Juan Project PH

Juan Project PH Juan Project PH is a non-partisan, youth-led organization dedicated to community transformation and empowering young people.

JPPH aims to strengthen youth to harness their potential, which can lead to meaningful contributions to everyJUAN.

Para po! πŸš—Matagumpay ang pag-arangkada ng biyahe ng Juan Project PH sa isinagawang Lead as Juan: Student Leadership Trai...
16/09/2026

Para po! πŸš—

Matagumpay ang pag-arangkada ng biyahe ng Juan Project PH sa isinagawang Lead as Juan: Student Leadership Training Workshop sa Estrella Academy of Sta. Maria Inc. noong ika-15 ng Septyembre. 🚌

Bahagi ito ng layunin ng Juan Project PH na magbigay ng inklusibo at aktibong training workshop upang maihanda ang mga susunod na lider ng ating bayan at malinang ang kanilang natatanging kakayahan. πŸ’ͺ

Maraming salamat sa pagbiyahe, Estrellans! 🚍

✍️: Michael Justine Enriquez



Isa na namang matagumpay na biyahe ang ating narating! Taos-pusong pasasalamat sa mga masisigasig na student leaders ng ...
16/09/2026

Isa na namang matagumpay na biyahe ang ating narating! Taos-pusong pasasalamat sa mga masisigasig na student leaders ng Estrella Academy of Sta. Clara, Inc. para sa inyong mainit na pagtanggap at aktibong pakikiisa sa naganap na Lead as Juan: Student Leadership Training Workshop kahapon. πŸšŒπŸ’™

Nawa'y maging inspirasyon ninyo ang mga bagong aral na ito upang maglingkod sa inyong paaralan at mga kapwa kabataan nang may husay at puso. Laging tandaan na ang biyahe patungo sa makabuluhang pagbabago ay straight ahead, kaya hanggang sa muling pagbiyahe, Juan! πŸ›£οΈπŸŒ±πŸš

🎨: Kent Ivan Royo
✍️: Arvin De Vera




Beep! Beep! Beep! 🚌 Paparating na sa panibagong istasyon!Susunod na hinto: Estrella Academy of Sta. Clara, Inc.! πŸ“Patulo...
14/09/2026

Beep! Beep! Beep! 🚌 Paparating na sa panibagong istasyon!

Susunod na hinto: Estrella Academy of Sta. Clara, Inc.! πŸ“

Patuloy ang pag-arangkada ng Juan Project PH upang maghatid ng mga kasanayan at kaalamang huhubog sa mga susunod na lider ng ating komunidad. Mga aspiring leaders, straight ahead ang biyahe patungo sa makabuluhang pagbabago! ✨

🚍 Samahan kami sa panibagong yugto ng Lead as Juan: Student Leadership Training Workshop sa...

πŸ“ Estrella Academy of Sta. Clara, Inc., Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan
πŸ—“οΈ September 15, 2026
⏰ 8:00 AM - 12:00 NN

Handa na ba kayong sumakay sa biyaheng ito at mag- ? 🌱

🎨: Kent Ivan Royo
✍️: Arvin De Vera




ANOTHER JUAN! 🌟Pinarangalan ang isang programa ng Juan Project PH, ang Juan Caravan: Free College Entrance Exam Review b...
13/09/2026

ANOTHER JUAN! 🌟

Pinarangalan ang isang programa ng Juan Project PH, ang Juan Caravan: Free College Entrance Exam Review bilang Outstanding Youth Project ng Municipality of Santa Maria sa ginanap na Gawad Galing Kabataang Santa Maria Awards Night.πŸ†

Patuloy nating pinaiigting ang ating adhikain na tulungan at ihanda ang mga kabataan sa kanilang paglalakbay tungo sa kolehiyo.πŸ“š

Nagsimula ang inisyatibang ito sa simpleng pagbibigay ng reviewers at learning materials para sa ating mga kabataan. Sa paglipas ng panahon, unti-unti itong lumawak at naging serye ng review sessions at college preparation activities, kasama ang pamamahagi ng mga review toolkits na naging posible sa tulong ng ating mga Juan mula sa iba’t ibang unibersidad.

