06/11/2023
Tanda mo pa ba ang tula na pinamagatang “Trees”, kung saan sinabing walang papantay na ganda ng tula sa ganda ng mga puno? Pero paano makikilala ang mga kapunuan natin kung patuloy naman ang pagkakalbo sa mga kabundukan dahil sa illegal logging at iba pang mga nakasisirang aktibidad?
Ayon sa Global Forest Watch, sa Pilipinas mula 2001 hanggang 2022, nasa 1.42 million hectares na ng tree cover ang nawala. Noong 2021, tinatayang nasa 23.24% ng total land area ng Pilipinas ang forest area, o nasa 7.27 million hectares. Ngunit ang forest covers na ito ay laging may kinakaharap na mga pagsubok at mga banta.
Ang mga banta o threat sa ating mga forest cover ay ang urban construction o mga pagtatayo ng mga kalsada, power plants, o maging mga tirahan sa kabundukan, agriculture o ang pagtatanim at pag-aani ng mga crops, pagtatayo ng mga farms at rancho, at ang paggamit ng method na slash and burn o kaingin, fuel generation sa pamamagitan ng pagputol ng mga kahoy para sa charcoal at firewood, at ang illegal logging o ang walang habas at hindi sustainable na pagputol ng mga puno upang kahuyin.
Sa kabila ng mga batas tulad ng Presidential Decree No. 705, Series of 1975 o ang Revised Forestry Code of the Philippines at Republic Act no. 3701 o “An Act to Discourage Destruction of Forests” na pumoprotekta sa ating mga kabundukan at mga kakahuyan mula sa exploitation at pagkasira nito, hindi pa din ligtas ang ating mga kabundukan, kakahuyan, at mga kagubatan sa pagkasira. Ang epekto ng patuloy na pagkasira ng mga natural resources na ito ay maaaring magdulot ng erosion o pagguho ng lupa, flooding and drought of pagbaha at tagtuyot, amplification of the effects of climate change o paglala ng epekto ng climate change, at loss of biodiversity o ang pagkawala ng pagkakaiba-iba ng mga buhay-ilang sa ating lugar.
Ilan sa ating mga magagawa para mapigilan ang panaghoy ni Inang Kabundukan ay ang pakikiisa sa mga tree planting activities na naglalayong magtanim ng mga native at indigenous tree species sa ating mga kabundukan, ang pakikibahagi sa pagla-lobby ng mga bago at mas matapang na mga batas para sa proteksyon ng kalikasan, at ang pakikiisa sa mga kampaya ng mga organisasyong naglalayon na maprotektahan ang ating mga likas-yaman.
Pamagat: PANAGHOY NI INANG KABUNDUKAN
Akda at Obra: RAYMARK PAUL T. RIGOR
Additional readings: https://philchm.ph/deforestation/
https://www.globalforestwatch.org/dashboards/country/PHL/
https://forestry.denr.gov.ph/index.php/issuances/laws-and-policies