14/07/2026
๐ฃ๐๐ซ ๐ฆ๐๐๐๐๐, ๐๐ง๐๐๐๐ ๐ก๐!
Sa unang tingin, ang ๐ฃ๐ฎ๐
๐ฆ๐ถ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ ay parang pangako ng pag-asenso; mas maraming ๐ฉ๐ง๐๐๐๐๐ค, ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐, at ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐จ๐ค๐ ng ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค๐ฃ๐๐ค sa ating bansa.
โ
โNgunit sa likod ng magagandang salita, may mga tanong na kailangang sagutin para sa ating lahat. Ito ba ay tunay na pag unlad na mananatili sa atin, o pagbubukas lang ng ating ๐น๐๐ฝ๐ฎ, ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, at ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป para sa kapakinabangan ng iba? Habang nakatayo tayo sa gitna ng malaking pagbabago, ito ay sumasalamin sa mahalagang tanungin: ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผโsa atin o sa mga dayuhang ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ tayo ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ?
โ
โMarami sa atin ang nag-aabang kung ano ba talaga ang hatid nito. Sabi nila, magkakaroon daw ng maraming trabaho at sasalain ang pera sa bansa. Pero hindi natin maiwasang mag-alala, paano naman ang mga pamilyang nakatira sa mga lupang gagamitin? Paano na ang mga magsasakang matagal nang nag-aalaga sa lupa? Sila ba ang mauunang makikinabang, o sila pa ang unang mawawalan ng tirahan at kabuhayan?
โ
โAlam nating kailangan natin ng pag unlad. Pero bakit parang ang laki ng ibinibigay natinโang ating likas na yaman, ang ating lupain, pati na rin ang sarili nating mga batasโpero hindi tayo sigurado kung babalik ba sa atin ang tunay na asenso? Ang mineral na kinukuha natin mula sa ating mga kabundukan, ang kuryente at tubig na kailangan din natin araw-arawโsapat ba ang pangako para ibigay natin ang lahat ng ito?
โ
โHindi rin natin malilimutan ang panganib na dala nito para sa ating kaligtasan. Kapag isinama natin ang ating bansa sa labanan ng mga malalakas na bansa, tayo rin ang maaaring madamay sa gulo. Sa huli, ang tanong pa rin natin: pagkatapos ng lahat ng ito, mas gagaan ba ang buhay ng karaniwang Pilipino, o mananatili tayong taga-ambag lang habang ang iba ang nagpapasaya sa bunga ng ating paghihirap?
โ
โHindi natin tinututulan ang isang ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ at ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ. Tutol tayo sa isang progresibong pag babago na inuuna ang kanilang pang sariling interes, kaysa sa taumbayan