Liyab - Sangguniang Kabataan ng San Vicente

Liyab - Sangguniang Kabataan ng San Vicente Official Publication Page of Sangguniang Kabataan ng Barangay San Vicente, Buguey, Cagayan

Magkaisa, Magpatuloy!

DAY 2: Court Beautification we did what we had to do-no shortcuts, just pure grind 🔥it's giving..... liga ready-malinis,...
17/04/2026

DAY 2: Court Beautification

we did what we had to do
-no shortcuts, just pure grind 🔥

it's giving..... liga ready
-malinis, solid, at ready sa bakbakan 🏀

DAY 1 – Court BeautificationBefore: 😐After: 😤🔥🏀POV: Enrolled ka sa Enchong Dee University Lesson Learned: Proof na kapag...
16/04/2026

DAY 1 – Court Beautification

Before: 😐
After: 😤🔥🏀

POV: Enrolled ka sa Enchong Dee University
Lesson Learned: Proof na kapag sama-sama, kayang nating mabago ang kahit anong court 💯

- This is not about the court.

The heat is on 🔥🏀Get ready for an exciting showdown as the 2026 Summer Basketball League officially kicks off!📅 April 20...
15/04/2026

The heat is on 🔥🏀
Get ready for an exciting showdown as the 2026 Summer Basketball League officially kicks off!

📅 April 20, 2026
⏰ 3:00 PM
📍 San Vicente Gymnasium

Bring your squad, cheer for your team, and witness intense hoops action live. See you there!

Feeding Program at Donasyon, Handog ng SK San Vicente para sa Linggo ng Kabataan 2025Matagumpay na isinagawa ng Sangguni...
31/08/2025

Feeding Program at Donasyon, Handog ng SK San Vicente para sa Linggo ng Kabataan 2025

Matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay San Vicente at Sitio Casilagan, kasama ang ilang boluntaryo, ang isang feeding program para sa mga mag-aaral ng San Vicente Primary School at Casilagan Primary School. Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025 noong Agosto 21, 2025.

Nagsilbing pagkakataon ang programa upang magbigay ng masustansiyang pagkain at masigurong busog ang mga bata, na nagpapakita kung gaano pinapahalagahan ng SK Council ang kapakanan at kalusugan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.

Bukod sa feeding program, hindi rin pinalampas ng SK Council ang pagkakataong mag-abot ng donasyon ng mga cleaning tools at equipment para sa paaralan. Kabilang dito ang mga walis, dustpan, at iba pang kagamitan na magagamit sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng mga nasabing paaralan. Layunin nitong makatulong sa paglikha ng mas ligtas at malinis na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ang Linggo ng Kabataan ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang para sa mga kabataan, kundi isang mahalagang paalala na sila ang tunay na lakas at pag-asa ng kinabukasan. Ang mga inisyatibong tulad nito ay nagsisilbing gabay na tumutulong sa kanila upang magtagumpay at maging mas mahusay na indibidwal.

Magkaisa, Magpatuloy!



GAWAD HUWARANG KABATAANPagkilala sa mga Huwarang Kabataan ng Barangay!Bilang pagtatapos ng ating matagumpay na Linggo ng...
19/08/2025

GAWAD HUWARANG KABATAAN

Pagkilala sa mga Huwarang Kabataan ng Barangay!

Bilang pagtatapos ng ating matagumpay na Linggo ng Kabataan, buong pagmamalaki nating pinarangalan ang ating mga Board Passer at Batch ‘25 Graduates!

Sa ilalim ng ordinansang Gawad Huwarang Kabataan, binigyan ng insentibo ng ating konseho ang mga estudyanteng nagpakita ng kahusayan at sipag sa kanilang pag-aaral. Sila ay ginawaran ng pagkilala bilang pagpupugay sa kanilang tagumpay na nagbigay karangalan sa ating barangay.

Ang pagsuporta sa ating mga kabataan ay hindi lamang isang simpleng gawain, kundi isang pamumuhunan para sa ating kinabukasan. Ang bawat tulong na ibinibigay natin ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mas maunlad at mas matatag na komunidad. Layunin ng SK Council na isapuso ang mga ito—para sa serbisyo, para sa kabataan.

