SFNHS - Barkada Kontra Droga

SFNHS - Barkada Kontra Droga Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SFNHS - Barkada Kontra Droga, Youth Organization, Borongan-Guiuan Road, Borongan.

01/04/2026
01/04/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-9 ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€

Bilang pangalawa sa kanilang batch, inilahad ni Jimnier R. Benito sa kanyang talumpati ang tungkol sa mga hamon na pinagdaanan ng kanilang klase. Ibinahagi niya kung paano ang bawat deadline, proyekto, pagsusulit, at pagkakamaling naranasan ay naging pundasyon ng kanilang katatagan at determinasyon, at kung paano ang mga karanasang ito humubog sa kanila upang maging handa sa mga susunod na yugto ng buhay.

Pahayag ni Benito, "Ang ating pinagdaanan sa Senior High School ay hindi naging madali. Puno ito ng mga hamonโ€”mga deadline,
proyekto, reporting, exam, mga pag-iyak dahil sa mababang marka, at mga pagsubok na minsan ay tila lampas sa ating kakayahan. Ngunit sa bawat hamon na ating nalampasan, mas lalo tayong naging matatag.

Maging ang ating mga pagkakamali ay nagsilbing aral, at ang ating pagsisikap sa kabila ng kakulangan sa oras at hirap ang humubog sa ating kakayahan bilang mga magsisipagtapos.

Ang lahat ng ito ang nagsilbing pundasyon ng ating pagkataoโ€”isang matibay na haligi na hindi basta matitinag ng panahon, bagkus ay lalo pang titibay sa pagharap natin sa mga susunod na hamon ng buhay."

01/04/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-9 ๐—ป๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€

Bilang nanguna sa mga nagsipagtapos, nagpaabot ng mensahe si Andrea Lynn Frances F. Bebita sa kanyang talumpati, kung saan kanyang binigyang-diin ang kabuuang karanasan ng kanilang batch mula sa mga hamong sumubok sa kanilang katatagan, hanggang sa mga tagumpay na kanilang pinaghirapan.

Aniya, โ€œTayo napanday sa gitna ng mga balitang puno ng pangamba: mga nagsisiklabang gyera, mga krisis na patuloy na bumabagabag sa ekonomiya, at mga usapin ng korupsiyon na tila paulit-ulit na sumisira sa tiwala. Ang mga itoโ€™y hindi lamang balita sa telebisyon; itoโ€™y naging bahagi ng ating kamalayan at pag-unawa sa realidad ng buhay. Ngayong suot na natin ang togang ito, bawat hibla ng tela ay nakapaloob ang mga sakripisyo, nagbabadyang luha, at hindi matatawarang determinasyon. Patunay ito na tayoโ€™y hinubog ng pinakamalalakas na unos, ngunit kailanman ay hindi nabuwal. Tayoโ€™y hinulma ng mga karanasang sumasalamin sa katangian ng isang tunay na pinunong hindi basta-bastang napapatibag. Sa kabila ng magkakaibang landas na ating tatahakin, nawaโ€™y hindi kumupas ang pagkakaibigang minsang nagbuklod sa atin.โ€

Ang kanyang talumpati ay nag-iwan ng malalim na inspirasyon bilang paalala ng katatagan, at halaga ng samahan sa kabila ng mga pagsubok.

Nag-iwan din siya ng malalim na bakas sa puso ng bawat isa sa gitna ng kanilang paglisan sa pamilyar na silid-aralan at pagtahak sa iba't ibang landas ng buhay.

Embrace the power of change during our ๐ƒ๐€๐๐‚ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! Our talented contestants have poured their creativity int...
17/11/2023

Embrace the power of change during our ๐ƒ๐€๐๐‚ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! Our talented contestants have poured their creativity into impactful slogans and eye-catching posters. Your role? Cast a meaningful vote by expressing your support with a heartfelt ๐’‰๐’†๐’‚๐’“๐’• (โค๏ธ) or ๐’„๐’‚๐’“๐’† react. Each reaction is a step towards a drug-free future.

๐€๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐œ๐ฅ๐จ๐œ๐ค ๐ญ๐ข๐œ๐ค๐ฌ, ๐ฌ๐ž๐ข๐ณ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐จ๐ฉ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒโ€“ ๐ฏ๐จ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ ๐จ๐ฉ๐ž๐ง ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐‘ด๐’๐’๐’…๐’‚๐’š! ๐๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฆ๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐ฅ๐ž๐ญ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฏ๐จ๐ข๐œ๐ž ๐›๐ž ๐ก๐ž๐š๐ซ๐, ๐š๐ง๐ ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐š๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐š ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ ๐ญ๐จ ๐ฉ๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง. ๐“๐จ๐ ๐ž๐ญ๐ก๐ž๐ซ, ๐ฐ๐ž ๐œ๐š๐ง ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐š ๐๐ข๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž!๐ŸŒŸ


Address

Borongan-Guiuan Road
Borongan
6800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SFNHS - Barkada Kontra Droga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share