating na Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo. Ang misa nobenaryo ay magisismula sa Hulyo 7, 2026 Martes.

Maraming Salamat po!

MISA NOBENARYO
📖 Nobena ng 5:30 N.H.
🙏 Misa ng 6:00 N.G.

HULYO 7 | MARTES
Rdo. P. Virgilio “Vergs” C. Ramos
Kura Paroko
Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan

HULYO 8 | MIYERKULES
Rdo. P. Leon G. Coronel
Kura Paroko
Parokya ng San Jose Manggagawa
Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan

HULYO 9 | HUWEBES
Rdo. P. Joshua A. Reyes
Katuwang na Pari
Parokya ni San Juan De Dios
Poblacion, San Rafael, Bulacan

HULYO 10 | BIYERNES
Rdo. P. Ariz V. De Castro
Katuwang na Pari
Parokya ni San Pedro De Alcantara
Taal, Bocaue, Bukacan

HULYO 11 | SABADO
Rdo. P. Edgardo I. Toribio Jr.
Tumutulong na Pari
Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan

HULYO 12 | LINGGO (4:30 N.H.)
Rdo. P. Virgilio “Vergs” C. Ramos
Kura Paroko
Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan

HULYO 13 | LUNES
Rdo. P. Aidref R. Ronquillo
Katuwang na Pari
Pambansang Dambana at Parokya ng Mabathalang Awa ng Diyos
Santa Rosa I, Marilao, Bulacan

HULYO 14 | MARTES
Rdo. P. Kelvin Yonell C. Alejandro
Katuwang na Pari
Parokya ng Inmaculada Concepcion
Poblacion, Pandi, Bulacan

HULYO 15 | MIYERKULES
Rdo. P. Wyntelxnou Michikko G. Avila
Katuwang na Pari
Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador
Poblacion, Pulilan, Bulacan

🎊KAPISTAHAN | HULYO 16 | HUWEBES

⛪Misa ng 6:30 N.U.
Rdo. P. Virgilio “Vergs” C. Ramos
Kura Paroko
Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan

⛪Misa ng 8:00 N.U.
Rdo. P. Edgardo I. Toribio Jr.
Tumutulong na Pari
Parokya ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan

⛪Misa ng 6:00 N.G.
Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.
Obispo ng Malolos

‼️Pagkatapos ng misa, magkakaroon po ng maringal na prusisyon. (Simbahan > Cityland > Liceo > Simbahan)

🌷 Maligayang Kaarawan, Sis. Cheska 🌷Isang araw ng kagalakan at taos-pusong pasasalamat ang aming iniaalay sa Diyos para ...
01/07/2026

🌷 Maligayang Kaarawan, Sis. Cheska 🌷
Isang araw ng kagalakan at taos-pusong pasasalamat ang aming iniaalay sa Diyos para sa biyaya ng iyong buhay. Sa bawat ngiti at kabutihang ipinapakita mo, makikita ang liwanag ng isang pusong handang maglingkod,pusong marunong magmahal, umunawa, at magsakripisyo alang-alang sa kapwa at sa Panginoon. ✨

Sa iyong patuloy na paglalakbay sa paglilingkod, ikaw ay naging inspirasyon sa amin, lalo na bilang hinaharap na sakristan ng Bagong Barrio. Ang iyong kababaang-loob, kasipagan, at tapat na puso sa paglilingkod sa simbahan ay nagsisilbing magandang halimbawa sa aming lahat. 🌿

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang ipagpatuloy ang iyong paglilingkod. Sa bawat hakbang ng iyong buhay, nawa’y samahan ka ng Kanyang patnubay at punuin ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. 💖
Ang iyong buhay ay patunay na ang tunay na kagandahan ay makikita sa pusong tapat sa Diyos at handang maglingkod sa Kanya. 🌸

“Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan.”
Bilang 6:24 🙏

Pagbati mula sa iyong pamilya ng
Muling Pagkabuhay Chapel – Bagong Barrio 🤍

🌷 Maligayang Kaarawan, Bro. Jeremias Castillo ! 🌷Sa espesyal na araw na ito, buong puso kaming nagpapasalamat sa Diyos p...
24/06/2026

🌷 Maligayang Kaarawan, Bro. Jeremias Castillo ! 🌷

Sa espesyal na araw na ito, buong puso kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa biyaya ng iyong buhay. Ang iyong sipag, kabutihan, at dedikasyon sa paglilingkod bilang Media Tech at bilang bahagi ng Kabataan ni Kristo ay tunay na inspirasyon sa marami. Sa pamamagitan ng iyong mga talento at paglilingkod, naipapakita mo ang iyong pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. ✨

