27/07/2026
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ ๐ฎ๐ ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐
Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Norzagaray at Republic Cement & Building Materials, Inc., mas mapapalakas natin ang ating pagsisikap na mabawasan ang plastic waste sa ating bayan. Ang mga plastic na basurang makokolekta sa mga kabahayan ay dadalhin sa tamang disposal facility ng Republic Cement.
Ngunit higit pa sa isang programa, ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bawat tahanan.
Kaya naman, upang mas mapaigting natin ang makabuluhang programang ito, ay hinihikayat ko ang bawat pamilyang Garayeรฑo na gawing bahagi ng ating araw-araw na gawain ang waste segregation. Ihiwalay ang nabubulok, recyclable, residual, at plastic waste. Sa simpleng disiplina at pakikiisa ng bawat isa, malaki ang ating maitutulong upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating bayan.
Tandaan natin na ang malinis na Norzagaray ay hindi lamang responsibilidad ng Pamahalaang Bayan kundi responsibilidad ng bawat mamamayan.
Sama-sama nating simulan sa ating sariling mga tahanan.
๐ฟ๐๐๐๐ก ๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐๐จ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ฎ๐ค๐จ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ฎ, ๐ข๐๐ฎ ๐๐ข๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ ๐ข๐๐ก๐๐ฃ๐๐จ ๐๐ฉ ๐ข๐๐จ ๐ก๐ช๐ฃ๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ง๐ฏ๐๐๐๐ง๐๐ฎ.