17/08/2023
AKP National Council Registration...
Anu ba masama sa pagpaparehistro?
Big deal ba magparehistro?
O isa kang peke o panggap na takot magparehistro kasi meron mga tanong na hindi mo kayang sagutin dahil peke ka nga...
Kaya ang ginagawa mo ay kumuha ka ng excerpts sa memo na magagamit mo para sa justification mo para hindi magparehistro... tulad ng mawawalan ka ng mga privilege bilang kasapi ng NC...
At pagkakalat mo pa na may bayad ang registration kahit wala naman nakalagay na may bayad sa memo... maghahanap ka pa ngaun ng mga kakampi na mauuto mo para hindi mahalata na peke ka nga...
Halos lahat ng mga organization ay kailangan na magparehistro kahit club, toda, academic organization atbp... dahil kailangan yan para sa data base ng organisasyon...
Hindi ka na ba magiging Akrho pag hindi ka nagparehistro sa NC?
HINDI totoo yan, likha lamang yan ng magulong kaisipan yan na bunga ng mga nagkakalat ng kasinungalingan sa socmed...
Para lang yan mga Pilipinong estudyante na nag enroll sa UST at ang iba naman ay sa ibang schools nag enroll...
Question: Hindi na ba sila mga Pilipino dahil hindi sila sa UST nag-enroll?
Sagot: Pilipino parin sila...
Paanu naman ang mga hindi nag-enroll at naging-out-of school youth, Hindi na ba sila mga Pilipino dahil hindi sila nag-aaral?
Xmpre Pilipino parin sila...
Ang mawawala sa kanila ay ang mga privilege na binibigay ng UST para sa mga students nila dahil hindi sila nag-aaral sa UST...
Halimbawa ay ang karapatan bumoto sa UST Student Council election...
Nasa data base ka ba ng UST kung hindi ka mag-eenroll sa UST, xmpre WALA...
Unang-una wala silang record ng pangalan mo, so, paanu ka masasama sa data base...
Simple logic lang hindi ba? Napakadaling unawain...
Balik tayo sa AKP NC registration...
May bayad ba ang registration?
Meron ba kayo nakitang may bayad na nakasaad sa memo?
Kung wala kayong nakitang nakasulat sa memo, eh di, WALA...
Tanungin q naman kayo mga kapatid...
Bakit ayaw ninyo magparehistro sa AKP NC?
Kasi hindi kayo sakop ng NC at ayaw ninyo magpasakop sa NC, tama po ba?
Kung hindi kayo sakop ng NC at ayaw naman ninyo magpasok sa pamunuan ng nag-iisang gobyerno ng AKP...
Eh, anung nginangawa ninyo jan? Hindi naman pala kayo apektado sa memo ng NC...
Tulad lang yan ng halimbawa q kanina...
Kung meron bang memo ang UST, apektado ba ang ibang schools at mga out-of-school youth?
Xmpre HINDI...
May karapatan ba na magreklamo ang ibang schools at mga out-of-school youth sa binabang memo ng UST?
Xmpre HINDI...
Kahit sabihin pa na hindi nila gusto ang laman ng memo ng UST ay wala silang karapatang magreklamo kasi hindi naman sila mga taga UST...
Ngaun, kung meron gusto magreklamo sa memo ng AKP NC, magparehistro muna kayo para meron kayo karapatan na magreklamo sa memo nila...
Ang TURO kasi sa akin ng Daddy q...
Sa pag-aanalisa eto ang mga guidelines na dapat alamin...
1) Sino ang nagsabi? (Who?)
2) Sino ang sinasabihan? (To whom?)
3) Kailan sinabi? (When - Date)
4) Saan sinabi? (Where?)
5) Paanu sinabi? (How?)
1) Sino ang nagsabi?
Answer: FFs, BOT, NC Officers
2) Sino ang sinasabihan?
Answer: Mga kasapi ng NC at lahat ng mga Tunay na AKP na gustong magparehistro sa AKP
Etc...
Wala aq makitang masama sa memo nung inintindi q ang memo...
Noong una qng binasa, mejo weird kasi nga tatanggalin daw bilang full-pledge Akrho...
Pero pag inintindi mo...
Yun naman pala yun...
Kung tunay ka naman na Akrho eh bakit ka hindi magpaparehistro eh para sau din naman ito para mapasama sa data base ng AKP...
NOTE: Ang pagpasok sa isang organization ay may kaakibat na responsibilidad at obligasyon...
Lalo na sa isang kapatiran...
Hindi naman basta pinalo, pinaso at magsisisigaw ka na ng Long Live ay sapat na...
Kailangan natin magparehistro, mag-aral hinggil sa mga katuruan ng kapatiran, aralin, isapuso at isabuhay ang mga doktrina, prinsipyo, kultura at tradisyon ng kapatiran...
OBLIGASYON natin yan bilang kasapi...
HALINA AT MAGPAREHISTRO MGA KAPATID...
Written and Credits to Bro Gene Lorenzo
Long liveπ€