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at kagalakan sa bawat araw. Dalangin namin na patuloy kang gabayan sa lahat ng iyong mga pangarap at mithiin, at pagkalooban ng masaganang biyaya upang lalo pang lumago sa pananampalataya at paglilingkod. 💙🙏

Nawa’y manatili kang ilaw, inspirasyon, at mabuting halimbawa sa iyong kapwa kabataan at sa ating pamayanan ng pananampalataya. 🌿

“Magpakalakas kayo at magpakatatag ng loob, kayong lahat na umaasa sa Panginoon.” — Awit 31:24 🙏

🎂🎉 Maligayang Kaarawan, Bro. Jeremias! 🎉🎂

✨ Pagbati mula sa iyong pamilya sa Muling Pagkabuhay Chapel – Bagong Barrio. ✨🤍

IKALABINTATLONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON"Ang tumanggap sa isang propeta ay tatanggap ng gantimpala ng isang propeta"...
23/06/2026

IKALABINTATLONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

"Ang tumanggap sa isang propeta ay tatanggap ng gantimpala ng isang propeta" ~Mt.10:41

Tayo po ay magkakaroon ng Banal na Misa sa darating na ika-27 ng Hunyo, 2026 (Sabado), sa ganap na ika-6:15 ng gabi.

Ang lahat po ay inaanyayahang dumalo at makiisa sa ating Banal na pagdiriwang.

Maraming salamat po!

🌷 Maligayang Kaarawan, Bro. John Robert Raga ! 🌷Sa espesyal na araw na ito, buong puso kaming nagpapasalamat sa Diyos sa...
17/06/2026

🌷 Maligayang Kaarawan, Bro. John Robert Raga ! 🌷

Sa espesyal na araw na ito, buong puso kaming nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng iyong buhay. Ang iyong kabutihan, kababaang-loob, at katapatan sa paglilingkod ay tunay na inspirasyon sa marami. Sa bawat gawaing iyong ginagampanan bilang Sakristan at bilang bahagi ng Kabataan ni Kristo, ipinapakita mo ang isang pusong nagmamahal at tapat sa Panginoon. ✨

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at kagalakan sa bawat araw. Dalangin namin na patuloy kang gabayan at pagkalooban ng biyaya upang lalo pang lumago sa pananampalataya at paglilingkod. 💙🙏

Nawa’y matupad ang mga mabubuting hangarin ng iyong puso at manatili kang ilaw at inspirasyon sa iyong kapwa kabataan at sa ating pamayanan ng pananampalataya. 🌿

“Sinuman ang naghahangad na maging dakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.” Mateo 20:26 🙏

Maligayang Kaarawan, Bro. John! 🎂🎉🤍

Pagbati mula sa iyong pamilya sa Muling Pagkabuhay Chapel – Bagong Barrio. ✨

𝐍𝐄𝐖 𝐂𝐋𝐄𝐑𝐆𝐘 𝐀𝐏𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 Isang malugod na Pagbati at panalangin sa mga Parokya at mga Pari sa panibagong yugto ng paglala...
16/06/2026

𝐍𝐄𝐖 𝐂𝐋𝐄𝐑𝐆𝐘 𝐀𝐏𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒

Isang malugod na Pagbati at panalangin sa mga Parokya at mga Pari sa panibagong yugto ng paglalakbay bilang mga pastol at kawan ng Diyos.

Narito ang mga Bagong Pastoral Appointments sa Diyosesis ng Malolos, ayon sa kapasyahan ng Obispo Dennis C. Villarojo:

REV. FR. SAMUEL NICOLOI C. REYES
PAROCHIAL VICAR
NATIONAL SHRINE & PARISH OF OUR LADY OF FATIMA
Fatima Ave., Marulas, Valenzuela City, Metro Manila

REV. FR. KRISTIAN L. TOLENTINO
PRIEST-IN-CHARGE
ST. VINCENT FERRER MISSION STATION
Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan

REV. FR. JOSHUA A. REYES
PAROCHIAL VICAR
ST. JOHN OF GOD PARISH
Poblacion, San Rafael, Bulacan

REV. FR. RR ANTONI C. REYES
PAROCHIAL VICAR
ST. MICHAEL THE ARCHANGEL PARISH
Poblacion, Marilao, Bulacan

