SamasaMaria- Ang Siwalat at Boses ng Bayan

SamasaMaria- Ang Siwalat at Boses ng Bayan Ang Opisyal na Pahayagang Pamayanan ng mga Kabataang Mamamahayag ng Sta. Maria, Bulacan.

127TH INDEPENDENCE DAY OF THE PHILIPPINES. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Hunyo 12, kaisa ang SamasaMaria sa pagdiriwang ng  ika-127 na taon ...
12/06/2025

127TH INDEPENDENCE DAY OF THE PHILIPPINES. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Hunyo 12, kaisa ang SamasaMaria sa pagdiriwang ng ika-127 na taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ilang dekada man ang lumipas mula nang nanaig ang katapangan at puwersa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop, nawaโ€™y araw-araw nating alalahanin ang kanilang naging pagsisikap at mga naisakripisyong dugo, pawis, at buhay upang ating matamasa ang kaginhawaan at kalayaan.

Malaya man mula sa mga mananakop, nawaโ€™y dumating din ang araw na tunay na malaya ang ating bansa mula sa mg krisis na ating kinahaharap sa mga oras na ito. Buhayin ang espiritu ng pagkakaisa at pakikibaka upang ipaglaban ang ating kalayaan.

Mabuhay ka, Pilipinas. Pupunyagiin ka, Aking Bayan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Graphic Layout by Hannah Garcia, SamasaMaria
Caption by Sofhia Fulgueras, SamasaMaria

๐—”๐—ก๐—š ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐——๐—Ÿ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNoong Mayo 28, 1898 ay naganap ang kauna-unahang pagladlad ng Watawat ng ...
28/05/2025

๐—”๐—ก๐—š ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐——๐—Ÿ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Noong Mayo 28, 1898 ay naganap ang kauna-unahang pagladlad ng Watawat ng Pilipinas sa Alapan, Imus, Cavite sa pangunguna ng noong General at dating Presidente Emilio Aguinaldo. Nangyari ito matapos na manalo ang sandatahang militar ng Pilipinas laban sa mga Espanyol sa laban sa Alpan.

Bilang pag-alala sa giting ng mga Pilipino, ngayong araw, Mayo 28, 2025 ang simula ng selebrasyon ng โ€œNational Flag Dayโ€na magtatagal hanggang Hunyo 12, 2025, sa Araw ng Kalayaan.

Kaya naman, tayoโ€™y magnilay-nilay at alalahanin ang naging tapang at paglaban ng ating mga bayani at ninuno upang matamasa ang kaginhawaan at kalayaan. Ito rin nawa ay magsilbing inspirasyon sa ating mga kabataan na taas noong ipagmalaki ang ating watawat, pinagmulan, ang Inang Bayan, at makipagbaka para sa ating kasarinlan.

Dahil ang pagmamahal ay mapagpalaya โ€” at ang ibigin ang Bayan ay pakikipagbaka at paglaban para sa kalayaan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Layout by Maria Hannah Garcia, SamasaMaria
Caption by Sofhia Fulgueras, SamasaMaria
Source of Information : https://ncip.gov.ph/news/national-flag-day-in-the-philippines/?hl=en-US

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isa sa si G. Jeremy Castillo, ang ating SAMASAMARIA FOUNDER sa mga Provincial Representative ng ating Bayan sa...
28/05/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isa sa si G. Jeremy Castillo, ang ating SAMASAMARIA FOUNDER sa mga Provincial Representative ng ating Bayan sa Bulacan Tourism and Heritage Society na isasagawa sa Hiyas ng Bulacan, Cultural Center.

DAKILAIN KA BULACAN!

TINGNAN: Ipinadala natin ang ating mga Youth Leaders na sina JEREMY N. CASTILLO mula sa KATHA ICP at SHEKINA EUMI SANTOS ng KKB Santa Maria sa bubuoing Bulacan History & Heritage Youth Society na tututok sa mga programa ng pagpapahalaga sa ating kalinangan, kultura at kasaysayan.

Sila ay dadalo ngayon sa National Flag Day Celebration sa Kapitolyo ng Bulacan at dadalo sa training & Seminar kaugnay nito.

Maraming salamat sa ating Santa Maria Bulacan Tourism and Cultural Affairs Office! Pagpapakita ito ng mataas na pagpapahalaga ng mga Kabataan sa ating Turismo at Kasaysayan!





28/05/2025

NATIONAL FLAG DAY 2025

Maging paalala nawa ang araw na ito sa bawat isa na tayo ay sama-sama at nasa ilalim ng iisang watawat. Magkaisa po tayo sa landas tungo sa tagumpay, progreso, at kaunlaran.

Pagpalain nawa ng Panginoong Diyos ang ating bansa, lalong lalo na ang ating minamahal na bayang Santa Maria!