Para sa Juan Project PH, naniniwala tayo na ang edukasyon ay isang mahalagang instrumento sa pagbuo ng isang mas maunlad, inklusibo, at nagkakaisang komunidad. πŸŒ…

Sa pamamagitan ng ating mga review sessions at learning initiatives, hindi lamang natin tinutulungan ang mga kabataan na maghanda para sa kanilang pagpasok sa kolehiyo. Higit sa lahat, layunin nating mapalawak ang kanilang mga oportunidad, mapalakas ang kanilang tiwala sa sarili, at maipakita na ang edukasyon ay isang daan tungo sa mas magandang kinabukasan.

Ang pagkilalang ito ay inspirasyon upang patuloy nating palawakin ang ating mga programa at abutin ang mas maraming kabataan sa Santa Maria.πŸ…

Lagi’t lagi, para sa Diyos, Bayan, at Kabataan.🀍

MOST OUTSTANDING YOUTH ORGANIZATION 2026 πŸ†Ka-Juan, pinangaralan tayo bilang Most Outstanding Organization ng Municipalit...
11/09/2026

MOST OUTSTANDING YOUTH ORGANIZATION 2026 πŸ†

Ka-Juan, pinangaralan tayo bilang Most Outstanding Organization ng Municipality of Santa Maria sa ginanap na Gawad Galing Kabataang Santa Maria Awards Night ngayong araw. πŸ’›

Ang pagkilalang ito ay hindi magiging posible kung wala ang bawat EveryJuan na patuloy na nakikiisa, tumutulong, at nagbibigay ng oras at puso para sa ating adbokasiya.

Taos-pusong pasasalamat sa walang-sawang pagtutulungan at bayanihan, hindi lamang ng ating mga miyembro, kundi pati na rin ng ating JuanDay Volunteers, partners, at donors na patuloy na nagiging kaagapay sa pagpapatupad ng ating mga proyekto at training workshops, sa kabila ng sobrang limitadong resources.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa Juan Project PH. Higit sa lahat, ito ay pagkilala sa bawat taong naging bahagi ng ating paglalakbay at sa patuloy nating hangaring ipagpatuloy, palawakin, at palakasin ang ating mga proyekto at adhikain para sa kabataan at komunidad.

Patuloy tayong magsilbi, magkaisa, at maging bahagi ng pagbabago.

Lagi’t lagi, para sa Diyos, Bayan, at Kabataan.🀍

Isa na namang matagumpay na biyahe ang ating narating! Taos-pusong pasasalamat sa mga masisigasig na student leaders ng ...
11/09/2026

Isa na namang matagumpay na biyahe ang ating narating! Taos-pusong pasasalamat sa mga masisigasig na student leaders ng Municipality of Santa Maria, Bulacan, at sa naging katuwang natin na Local Youth Development Office (LYDO), para sa inyong mainit na pagtanggap at aktibong pakikiisa sa ating Lead as Juan: Student Leadership Training Workshop noong nakaraang Setyembre 7. πŸšŒπŸ’™

Nawa'y maging inspirasyon ninyo ang mga bagong aral na ito upang maglingkod sa inyong mga kapwa kabataan nang may husay at puso. Laging tandaan na ang biyahe patungo sa makabuluhang pagbabago ay straight ahead, kaya hanggang sa muling pagbiyahe, Juan! πŸ›£οΈπŸŒ±πŸš

🎨: John Simon Mendoza
✍️: Arvin De Vera




SSLG - Sta. Cruz High School at Juan Project PH's Leadership Training
11/09/2026

SSLG - Sta. Cruz High School at Juan Project PH's Leadership Training

Municipality of Santa Maria BGO Officials 2026 participated at Juan Project PH's Student Leadership Training Workshop. I...
09/09/2026

Municipality of Santa Maria BGO Officials 2026 participated at Juan Project PH's Student Leadership Training Workshop.

In partnership with Local Youth Development Office - Santa Maria, Bulacan.

Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Vicente BGO Officials 2026 at Lead as Juan Training Workshop of Juan Project PH
09/09/2026

Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Vicente BGO Officials 2026 at Lead as Juan Training Workshop of Juan Project PH

Boy Girl Officials - Barangay Camangyanan 2026 at Lead as Juan Training Workshop of Juan Project PH
09/09/2026

Boy Girl Officials - Barangay Camangyanan 2026 at Lead as Juan Training Workshop of Juan Project PH

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Project PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share