11/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ต๐ญ
๐ต๐ญ ISANG MALAYA AT MAALAB NA ARAW NG KALAYAAN, BUHI! ๐ต๐ญ
Ngayong ika-12 ng Hunyo, 2026, kaisa ng buong bansa ang Youth Federation of Buhi (YFB) sa pagdiriwang ng ika-128 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Higit sa pag-alala sa makasaysayang pagwagayway ng ating watawat sa Kawit, Cavite, ang araw na ito ay isang paalala sa bawat kabataang Buhinon na ang apoy ng kalayaan ay patuloy na nagdidingas sa ating mga kamay. Malaya tayong mangarap, malaya tayong lumikha, at malaya tayong magsilbi para sa ikabubuti ng ating komunidad.
Bilang mga makabagong katipunero ng ating henerasyon, bitbitin natin ang tapang at pagkakaisa upang isulong ang isang lipunang may katarungan, kaunlaran, at tunay na malasakit sa kapwa.
Itaas ang noo, kabataang Pilipino! Ipagmalaki ang ating lahi, kultura, at kasarinlan.