๐—œ๐—ž๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—•๐—”? ๐—•๐—”๐—ž๐—” ๐—œ๐—ž๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š๐—”!Mapagpalayang araw, mga Kabataang Santa Maria! Sa bagong yugto ng panahon, patuloy na pinal...
26/05/2025

๐—œ๐—ž๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—•๐—”? ๐—•๐—”๐—ž๐—” ๐—œ๐—ž๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š๐—”!

Mapagpalayang araw, mga Kabataang Santa Maria! Sa bagong yugto ng panahon, patuloy na pinalalakas ng mga kabataan ang impluwensiya at importansiya ng pagpapapahayag na ipaglilingkod sa bayan, at mamamayan.

Ang ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ - ๐—ฆ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป na itinatag noong Disyembre 1, 2024 ay isang samahan ng mga mamamahayag ng bayan ng Santa Maria na naglalayong paigtingin at palakasin ang boses ng mga kabataan tungo sa pagsisiwalat ng katotohanan.

Kaya naman, bilang patuloy na pagpapaunlad at pagpapalakas ng organisasyong ito, ang Samasa Maria ay naghahanap ng mga miyembro na siyang magtataguyod ng kalidad ng pagpapahayag at magsisilbing boses upang ipahayag ang katotohanan. Bukas ang samahan na ito para sa lahat ng kabataan na may interest sa pagpapahayag at pagsulat na naninirahan sa munisipalidad ng Santa Maria, Bulacan.

Para sa mga nagnanais at interesado sumapi sa samahan na ito, mangyari lamang na kontakin ang alin sa isa sa mga taong ito upang magabayan at maidagdag sa group chat :

Jeremy N. Castillo
https://www.facebook.com/jeremy.castillo.1485

Winther Betchaida
https://www.facebook.com/wintherxcz

Sofhia Fulgueras
https://www.facebook.com/yra.lacanilao

Ikaw na ba ang susunod na aming Kasamang Mamamahayag?



Pubmat by : Maria Hannah Garcia

23/05/2025

Our initial speaker, Jeremy N. Castillo, advocates for Empowering Journalism and a Community that Values Child Literacy. He began his JOURNey as a Feature Writer at Jose Juan Serapio Elementary School, which helped him evolve into a student Journalist. Advancing to Junior High, he kept following his passion at Catmon National High School, where Mr. Castillo gained popularity due to his leadership abilities, public speaking talent, and various skills. He participated in the 2022 National Oratorical Competition, the 2023 Festival of Talents, and finished 3rd in the 2023 EDDIS School Press Conference, qualifying for the division. A contributor for โ€œANG KALATAS,โ€ the official newspaper of the school, and featured in various school publications due to his steadfast passion for Campus Journalism, received the title of NATATANGING MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO.

Moving on Senior High School, Mr. Castillo became an awarded Campus Journalist of the Immaculate Conception Polytechnic Santa Maria Bulacan Main Campus and received different Honors in this fieldโ€”during his time in their institution Year 2023-2024 he was elected as the First ever Editor-in-Chief of their Official School Publication โ€œANG KATHAโ€, on the said year, he initiated the first ever Live Broadcasting Coverage of their publication which covers the biggest events of the school and their community based activities. He pursued the group to first ever participate in their Districtโ€™s EDDIS School Script Writing and Radio Broadcasting Competition and became the First private school to join in this prestigious competition. Mr. Castillo released the first ever Student News Paper of their Institution which creates a remarkable impact in their school, by the help of their Editorial Boards and their adviser.

Year 2024-2025, he became the appointed Chairman of the School Publication and conducted the biggest projects as a Journalistic Organization, by his initiative, their Publication became part of the Youth Organization Registration Program (YORP) of the National Youth Commission (NYC), by this step, Mr. Castillo became a LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL of the Municipality of Santa Maria, under the Local Youth Development Office (LYDO) and had the opportunity to widen their publications service from school to their community.

โ€œMula sa Paaralan hanggang sa Paglilingkod sa Bayanโ€

Mr. Castillo also conducted the first ever School Pressconference in their Institutions which aims to open the opportunity for other student to be a Student journalist. After being part of the National Youth Organization he represented their School and Municipality in different event inside and outside the Province of Bulacan such as;

-LYDC Malolos Training conducted by Pangkaunlarang Konseho ng Kabataan sa Lalawigan ng Bulacan.
-He was One of the 50 Youth Municipal Representatives of Santa Maria in US EMBASSY DAY TOUR 2024
-BATAAN SK and LYDC Continuing Leadership Training
-And the recently conducted NATIONAL YOUTH CONVENTION in San Fernando La Union in which he had an opportunity to speak infront of all the Filipino Youth Delegates and leaders, sharing his experience in Campus Journalism.