REV. FR. ARIZ V. DE CASTRO
PAROCHIAL VICAR
ST. PETER OF ALCANTARA PARISH
Taal, Bocaue, Bulacan

REV. FR. KELVIN YONELL C. ALEJANDRO PAROCHIAL VICAR
IMMACULATE CONCEPTION PARISH
Poblacion, Pandi, Bulacan

REV. FR. WYNTELXNOU MICHIKKO G. AVILA
PAROCHIAL VICAR
DIOCESAN SHRINE & PARISH OF SAN ISIDRO
LABRADOR
Poblacion, Pulilan, Bulacan

REV. FR. MARK JOSEPH S. LORENZO
PAROCHIAL VICAR
NATIONAL SHRINE & PARISH OF ST. ANNE Poblacion, Hagonoy, Bulacan

REV. FR. REX ANDRIAN E. POLINTAN PAROCHIAL VICAR STO. NIÑO PARISH
Sto. Niño Village, Brgy. Camalig, City of Meycauayan, Bulacan

REV. FR. JOHN PAUL MORALES
PAROCHIAL VICAR
ST. FRANCIS OF ASSISI PARISH
Poblacion, City of Meycauayan, Bulacan

REV. FR. AIDREF R. RONQUILLO
PAROCHIAL VICAR
NATIONAL SHRINE & PARISH OF THE DIVINE MERCY
Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan

REV. FR. RAYBEN JAMES A. BUNDOC
PAROCHIAL VICAR
ST. ANDREW THE APOSTLE PARISH
Poblacion, Norzagaray, Bulacan

REV. FR. AARON MARK S. JOSE
PAROCHIAL VICAR
DIOCESAN SHRINE & PARISH OF ST. JOHN THE BAPTIST
Poblacion, Calumpit, Bulacan

REV. FR. JOWEL KARLO SAN LUIS
PAROCHIAL VICAR
ST. JAMES THE APOSTLE PARISH
Poblacion, Plaridel, Bulacan

REV. FR. SAMUEL A. ESTROPE II
PAROCHIAL VICAR
DIOCESAN SHRINE & PARISH OF NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION
San Jose, Bulakan, Bulacan

REV. FR. JEROME B. ROBLES
PAROCHIAL VICAR
ST. JAMES THE APOSTLE PARISH
Poblacion, Paombong, Bulacan

REV. FR. JOHN PAOLO T. TOLENTINO
PAROCHIAL VICAR
DIOCESAN SHRINE & PARISH OF ST. AUGUSTINE
Poblacion, City of Baliwag, Bulacan

REV. FR. PETER COLLIN C. CRISOSTOMO
PAROCHIAL VICAR STA. MONICA PARISH
Poblacion, Angat, Bulacan

REV. FR. LESTER JOHN D. CABAIS
PAROCHIAL VICAR
SAN ILDEFONSO DE TOLEDO PARISH
Poblacion, San Ildefonso, Bulacan

REV. FR. CARLO S. SORO
PAROCHIAL VICAR
SACRED HEART OF JESUS PARISH
Salacot, San Miguel, Bulacan

REV. FR. ULYSSES S. REYES
PARISH PRIEST
STO. NINO PARISH
Parada, Santa Maria, Bulacan

REV. FR. MARCELINO SD. OCARIZA
PARISH PRIEST
ST. PAUL THE APOSTLE PARISH
Niugan, Angat, Bulacan

REV. FR. CARLO S. MENDOZA
PRIEST-IN-CHARGE
IMMACULATE CONCEPTION QUASI-PARISH
Marungko, Angat, Bulacan

REV. FR. JAN BRIAN SAMSON
PREFECT OF DISCIPLINE
PROPAEDEUTIC YEAR
IMMACULATE CONCEPTION MAJOR SEMINARY
Tabe, Guiguinto, Bulacan

REV. FR. CHRISTIAN KIM C. MARIANO
* FINANCE DIRECTOR�ST. MARTIN DE PORRES�CATHOLIC SCHOOL OF NORZAGARAY
* RECTOR�COLEGIO DE STA. MONICA, ANGAT, BULACAN
* RECTOR�COLEGIO DE SAN JUAN DE DIOS, SAN RAFAEL, BULACAN

REV. FR. EDGARDO I. TORIBIO, JR
OUR LADY OF MOUNT CARMEL PARISH
Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

Address

Bagong Barrio Balasing Santa Maria Bulacan
Bulacan
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sikap Kabataan - SPCY Bagong Barrio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share