Ang naturang programa ay gaganapin sa Agosto 31 sa SK Office. Kitakits, mga huwarang kabataan!



OUTREACH PROGRAM Patuloy ang Selebrasyon sa Linggo ng Kabataan!Bilang pagpapatuloy ng mga programa para sa Linggo ng Kab...
19/08/2025

OUTREACH PROGRAM

Patuloy ang Selebrasyon sa Linggo ng Kabataan!

Bilang pagpapatuloy ng mga programa para sa Linggo ng Kabataan, magsasagawa ang inyong Sangguniang Kabataan (SK) Council ng isang Outreach Program sa Lunes, Agosto 25.

Ang mga kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo ay makakatanggap ng grocery packs mula sa konseho. Layunin nitong gumaan ang kanilang pasanin kahit papaano habang nag-aaral. Ang programa ay mangyayari sa SK Office ng barangay.

Bukod pa rito, maglilingkod din ang mga SK Official sa mga mamamayan ng Sitio Pannao para mag-abot ng tulong. Ito ay bilang pagpapakita ng malasakit at serbisyo publiko, at upang masiguro na walang maiiwan sa ating komunidad.

Sama-sama nating isulong ang kinabukasan ng ating mga kabataan at komunidad!



SURFING TRAINEE PROGRAM Libreng Surfing Trainee Program para sa mga Kabataan ng Buguey!Sa pakikipagtulungan ng pribadong...
19/08/2025

SURFING TRAINEE PROGRAM

Libreng Surfing Trainee Program para sa mga Kabataan ng Buguey!

Sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor, bibigyan natin ang mga kabataan ng pagkakataong matuto ng bagong kasanayan. Ito ay hindi lang para sa adventure, kundi para na rin sa pagpapaunlad ng inyong pisikal na abilidad at tiwala sa sarili.

Ready, Set, Shore!

From sunrise paddles to after-dark socials, here’s what’s in store at the Surf Camp on Aug 22–25 and The North Gathering: Sundown Sessions on Aug 23, set on the quiet shores of

🏄‍♀️ Surf Sessions – guided lessons for all levels with alongside and .camp . Not part of the camp? You can still join their public sessions after the official camp runs.

🏐 Beach Activities – Frisbee, volleyball, bonfire nights, and relaxed sunset hangs.

📚 Workshops – Learn the basics of ocean safety, board repair, and surf etiquette.

🎶 Live Music & Night Socials – The North Gathering brings together local acts, DJs, and concessionaires for a night to connect, dance, and unwind—presented in collaboration with

🤝 Community Vibe – A mix of campers, locals, and instructors sharing the stoke.

🌾 Rustic Beach Living – Sandy feet, salty hair, and nature all around.

Campers’ Checklist:
Tent, camping chairs, sleeping bag, small pillow, flashlight, portable fan (optional), light clothes, hoodie, water bottle (filtered water provided), powerbank, rain gears, hygiene kit, garbage bag and of course, positive vibes and an open mind!

*Limited slots available. DM us to join or learn more.

@highlight





FEEDING & DONATIONPagpapaunlad ng Edukasyon at Kalusugan ng Kabataan!Bilang pagbubukas ng mga aktibidad para sa Linggo n...
19/08/2025

FEEDING & DONATION

Pagpapaunlad ng Edukasyon at Kalusugan ng Kabataan!

Bilang pagbubukas ng mga aktibidad para sa Linggo ng Kabataan, gaganapin ang proyektong Pagpapaunlad ng Edukasyon at Kalusugan ng Kabataan!

Maghahandog ang SK Council ng Brgy. San Vicente ng mga gamit panglinis sa San Vicente Primary School para sa isang malinis at maayos na kapaligiran ng paatakan.

Kasabay nito, magsasagawa rin ang konseho ng isang Feeding Program para sa mga mag-aaral. Layunin nito na siguruhin ang nutrisyon ng mga kabataan, na mahalaga para sa kanilang pisikal at mental na pag-unlad, at para na rin maging masigla sila sa pag-aaral.

Ang mga proyektong ito ay patunay ng patuloy nating pagsuporta sa ating kabataan. Sama-sama nating isulong ang kanilang kinabukasan!