Chair. Jeremy is also a National Delegate in the recently conducted National Convention for the Eucharist 2025 held at the Bulwagang Batangas.

Mr. Castillo also had a Title in their Province โ€œIKAAPAT SA PINAKAMAHUHUSAY NA MANUNULA NG LALAWIGAN NG BULACAN BulPrisa Cultural 2025โ€ and in their District (4) โ€œKAMPEON SA LARANGAN NG PAGBIGKAS NG TULAโ€. Year 2025 he also became the student coach of the Immaculate Conception Polytechnicโ€™s Filipino and English Radio Broadcasting Team which competed in the 2025 BulPrisa Division School Script Writing and Radio Broadcasting Competition, The Filipino Team Ranked 7th out of 23 Schools and the English Team Ranked 4th out of 19 Schools with special Awards of;
1st Place Best News Anchor
1st Place Best Infomercial
2nd Place Best in Script
3rd Place Best in Technical Application

He also hosted, the Major events of their IC institutions and the biggest events in his Home Town, Santa Maria.

Currently, He is the founder of SAmahan ng mga MAmamahayag sa SAnta MAria (SAMASAMARIA) which aims to become the first local publication team of their Municipality. And Lastly, Mr. Castillo is a Provincial Representative of the Municipality of Santa Maria for the Bulacan History and Heritage Society Conference 2025 in Malolos (Sentro Kapitolyo ng mga Bulakenyo).

23/05/2025
๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€!
26/12/2024

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€!


๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ๐ || Sa Abuloy, Katiwalian Patuloy  Kapag ang namamalakad nangailangan ng abuloy, tiyak malayang makagagalaw si Qui...
26/12/2024

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ๐ || Sa Abuloy, Katiwalian Patuloy

Kapag ang namamalakad nangailangan ng abuloy, tiyak malayang makagagalaw si Quiboloy.

Marami na ang administrasyong dumaan, ngunit patuloy na nananatili ang kawalan ng malinis na pamahalaan bilang isa sa mga pangunahing suliranin ng bansa, at hindi ito malulutas hanggaโ€™t mayroong mga taong nilalaro ang batas.

Katakataka para sa akin na itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na diskwalipikahin ang kandidatura ni Apollo Quibuloy sa pagkasenador, gayong hindi naman malinis ang kamay nito para sa kandidatura?

Matatandaan na nagkaroon ng malawakang pagtugis upang maaresto si Quiboloy at iharap sa senado para sa paglilitis. Kabilang sa mga kasong kinahaharap niya ay child abuse charges at s*x trafficking charges, subalit hindi yata siya natatakot sa mga mambabatas at nais pa niyang mapabilang sa mga ito.

Ang mas ikinagulat ko ay hindi raw kasi nakapag-comply ang petitioner, at isa ring kandidato, na si Atty. Sonny Matula ng Workersโ€™ and Peasantsโ€™ Party (WPP) sa resolusyon No. 11046 ng Comelec na nagsasabing hindi maaaring madiskwalipika ang isang kandidato hanggaโ€™t hindi napatutunayan ang kaniyang pagkakasala hanggang sa araw ng botohan.

Bakit bibigyan ng pagkakataon ang isang kriminal na makatungtong sa antas na dapat ay mga alagad lamang ng batas ang nakatatapak? Ang pagkasenador ay hindi kaning iluluwa kapag ikaw ay napaso.

Ito na yata ang unang bahid ng korapsyon sa darating na taon, napakagandang regalo naman nito lalo naโ€™t magpapasko. Masisiguro kong lalong gugulo ang gobyerno. Anong pagpapaigting pa ba ang kailangang gawin? Baka gusto pa nilang dagdagan ang mga payaso sa senado? Panigurado, may mga asong sabik sa buto ang nag-aabang ng kung anong ibabato ni Quiboloy.

Sa puntong ito, kahit normal na mamamayan ay nasuri na ang pagkatao ni Quiboloy, ngunit may mga taong pa ring sumusuporta sa kaniya. Paano na ang mga Pilipino niyan? Kung malala na si Quiboloy, ay may mas ilalala pa โ€˜yan kung sakaling maabsuwelto at maging senador.

Sabagay, madaling bilhin ang loob ng tao gamit ang pera. Sa kalagayan pa lamang ng bansa ay may posibilidad na may mag-usig sa mga nakatataas at sa mga mamamayan, at mangyari ngang magkaroon ng kriminal na lantarang minamanipula ang batas.

Kung hindi maaaring diskwalipikahin ng Comelec si Quibuloy, kumilos sana ang hudikatura. Hindi dahilan na โ€˜ipinagbabawal ng batasโ€™, dahil kung may sablay sa batas, sila rin ang may kagagawan.

Kung hindi maparusahan ang kriminal gamit ang batas, palitan ang batas.


Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SamasaMaria- Ang Siwalat at Boses ng Bayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share