LINGGO NG KABATAANSK San Vicente, Naghanda ng mga Programa para sa Buwan ng KabataanAyon sa Seksyon 30 ng Republic Act N...
19/08/2025

LINGGO NG KABATAAN

SK San Vicente, Naghanda ng mga Programa para sa Buwan ng Kabataan

Ayon sa Seksyon 30 ng Republic Act No. 10742 o "Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015," ang bawat barangay ay inaatasang ipagdiwang ang kahalagahan ng mga kabataan tuwing buwan ng Agosto.

Bilang paggunita at pagkilala sa kahalagahan at karapatan ng mga kabataang Pilipino, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay San Vicente ay magsasagawa ng iba't ibang aktibidad para sa lahat.

Gaganapin ang mga sumusunod na programa sa Agosto 22, 25, at 31:

• Feeding Program
• Surfing Trainee Program
• Donation Drive Initiatives
• Outreach Program
• Gawad Huwarang Kabataan

Para sa karagdagang detalye, manatiling nakasubaybay sa opisyal na SK page. Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!



ORDINANSA para sa mga nagtapos ng Kolehiyo at Board Exam Passers ng Barangay San Vicente, PIRMADO NA!Matapos ang ilang l...
08/08/2025

ORDINANSA para sa mga nagtapos ng Kolehiyo at Board Exam Passers ng Barangay San Vicente, PIRMADO NA!

Matapos ang ilang linggong pagdinig, ang ordinansang nagsasaad na makakatanggap ang mga Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Vicente na Nagtapos ng Kolehiyo at nakapasa sa Board Exam ng taong kasalukuyan mula sa SK, inaprubahan na!

Kalakip ng naturang ordinansa ang mga kakailanganing ipakita ng mga tatanggap sa araw kung kailan ito gaganapin. Ito ay ang mga sumusunod (maaari lamang na pakibasa at pakiintindihan nang maayos):

• Para sa mga Board Passers;
a. Two(2) Photocopies of any Valid ID;
b. Photocopy of Certificate of Passing
c. Photocopy of Diploma or TOR
d. Certificate of Indigency

• Para sa mga Nagtapos ng Kolehiyo;
a. Two(2) Photocopies of any Valid ID;
b. Photocopy of Diploma or TOR
c. Certificate of Good Moral Character
d. Certificate of Indigency

• Para naman sa mga hindi makakapunta, maaring ang inyong kapamilya ang dumalo dala ang mga kakailanganing papeles.

Patunay lamang ulit nito ang walang sawang suporta ng mga opisyales ng kasalukuyang administrasyon ng SK para sa kanilang sinumpaang nasasakupan.

Pagpupuri para sa Batch ‘25 at sa mga Board Exam Passers!

Para sa iba pang detalye, maaari na manatiling nakasubaybay sa ating SK page. Maraming salamat at kitakits, SK!

MAGKAISA, MAGPATULOY!




📍ATTENTION📍Details:June 21, 2025San Vicente GymnasiumRequirements for Student License National ID  or Passport Plus One ...
20/06/2025

📍ATTENTION📍

Details:
June 21, 2025
San Vicente Gymnasium

Requirements for Student License

National ID or Passport

Plus One Valid ID
*SSS ID
*TIN
*PHIL HEALTH
*VOTERS CERT. or ID
*School ID (student only)

BREAKDOWN OF EXPENSES
200 Registration Driving
500 Medical
250 LTO

Total: 950 pesos

See you there!



San Vicente, give me a beat 🎶Sino dito ang gangster? Sino dito ang tambay? Eh, sino dito ang gangster na tambay? Kung ik...
13/06/2025

San Vicente, give me a beat 🎶

Sino dito ang gangster? Sino dito ang tambay? Eh, sino dito ang gangster na tambay?

Kung ikaw ay gangster, tambay, o pareho—oras mo na! Halina’t dumalo bukas sa gabing puno ng saya at galak, alas otso, sa San Vicente gymnasium!

Isuot na ang pangmalakasang OOTD at tara na maki-party! Kitakits, mga gangstambay! 😎




Address

San Vicente
Buguey
3511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liyab - Sangguniang Kabataan ng San Vicente posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liyab - Sangguniang Kabataan ng San Vicente:

Share